Kabanata 36: Karura at Garuda

169 1 0
                                    

Natalo ni Reji si Jagu, kaya ang natitira na lang na Monk Slayers ay sina Zedon at ang lider nilang si Gorak!

Dinidepensahan ni Van ang puwesto ng mga medical monks laban sa mga Mara.

Huan: Salamat sa tulong mo Van!

Van: Mamaya ka na lang magpasalamat kapag natalo na natin sila!

Mga Mara: GRRRAAAAAAAAHHHHHH!!!

KZZZZZZTTTTTTTTTT!!!

Tuloy naman ang laban sa pagitan nina Chai Ban at Zedon! Kinakalaban ni Chai Ban ang walong mandirigmang zombie na binuhay ni Zedon!

Chai Ban: KARURA FLAMES!

Natupok ang tatlong mandirigmang zombie! Sumugod naman ang natitirang lima!

CHANG! CHANG! CHANG!

Sinasalag ni Chai Ban gamit ang kanyang staff ang bawat ulos ng mga espada ng limang zombie.

Chai Ban: EEEHHH!

TSAAAAKKKK!

Nahiwa ng isa sa mga zombie ang kanyang damit! Agad siyang umatras.

Chai Ban: KARURA!

Umusal siya ng orasyon at................

Chai Ban: KARURA FLAME STAFF!

Sumanib ang espiritu ni Karura sa sandata kaya nabalutan ito ng naglalagablab na apoy! At muling umatake ang mga zombie!

Chai Ban: HAAAH! YAAAH! HOOOH!

Gamit ang husay niya sa martial arts, ipinamalas niya ang spinning move, around the world strike at fatal thrust! Isa-isa niyang pinatumba ang mga mandirigman zombie at naabo ang mga ito dahil sa apoy na nagmumula kay Karura!

Zedon: HUH?!

Chai Ban: KARURA FLAME SHOT!

PAAAANNNNGGGG!

Agad na nakagawa ng harang si Zedon upang salagin ang bolang apoy na nanggaling sa staff ni Chai Ban!

Zedon: Magaling! Umpisa pa ang yan! May mga nakareserba pa kong mga zombie na tiyak na makikilala mo!

Umusal si Zedon ng kakaibang lengguwahe. Pagkatapos ay dalawang itim na lagusan ang lumitaw at doon ay lumabas ang dalawa pang mandirigmang zombie.

Chai Ban: HAH?! SILAAAA!

Zedon: GEHEHEHE! Sila ang mga batikang mandirigma na kinilala sa kasaysayan!

Chai Ban: S-SINA GENGHIS KHAN AT HENERAL YUE FEI!

Bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkabigla at poot!

Chai Ban: Isang kalapastanganan! Winawasak mo ang reputasyon at pangalan nila! Hindi kita mapapatawad!

Zedon: Heh! Dapat pa nga silang magpasalamat dahil binuhay ko sila! Wala silang ibang gagawin kundi ang sumunod sa mga utos ko. Sila ay pag-aari ko na! Sige, tapusin nyo na ang mongheng yan!

Chai Ban: Hindi maaari 'to!

CHANG! CHANG!

Sinasalag at iniiwasan ni Chai Ban ang pag-atake ng dalawang mahuhusay na mandirigma ng sinaunang panahon! At dahil sila'y betereno sa mga digmaan---------------

TSAAAAK!

Nasugatan siya ng zombie ni Genghis Khan sa kanang braso! At hindi namalayan ang isang direktang sipa ng zombie ni Heneral Yue Fei!

Chai Ban: AGUUUUHHHH!

Natumba siya at naglaho ang espiritu ni Karura! Dumadaluhong palapit sa kanya ang dalawang magiting na mandirigma upang tuluyan na siyang patahimikin!

KIZZZZZZTTTTTTT!

Nasugatan sa kamay ang zombie ni Genghis Khan kaya napaatras silang dalawa!

Chai Ban: V-VAN!

Zedon: Oh........may sumingit pang isa. Pero nasugatan niya ang zombie ko, balewala yun dahil mga immortal na sila.

Van: Masyado kang nagpapaapekto sa presensiya nila Chai Ban. Kung gusto mo silang makalaya sa sumpa ng muling pagkabuhay, dapat natin silang talunin.

Iniabot ni Van ang kanyang kamay sa monghe para makatayo ito.

Chai Ban: Tama ka. Naiinis lang talaga ko na dinudungisan ng halimaw na yan at ginagamit sa masamang paraan ang dakilang pangalan nila!

Van: Kung gayun, tayo na! Akong bahala sa isa!

Chai Ban: Sige! KARURA!

Karura: Hindi nararapat na ibigay ang tulong sa mga taong mahina ang disposisyon.

Chai Ban: Pasensya na. Inaamin ko kahinaan ko kanina. Pero lalaban ako ngayon!

Karura: Dapat mong patunayan yan sa iyong mga kilos.

Chai Ban: Oo gagawin ko! Dahil tatawagin ko rin si GARUDA!

Agad siyang umusal ng orasyon at lumitaw ang isa pang nag-aapoy na espiritu na may ulo ng ibon at katawang-tao!

Garuda: HMPH! BAKIT MO AKO TINAWAG! HINDI PA BA SAPAT SI KARURA? GINAGAMBALA MO ANG KATAHIMIKAN KO!

Chai Ban: Pasensya na ulit. Pero kailangan ko ang tulong nyong dalawa. Kalaban natin ang isang Mara na bumubuhay ng mga patay! Nilalapastangan niya ang pangalan ng mga yumao! Nakikiusap ako tulungan nyo ko!

Garuda: SIGE........PERO SIGURADUHIN MO NA PAGKATAPOS NITO AY MAG-AALAY KA NG PAGKAIN SA 'KIN!

Chai Ban: Gagawin ko! Fried chicken at lechong baboy!

Karura: Heh! Biglang nagbago ang tibok ng iyong puso. Talagang handa ka na!

Chai Ban: OO! Palalayain natin ang kaluluwa ni Heneral Yue Fei at tatalunin ang halimaw na kumukontrol sa kanya!

Van Vs. Genghis Khan!

Chai Ban Vs. General Yue Fei!

ITUTULOY.................

Destiny SevenWhere stories live. Discover now