Kabanata 23: Emosyon

174 3 0
                                    

Ang dimensyong kinalalagyan nina Van ay may apat na posteng bato. Ang paligid ay naiilawan ng mga sulong may apoy sa apat na sulok. Sa gitna ay nakatayo ang aparisyon ng mahiwagang babae.

Van: Sino ka at nasaan kami?

"Ito ang mundo kung saan ang oras ay hindi gumagalaw. At ngayong nagising na ang mga Arcana, muling iinog ang Gulong ng Tadhana. Mapalad ang mga napiling dalhin at akayin ang liwanag sa isang mundong nabulag ng labis na kapangyarihan. Kayo..... bilang mga makabagong mandirigma ng makabagong panahon....", malumanay na wika ng misteryosong babae.

Kairi: Mapalad? Paano mo nasabing mapalad kami kung nakataya naman ang aming mga buhay sa pakikipaglaban?

"Yan ang kapalaran sa pagkakaloob ng kapangyarihan sa mga mortal na nilalang. Kung ngayon pa lang ay nakapulupot na ang pag-aalinlangan sa inyong pagkatao, bitawan na ninyo ang mga Arcana."

Sandaling katahimikan nang........

Reji: Teka sandali..... gusto ko lang malaman...... bakit ako? Bakit ako ang pinli ng Arcana?

"Tanging ang Arcana lang makasasagot nyan sa takdang panahon."

Reji: Pero gusto kong malaman ngayon! Bakit ako ang pinili ng Arcana? Ang gusto ko lang naman ay isang maayos na buhay!

Bakas ang kaseryosohan sa mukha ni Reji.

Umangat ang kanang kamay ng babae at tumapat kay Reji.......

Reji: Huh?!

BLAG!

Hugo: REEEJI!!!

Lumutang si Reji at humampas sa pader!

Reji: Ughhh......a-ar-ay............

Derck: Ba't mo ginawa yun? Kakampi ka ba talaga namin o kaaway?

"Lalaki, anong naramdaman mo? Sakit? OO dahil nasaktan ka......pero mas nararamdaman ko ang GALIT.......naninirahan ang galit sa kaloob-looban ng iyong puso......at sa tingin ko, yun ang nagustuhan ng Arcana sa'yo......"

Jacques: Reji.........

"Matindi ang iyong galit......galit na nakakubli sa iyong anino...... "

Nagmarka ang mga salitang ito sa tenga ng binata.

"Galit ka ba mundo?"

Mga salitang umukilkil sa utak ni Reji.

"Kung hindi mo mapanghahawakan ang galit sa iyong puso.......sa unang sigwa pa lang ay kasawian na ang dadatal sa'yo......"

Tila isang sermon ang naging dating kay Reji.....tumayo siya at nagbabaga ang aurang bumalot sa kanya!

Reji: Heeehhh.......WAG KANG UMASTA NA KILALA MO NA KOOOOO!!!

Sinugod nya ang misteryosong babae!

Van: Tumigil ka Reji!

Jinma: Huh!

Agad na kumilos si Hugo pero........

Kalmado pa ring nakatayo ang babae at nakamasid sa galaw ng binata......

Reji: AGHHH!

Napaluhod ang binata dahil sa matinding sakit ng katawan! At naglahong parang bula ang kanyang aura!

Hugo: Reji! Ayos ka lang ba?

Reji: Anong nangyari?...........

Jacques: Eh?! Nakalimutan mo na agad?!

"Labis syang naimpluwensyahan ng kapangyarihan ng Arcana dahil sa bugso ng kanyang damdamin. Natural yan para sa mga mortal na tulad nyo. Kaya mahalaga na maging balanse ang emosyon at pag-iisip. At ngayon, isasagawa ko na ang Pagpapatupad sa Ganap na Kapangyarihan ng mga Arcana."

Pumikit ang mahiwagang babae at umihip nang malakas ang hangin.

WHIIIISSSSSSSHHHHHHH!!!

Derck: Anong ginagawa nya?

Kairi: Di ko rin alam!

Van: Eehhh!

Umusal ang babae ng mga salitang hindi nila maintindihan. Tila isang lengguwahe ng sinaunang sibilisasyon.

Lumakas pang lalo ang hangin at nagliwanag ang mga kamay ng pitong binata!

At narinig ni Derck:

"Nagmumula ang Amihan sa hilaga, kasabay ang mga niyebeng nagpapalamig sa lupa, sumaiyo ang mga yelong nagpepreserba ng buhay sa mundo!"

Kay Jinma:

"Tulad ng pagningning ng mga bituin sa kalawakan, magniningning din ang ningas ng iyong apoy kasing-init ng Haring Araw! At darating ang panahon, gigisingin mo ang naglalagablab na Kundalini sa 'yong kaluluwa!"

Kay Jacques:

"Mga hanging sumasayaw sa kawalan, bigyan mo ng hininga ang mga nalulugmok na katawan! At muling pasiglahin ang natutulog na kalikasan!"

Kay Hugo:

"Mula sa kailaliman ng lupa, nahihimlay ang mga batong hiyas at bakal na naghihintay ng paglinang, umahon ka at patatagin ang pundasyon ng bagong lakas!"

Kay Kairi:

"Syang nagsisilbing tanglaw sa kadiliman, ang liwanag na nanunuot sa kalamnan ng bawat nilalang, sinagan mo ang daan ng mga kaluluwang naglalakbay!"

Kay Van:

"Sa bawat unos, dumadagundong ang kanyang sigaw, ngitngit na gumuguhit at humihiwa sa mga kaluluwang nalihis ng landas, mula sa sagradong kalangitan, Oh kidlat ipadama ang 'yong lakas!"

Kay Reji:

"Ano ang 'yong nais? Ano ang 'yong hinahangad? Ito ang kapangyarihan upang makamit ang lahat, ang kapangyarihan ng Kagustuhan na abutin ang mga ambisyon at pangarap, di kayang hadlangan anumang harang ang humarap!"

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!"

"Sumainyo ang ganap na kapangyarihan ng mga Arcana! Tuparin nyo ang nakatakda...... ang panatilihin ang balanse ng mundo at iligtas ang mga naghihingalong kaluluwa mula sa kamay ng mga tiwaling lakas...... pasanin nyo ang mga pasakit at paghihirap ngunit wag kayong susuko!"

Katahimikan...................

At muling nagliwanag............

"Uuuhhhhh........."

"OY! GUMISING KAYO! ANONG NANGYARI SA INYO???"

At sa pagdilat ng kanilang mga mata........

Van: M-Master G-Gau..............

ITUTULOY...............

Destiny SevenKde žijí příběhy. Začni objevovat