Kabanata 39: Iron Fist

140 3 0
                                    

Sa pagtutulungan nina Van at Chai Ban, sa tulong ng kapangyarihan nina Karura at Garuda, natalo nila si Zedon. Ngunit ang masamang espiritu nito ay nanatili pa ring buhay. Samantala, kasabay ng mga kaganapan, ang natitirang Monk Slayer na si Gorak ay patuloy na nakikipagtuos kay Master Gau.

Gorak: SHADOW MIRAGE!

Mula sa anino ni Gorak ay lumabas ang dalawang itim na Phantom Knight na nakamaskara.

Gorak: SUGOOOD!

Master Gau: Hoooo.......

Sa pag-atake ng unang Phantom Knight gamit ang espada, nakailag si Master Gau at bumawi siya ng isang kung-fu kick! Sumunod na umatake ang ikalawang Phantom Knight at yumuko siya para iwasan ang espada. Kasunod nito ay nagpakawala siya ng isang malakas na straight punch sa sikmura ng kalaban.

Muling sumugod ang unang Phantom Knight ngunit panay pa rin ang iwas niya. Nakatiyempo siya para tumalon at bigyan ang kalaban ng isang bicycle kick attack! Kasunod nito ang isang malupet na aerial spinning kick! na tumama sa leeg! Kaya napuruhan ito at naglaho.

Iwinawasiwas ng ikalawang Phantom Knight ang espada subalit agad na nahawakan ni Master Gau ang kanang kamay nito at pinilipit. Binigyan niya ito ng isang mabilis na Chopping Fist sa batok! Napuruhan din ito at naglaho. Nang lingunin ng Punong Monghe si Gorak ay wala na ito sa kinatatayuang posisyon.

Master Gau: Hmm?

Sa anino ni Master Gau, lumabas si Gorak at-------------------

TSAAAAAKKK!

Gorak: EH?

Nahiwa ni Gorak ang pang-itaas na damit ni Master Gau!

Master Gau: Ah......iyan pala ang ipinagmamalaki mong kakayahan.......

Gorak: Ginamit mo ang damit para makaiwas heh.........pero ngayong wala ka ng saplot, mahihiwa ko na ang katawan mo! Pero bago ang lahat, bakit hindi mo gamitin ang kapangyarihan ng anghel? Diba't ikaw ang tinaguriang "The Angel Monk"?

Master Gau: Ahh, tsismoso ka rin pala. Hindi ko kailangang gamitin yun, sapat na ang aking mga kamao para talunin ka.

Gorak: Gusto kong makita ang iyong mga pakpak at pagkatapos ay puputulin ko! Masarap makitang bumagsak ang isang anghel na nawalan ng mga pakpak. Pero dahil ayaw mong gawin, magsisisi ka tanda!

Master Gau: Hindi ka karapat-dapat para makita ang mga pakpak ng anghel. Sapat na para sa 'yo ang aking mga 'Kamaong Bakal'............

Gorak: Geh! Haaa................YAH! YAH! YAH! YAH! YAH!

Sunud-sunod na pagwasiwas ng espada mula sa malayong distansiya! Limang espada ang lumitaw sa puwesto ni Master Gau! Sinikap niyang iwasan ang lahat ng pag-atake pero..............

Gorak: TAPOS KA NAAAAAAA!

Muling lumitaw si Gorak sa kanyang anino at--------------------

SHING!

Gorak: N-NAWALA?!

Master Gau: Nandito ako.

Agad lumingon si Gorak at....................

PAK! PAK! PAK! PAK! PAK! PAK!

Nadama ng Monk Slayer ang pagyanig ng kanyang katawan sa bawat mabibigat at sunud-sunod na suntok na tumatama sa kanyang katawan kahit may suot siyang baluti!

Gorak: IGH! A-anong klaseng suntok ito?.................

Master Gau: IRON FIST OF HEAVEN!

Gorak: URGHHH!

Sa tindi ng puwersa ng huling bira, napatalsik si Gorak!

Gorak: Eeeehhh..........hindi ako mapapabagsak ng mga suntok mo..........nakalimutan mo na ba, may baluti ako hehehe..........

Master Gau: Aah, hindi mo pa rin ba napapansin?

Gorak: HA?

KRAAAAAAKKK!

Tuluyang nagkabitak-bitak at nawasak ang baluti sa katawan ni Gorak!

Gorak: HAAAH! P-Paanong?

Master Gau: Yan ang epekto ng mga kamao kong bakal. Nung unang beses pa lang kitang nasuntok, nagkalamat na yang baluti mo. (Kabanata 32)

Gorak: GRRR! HAAAAA----------------

Sa isang kisap-mata ay nasa harapan na niya agad ang monghe!

TSUUUGGG!

Isang round house kick ang tumama sa mukha ni Gorak! At kasunod nito ang isang malakas na straight kick sa sikmura!

Master Gau: Tapusin na natin ang larong ito!

Gorak: Ighhhh..........

Master Gau: Hoooo................HUNDRED IRON FIST OF HEAVEN!

Gorak: GURAAAAAHHHHH!

Knockout ang lider ng mga Monk Slayers!

Master Gau: Ngayon naramdaman mo na kung paano ang masuntok ng bakal sa katawan. At meron ka pa palang hindi nalalaman. Ako nga ang tinaguriang "The Angel Monk" pero hindi mo alam ang isa naming teknik, ang Hyper Wave Step. Aah, sabagay sikreto nga pala namin yun.

*Hyper Wave Step - isang sikretong teknik ng mga monghe. Sa paraang ito, pinagagaan ang sariling katawan at sasabay sa galaw ng hangin gamit ang sapat na Aura. Ang mga bihasa sa teknik na ito ay nakagagalaw sa isang kisapmata o wala pang isang segundo.

Samantala, narinig nina Van at Chai Ban ang boses ni Zedon. Sa ere, nakita nilang nabuo ang isang itim na usok at doon ay lumitaw ang mukha ng Monk Slayer.

Zedon: HINDI PA KO GANAP NA PATAY! HINDI PA KO TAPOS SA INYO!

Van: Anong binabalak niyang gawin?

Chai Ban: TCH! Nagawa niyang ibukod ang kaluluwa niya sa kanyang katawan!

Zedon: MATITIKMAN NYO ANG AKING PAGHIHIGANTI! INIAALAY KO SA 'YO ANG NATITIRA KONG BUHAY! LUMABAS KA MULA SA KAILALIMAN NG HUKAY NG NETHERWORLD! TINATAWAG KITA..............DRAGON ZOMBIE BARUKKA!!!

Lumitaw ang isang malaking black magic circle at lumabas doon ang isang malaking kalansay na dragon!

Zedon: KAININ MO ANG MGA KALULU--------------

Kinain ng Dragon Zombie ang kaluluwa ni Zedon!

GROOOOOOOOOOORRRRRRRR!!!

ITUTULOY......................

Destiny SevenWhere stories live. Discover now