Kabanata 31: Adamant

184 2 0
                                    

Kinakaharap ni Derck ang matinding takot na ngayon pa lang niya naranasan! At nasa kanyang harapan ang berdugong si Tasuba! Nakaabang na ang palakol ng kamatayan!

Gorak: Isang natural na kakayahan ni Tasuba na iparamdam ang walang katulad na takot at paralisahin ang kalaban sa oras na nanlilisik ang kanyang mga mata. Magiging huli na ang lahat bago pa niya maisip ang mga pangyayari.

At ganoon nga ang nangyayari kay Derck! Nagmistula siyang tuod at hindi makapagsalita!

Tasuba: AKIN NA ANG ULO MOOOOOOO!!!

SWIIIIINNNNGGGG!!!

Iwinasiwas na ng halimaw ang kanyang malaking palakol------------------

Tasuba: EEH???

"SINABI KO NAMAN SA 'YO KANINA PA NA AKO ANG KATAPAT MO!"

May humawak at pumigil sa kanyang palakol!

Tasuba: I-IKAW?!

Hugo: Hindi mo ko mapapabagsak ng ganun-ganun lang heheh....... OY Derck! Wag kang managinip dyan! Gumising ka!

Bahagya naman nahimasmasan si Derck.

Derck: Aaahhhh........

Tasuba: Bilib din ako sa katatagan mo.........pero dapat ko ng tapusin 'to. WALANG SINUMAN ANG MAKATATAPAT SA AKING LAKAS!!!

Kumawala ang negatibong enerhiya nito at ang itim na Aura na lumukod sa kanyang katawan!

Hugo: C'MON! BRING IT ON BOY!

Nang-asar pa si Hugo nang isenyas nya ang kanyang kamay na lumapit ito! Pero sa mga sandaling iyon, inilabas din niya ang kanyang matinding Aura!

Lakas laban sa Lakas!

Tasuba: GYAAAAHHHHHH!  EXECUTOR!

TSAAAAGGGG!  BROOOOOGGGGG!

Lumubog ang mga paa ni Hugo sa kanyang kinatatayuan sa tindi ng puwersa!

Tasuba: AAAHHH?!

Nakatayo pa rin si Hugo--------------- patuloy na humihinga at walang sugat!

Hugo: ADAMANT SKIN!

Tasuba: TCH! GAAHAAAAAAAHHHHH!

Umatakeng muli ang halimaw at----------------

TWAAAAAANNNNGGGG!!!

Tumalsik ang palakol nito nang iwasiwas ni Hugo ang kanyang broadsword!

Hugo: ADAMANT SWORD! BRAVE STRIKE!

Tasuba: GUUUUUHHHHH!

Sinundan niya ng isa pang atake!

Hugo: HAMMER SMASH!

SHRRRAAAAAAAAKKKKKKKK!

Nahati ang katawan ni Tasuba!

Hugo: Geh........heeh.......heeh.........(hingal)

Derck: Talagang napakalakas mo, Hugo heheh...........

Gorak: T-TASUBAAAAAA!!! Paanong nangyari ito?

Master Gau: Yan ang tunay na kapangyarihan ng Arcana. Masyado nyong minaliit ang kakayahan nila.

At kasabay ng mga labanang nagaganap..................

"WAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!"

Tumilapon ang mga mongheng lumaban kay Jagu at hindi na makatayo!

Jagu: Ohhh...........wala na bang lalaban sa 'kin?

Reji: Grabe! Sa dami ng sumugod sa kanya, hindi man lang siya napinsala!

Kairi: Karapat-dapat nga siyang tawaging Monk Slayer........

Jagu: OY! Kayong dalawa! Baka gusto nyong lumaban sa 'kin. Natatakot na kasi sila eh.........

Kairi: Hindi tayo pwedeng matalo. Kukunin ko ang atensyon nya at humanap ka ng opening para sugurin siya.

Reji: EH?!

Sa pagpapatuloy ng laban nina Jacques at Jinma kay Serge..............

BRRRAAAAAAGGGGG!

Naiwasan ni Jinma ang malakas na suntok ng Giant Clown Doll na winasak ang lupa. At sa taglay na bilis ni Jacques gaya ng hangin, naiilagan niya ang mga suntok at sipa ng tatlong Clown Clones. Nakaganti siya ng isang suntok sa isang Clone pero--------------

PAK!

Hindi nya napansin ang suntok ng isa pang Clone at sumunod naman ang malakas na sipa ng ikatlong clone!

Jacques: EGH!

Napatalsik siya!

Jacques: Auuuhhh.........parang katulad lang noon habang nakikipag-away ako sa kalye, pero iba na ngayon. Hindi ako magpapatalo!

Inilabas niya ang kanyang Aura!

Jacques: WINDSHAPE: GATLING WIND ATTACK!

Nabuo sa kanyang mga kamay ang isang malaking Gatling Gun! Sabay-sabay na sumugod ang tatlong Clones!

Jacques: YAAAAAHHHHH!

BRATATATTATAT! BRATATATTATAT! BRATATATTATAT!

Bago pa nakalapit ang tatlong Clones, nagkalasog-lasog na ang kanilang katawan!

Jacques: Oh yeah! Heheh!

Serge: HUHUHUHU! Ang mga kawawang clones ko! Hmm, di bale gagawa na lang ako ng-----------

Jinma: Hindi mo na kailangang gumawa ng mga bago mong manika.

Serge: HAH? T-T-Teka, anong nangyari sa Giant Clown Doll ko?

Balikan natin ang ilang minutong nakalipas..........

Habang iniiwasan ni Jinma ang mga pag-atake nito, mabilis siyang nakahanap ng pagkakataon na makasampa sa balikat nito. Itinarak nya ang kanyang punyal sa tuktok ng ulo at------------

Jinma: COMBUSTION SLASH!

Kasabay ng paghiwa ang naglalagablab na apoy na tumupok sa Giant Clown Doll!

Serge: OH hindeeee! Hmm, sabagay marami pa akong trick na pwedeng gamitin laban sa inyo......

Jacques: Wow TRICKS! Diba kaya mong magpalabas ng kalapati o kaya yung mga bulaklak sa loob ng kahon ay gagawin mong kuneho?

Serge: Ganito ba?

Ginawa nga nya ang mga sinabi ni Jacques.

KLAP KLAP KLAP KLAP KLAP!

Jacques: Ang galing talaga! Gusto ko ring matuto nyan!

Jinma: Ungas! Hindi tayo nanonood ng magic tricks! Kalaban siya! Wag kang magpauto sa kanya! HOY! Tigilan mo na yang mga kalokohan mo!

Serge: HAHAHAHAHA! Isang kasiyahan ng isang payasong tulad ko na makitang natutuwa ang kanyang mga manonood. Pero sa pagkakataong ito, tiyak na hindi nyo magugustuhan ang aking trick..........

Isang itim na baraha ang kinuha niya sa kanyang bunganga.

Jacques: EEEHHH! YAK!

Iyon ang baraha ng Joker.

Serge: Ito ang aking.................DARK JOKER. WAHAHAHAHAHA!

ITUTULOY...............

Destiny SevenWhere stories live. Discover now