Kabanata 18: Duwelo

192 3 0
                                    

"WAHAHAHAHHAHAHA!!!"

"Sa tingin ko ay gusto mong pasukin ang templo."

"Hindi ko kailangang sabihin sa 'yo ang dahilan. Sa totoo lang, hindi mo ko dapat nakita. Kaya naman..... iisa lamang ang dapat mabuhay sa ating dalawa."

"Anong gusto mong mangyari?"

"Gusto kong magduwelo tayong dalawa na nakataya ang ating mga buhay. Ako si Igur, ang magiting na mandirigmang Tarantula. Ikaw, sino ka?"

"Van."

Igur: Van, unang tingin ko pa lang sa 'yo ay hindi ka isang pangkaraniwang tao lamang. Gusto kong makita ang kakayahan mo.

Van: Kung anuman ang binabalak mo dito sa templo, pipigilan kita.

Inilabas ni Igur ang kanyang espada. Gayundin ang sandata ni Van, isang espada.

Igur: GYAAAAHHHH!

Van: HYAAAAHHHH!

Nagpalitan sila ng pag-eskrima ng kani-kanilang espada!

SHING! CHANG! CHANG!

KLAAANNNG!  At nagkiskisan ang talim ng kanilang espada!

Igur: Mahusay ka...... bakit hindi mo ilabas ang tunay mong lakas?

Van: Hindi mo ko kailangang diktahan kung anong gagawin ko.

Igur: Heh..... bahala ka, pero........

Ang walong paa ng gagamba sa likod ni Igur ay naging mga patalim ng espada!

Igur: Ngayon makikita ang galing mo laban sa siyam na espada! Hahahaha!

Nakahanda si Van sa pagsugod ng kalaban!

Igur: YAAAH! YAAAH! YAAAH!

Waring may isip na umaatake ang walong paang espada ni Igur bukod pa ang gamit nyang espada! Walang magawa si Van kundi umilag at salagin ang mga atake!

Van: Hmp!

Igur: Wehehe! Nahihirapan ka na!

Lalong naging mabilis ang pagsugod ng kalaban!

Igur: HAYAYAYAYAYAYAAAHHH!

SWIIIKKK!

Dumaloy ang dugo sa pisngi ni Van nang madaplisan sya ng isa sa mga espada ng kalaban!

Igur: ETO PAAAHHH!!!

CHANG! KRRRZZZTTT!

Igur: Huh?!

Van: BOLT SLASH!  CHANG! KRRRZZZTTT!

Putol ang walong espada sa likod ni Igur!

Van: Patas na uli ang laban!

Igur: Geh..... ginamit mo ang kapangyarihan ng kidlat para sirain ang aking mga espada!

Nagkaroon ng butas ang kaliwang kamay ni Igur at.......

PSSSWIIITTT!

Igur: Heheh, hindi ka na makakawala sa 'king sapot!

Van: Wah?!

Malapot at madikit ang sapot na bumalot sa katawan ni Van, imposibleng makatakas!

Igur: GYAAAHHH!!!

Gamit ang sapot, hinila ni Igur ang binata at tumilapon ito papalapit sa kanya!

Igur: TAPOS KA NAAAAHHHH!!!

SHIIIIIIINNNGGG!!!  Nagliwanag ang paligid!

Van: THUNDER AURA: THUNDER SWORD!

CHAGANG! KRRRZZZTTT!!!

Nabalutan ng kuryenteng aura ang binata gayundin ang kanyang espada at.......

Igur: H-hindeeeehhhh!

Naputol ni Van ang espada ni Igur pati na rin ang sapot!

SHAAAAKKKK!!!

Igur: Uurghhh!

Isang mahabang hiwa sa katawan ang tinamo ni Igur!

Van: Ngayon sabihin mo 'kin ang dahilan kung bakit nandito ka sa templo.

Lingid sa kaalaman ni Van, isang gagambang tarantula ang mabilis na tumakbo papalayo patungo sa kakahuyan.

Igur: S-sinabi ko na k-kanina pa...... h-hindi ko s-sasa-bihin ang d-dahilan...... p-pero..... w-wala na k-kayong m-maga-gawa pa........

Van: Anong ibig mong sabihin? Magsalita ka!

"SANDALI!"

Nang lingunin ang ni Van ang boses, isang monghe ang kanyang nakita.

Van: Eh?

Lumapit ang monghe kina Van at Igur.

Igur: K-kayong mga m-monghe...... m-mala-pit na ang i-inyong k-kata-pusan......w-we-he-heh-he......

Itinukod ng monghe ang kanyang tungkod sa lupa. Pumikit at umusal ng orasyon...... at sa pagdilat ng kanyang mga mata.......

"PURIFICATION!"

Igur: UWAAAAAAAHHHHHHH!!!

Van: Wah!

Isang nakasisilaw na liwanag!

ITUTULOY.............

Destiny SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon