Kabanata 13: Pagtatagpo

192 2 0
                                    

Natalo ng misteryosong lalaki ang Demon Ogre, at sya'y may taglay ding kapangyarihan ng arcana.

"Pasensya na at matindi ang naging pinsala ng restoran nyo....."

Mr. Chen: Hayaan mo na yun..... ang mahalaga ay ligtas ang lahat. heheh....(pero sa totoo lang, malaking pera ang gagastusin koooo!)

"Hindi na babalik yung mga siraulong nanggugulo sa inyo, matapos nilang makita ang halimaw wahahahaha! Syanga pala, eto yung bayad ko sa inorder ko kanina....."

Mr. Chen: Maraming salamat, amang.....

"Wag nyo naman akong tawaging amang, lalo na sa harapang ng isang magandang binibini, batang bata pa ko....."

Kinuha ng lalaki ang kamay ni Lin at hinalikan iyon.

"Wag ka nang mag-alala Ms. Lin..... hindi ka na gagambalain pa ng mga taong yun...."

At isang Mr. Poging kindat ang lalong nagpakilig sa babae!  WOOOOOW! <3

Lin: Sya na talaga ang tipo kong lalaki........ (tulala)

Mr. Chen: Oy Lin! Maghunos-dili ka! Hoy!

"Tutuloy na ko. May mahalaga pa akong pupuntahan. Adios!"

Lumisan na ang misteryosong lalaki, nang.........

"OY SANDALI!"

Nilingon nya ang tumawag sa kanya pero hindi nya ito kilala.

"Tinalo mo yung halimaw kanina...... sagitan ng arcana hindi ba......"

"Huh? Paano mo nalaman ang tungkol sa arcana?"

Nagliwanag ang kanang kamay ng kanyang kausap!

"Ha? M-may taglay ka ring arcana?!"

"Oo. Ako nga pala si Reji. Siguro pinapunta ka rin ng isang monghe dito sa Hinca...."

"Ah......oo tama ka. Si Master Bart ang kasama ko. Ibig sabihin, patungo ka rin sa Grand Heng Temple....."

Reji: Oo. Si Master Rugai naman ang kasama ko.

"Kung ganun may kasabay na ko papunta ng templo. Ako nga pala si Hugo. Hugo Zellbeck."

Nagkamayan silang dalawa at inakbayan nya si Reji.

Hugo: Ikinagagalak kitang makilala kompanyero! Wahahahaha!

Reji: A-ang bigat ng kamay m-mo...... n-nasa-sak-kal a-a..........

BRRRP! BRRRP!

Hugo: Nag-aalburuto na ang sikmura mo Reji, hehe. Eto.... sa 'yo na 'tong siopao.

Reji: S-salamat! Kanina pa talaga ako nagugutom eh......

Ngayon, may nakatagpong bagong kasama si Reji......... si Hugo. At sila'y pinagtagpo ng kanilang kapalaran dahil sa taglay nilang kapangyarihan ng arcana.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa isang gubat bago ang Bundok Heng.........

"Haaaaahhhh! Haaaaahhhh!"

Isang mangangaso ang matuling tumatakbo. Nililingon ang kanyang likuran. Tila may tinatakasan.

"TULONG! TULONG!"

Isang lalaki ang nakasalubong ng mangagaso. Nasa 19 na taong gulang.

"Humingi tayo ng tulong sa mga pulis!"

"Bakit ho? Anong nangyari?", usisa ng binata.

"Yung dalawang kasama ko.......kinuha sila ng halimaw dun sa may kuweba! Yung tinatawag nilang Yeti!"

"Yeti?! Paano magkakaroon ng Yeti eh hindi naman panahon ng taglamig..... at saka isang alamat lang yun....."

"Totoo ang sinasabi ko! Hindi ako nagbibiro!"

"Ok sige. Naniniwala ako. Akong bahala."

"Anong gagawin mo? Humingi tayo ng tulong sa mga tao sa bayan!"

"Ililigtas ko sila. Akong bahala."

"Ano? Paano mo gagawin yun? Isang halimaw ang haharapin mo!"

Tuluyan nang umalis ang binata.

"Oy sandali! Anong pangalan mo?"

"DERCK!"

"Derck! Mag-iingat ka! Nagyeyelo ang kuweba!"

Sa bukana ng kuweba.......

Derck: Oo nga, nagyeyelo..... pero imposibleng mangyari ito.....

Tumuloy sya papasok sa loob. Binaybay nya ang pababang lagusan. At ang tumambad sa kanya.....

Derck: S-sila na nga!

Nakita na nya ang dalawa pang mangangaso subalit.........nababalutan ang mga ito ng yelo!

"HINDI KO AKALAIN NA MAGKAKAROON AKO NG BISITA....."

Derck: Sino ka? Magpakita ka!

"NANDITO KA RIN LANG SA AKING TERITORYO, HINDI KA NA MAKAKALABAS PA....."

Gumapang ang yelo sa may lagusan at naging kasingtigas iyon ng bato!

Derck: Tsk! Bakit mo kinuha ang mga taong ito?

"SILA ANG MAGIGING SAKRISPISYO KO UPANG BUHAYING MULI ANG AKING TRIBO....... ANG TRIBONG YETI!"

Derck: Y-Yeti?! Hindi mangyayari ang gusto mo!

"ISASAMA NA RIN KITA SA KANILA BILANG SAKRIPISYO......"

Derck: Tingnan natin....... lumabas ka na dyan sa lungga mo!

"MALAKAS ANG LOOB MO, NGUNIT TIYAK NA MANLALAMIG ANG TAPANG MO KAPAG NAKITA MO NA ANG AKING ANYO, AT MAGMAMAKAAWA PARA SA 'YONG BUHAY, BWAHAHAHAHAHA!"

Mula sa isang madilim na sulok ng kuweba, lumitaw ang kaanyuan ng kakaibang nilalang!

ITUTULOY..........

Destiny SevenWhere stories live. Discover now