Kabanata 34: Awakening

155 1 0
                                    

Nagawang talunin nina Jacques at Jinma ang Monk Slayer na si Serge! At kasalukuyang nakikipagtuos sina Kairi at Reji sa isa pang Monk Slayer............si Jagu!

Lumipas ang mahabang segundo ngunit nakabulagta pa rin si Jagu!

Reji: Ayos! Natalo natin siya Kairi!

Kairi: Sana nga........pero parang hindi pa yata........

Maya-maya pa'y gumalaw na ang kanang braso ng halimaw at tumayo.

Jagu: Aaahhh.........sa wakas nagising na rin ako.........

Nag-inat-inat ito na parang isang bagong gising at-----------------

Jagu: GURRRAAAAAAAAAHHHHHHH!!!

Isang nakabibinging hiyaw!

Kairi: EEEHHH!

Reji: Ang sakit sa tenga!

Jagu: Aaaahhh.........salamat nga pala sa malakas mong suntok kanina, nagising mo ang diwa ko. At sa 'yo naman, yung sugat na ginawa mo sa ilong ko. Ibig sabihin, kayong dalawa ay malalakas na mandirigma. Matagal na panahon na mula nang gamitin ko ang aking tunay na lakas.

Kairi: (bulong) Simula pa kanina ay hindi niya pa nagagamit ang kanyang kapangyarihan. Kailangang maging maingat.

Pomustura na si Kairi na hawak ang grip ng kanyang katana.

Jagu: Ngayon tingnan natin kung hanggang saan ang tibay nyo.

Reji: Kairi, gawin uli natin yung pag-atake kanina!

Jagu: Ahh.........sa 'yo ako mag-uumpisa........

Kairi: Hinde Reji! Mag-ingat ka sa kanya!

Sa pagkurap ng mga mata ni Reji, lumitaw sa kanyang harapan si Jagu!

PAK!

Reji: GUUUUHHHH!

Kairi: A-ANG B-BILIS!

Nasikmuraan si Reji ng halimaw! At sa lakas ng bira, napasuka siya ng dugo!

Kairi: R-REEEJI!!!

Dinaklot ng kanang kamay ni Jagu ang mukha ni Reji at inihambalos siya sa lupa!

Reji: AUUUGHHHH!

Kairi: HAAAHHH! SONIC SLASH!

Sinalag iyon ng mga braso ni Jagu!

Jagu: Kahit anong gawin mo, hindi mo ako mahihiwa o masusugatan ng 'yong espada. Natsambahan mo lang ako kanina dito sa ilong ko. Ang mukha ko lang ang tanging malambot pero ang buong katawan at balahibo ko ay sadyang napakatibay. Kung gusto mo uli akong sugatan, sige lumapit ka!

Kairi: Wala na kong pagpipilian.

Jagu: Hindi pala tatagal yung isang kasama mo. Ikaw tatagal ka kaya?

Nagliwanag ang katana ni Kairi. Sa kanyang kaliwang kamay, nabuo ang isa pang katana mula sa liwanag.

Kairi: MASAMUNE! TWIN LIGHT SWORD!

Jagu: GEHEHEH!

At nagsalpukan silang dalawa! Iniiwasan ni Kairi ang mga suntok at matutulis nitong kuko! Sinasalag naman ni Jagu ang dalawang espada dahil sa tibay ng kanyang balat. Kaya kahit tamaan siya ng espada sa katawan ay balewala iyon.

Kairi: Kagayaku Tatsumaki (Shining Tornado)!

Jagu: GEEEHHH!

Kairi: SILVER TALONS!

Jagu: Balewala pa rin yan!

Kairi: TWIN TIGER FANG!

TSSSAAAAKKKK!

Naisaksak ni Kairi sa balikat ni Jagu ang dalawang espada!

Jagu: GAAAAHHHH!

Mabilis na binunot ni Kairi ang dalawang espada ngunit gumanti si Jagu! Dumaplis ang suntok niya sa kaliwang braso ni Kairi at napilayan siya!

Kairi: GAAHHH!

Jagu: Masuwerte ka.......dahil kung saktong tinamaan kita ay tuluyan nang mababali yang braso mo........

Kairi: Eeeghhh........

Nawalan na ng bisa ang espada niyang gawa sa liwanag.

Jagu: Ano? Tatagal ka pa ba sa laban natin?

Pinalagutok niya ang kanyang mga buto sa kamay.

KUROTOK! KUROTOK! KUROTOK!

Samantala, kaharap naman ni Chai Ban ang Monk Slayer na si Zedon.

Monghe: Chai Ban, ako na ang bahala kay Shun! Dadalhin ko na siya kay Huan para gamutin!

Chai Ban: Sige.

Zedon: Umpisahan na natin!

Itinukod ni Zedon ang kanyang tungkod sa lupa!

Zedon: Lumabas kayo................ZOMBIE WARRIORS!

Sumulpot sa lupa ang walong zombie!

Chai Ban: HUH?! Ang mga zombie.........sila ang mga sinaunang mandirigma ng mga dinastiya!

Zedon: Tama ka! Hindi sila mga ordinaryong zombie! Sila ang mga mahuhusay na mandirigma noong unang panahon! Hindi ko hahayaang masayang ang kakayahan nila sa ilalim ng inuuod na lupa!

Umusal ng orasyon si Chai Ban.

Chai Ban: KARURA!

Isang taong-ibon na nababalutan ng apoy ang lumitaw sa kanyang staff.

*Karura - isang sinaunang espiritu na may katawan ng tao at ulo ng isang ibon, may pakpak at nababalutan ng nagniningas na apoy.

Iwinasiwas ni Chai Ban ang staff at sumugod ang espiritung si Karura!

Zedon: Tapusin nyo siya!

Inutusan naman niya ang mga zombie na sugurin si Chai Ban!

Chai Ban VS. Zedon!

ITUTULOY....................

Destiny SevenOnde histórias criam vida. Descubra agora