Kabanata 27: MONK SLAYERS

156 2 0
                                    

Nagsimula na ang labanan sa pagitan ng mga monghe at ng mga Mara! 

600 VS. 200?! Dehado ang bilang ng mga monghe!

Pero lumalaban sina Van, Kairi, Hugo, Jinma, Derck, Jacques at Reji gamit ang taglay nilang kapangyarihan ng Arcana!

Hugo: Sige lapit pa! Ang sarap sa pakiramdam ng lumalaban!

Mga Mara: Mas halimaw pa sa atin ang taong ito! Ang lakas niya talaga!

Derck: Heh! Sisiw lang ang mga halimaw na 'to! Yakang-yaka!

Pinaglalaruan lang ni Derck ang mga kalaban gamit ang kanyang Boomerang!

Derck: Huh?! REJI SA LIKOD MO!

Isang halimaw ang patalikod na umatake!

BOOOOOMMMMM!!!

Sapul ng mga kamao ni Reji ang sikmura ng halimaw!

Reji: Salamat Derck!

Kasabay ng mga pangyayari................

Jacques: CYCLONE BAZOOKA!

"GUWAAAAAAAHHHHHHHHH!!!"

Jinma: Hangin eh........

Jacques: Ito ang tinatawag kong WindShape Technique! Ang galing ko diba! Heheh! :)

Jinma: Gamitin mo ang hangin para palakasin ang apoy ko.......

Jacques: Eh? Sige ikaw ang bahala.......Eto na!

Jinma: ................COMBUSTION!

Dahil sa puwersa ng hangin, lalong lumaki ang naging sakop ng bumubugang apoy mula kay Jinma. Naging mas matindi rin ang epekto ng apoy sa mga Mara! Natupok ang sinumang tamaan!

"AAAAAARRRGGGHHHHHHHH...................."

Samantala----------------------

Mga Mara: Sabay-sabay tayong susugod sa kanya! GYAAAAAHHHHH!

Kalmado lamang na nakatayo si Kairi habang nakahawak sa handle ng kanyang katana........

Mga Mara: WALA KA NG KAWALAAAAAHHHHH!!!

At sa isang kurap..................

Kairi: SHINING CIRCLE!

TSAK! TSAK! TSAK! TSAK TSAK!

Nahiwa nya ang lahat ng halimaw na sumugod sa kanya!

Gayundin ang nangyayari sa posisyon ni Van.............

Mga Mara: Napaliligiran ka na namin! GWEHAHAHAHAHAH!!!

Van: Hmm..........tamang-tama ang puwesto nila...........

Hinawakan niya ng dalawang kamay ang kanyang espada at tinipon ang Aura.............

Mga Mara: SUGOD NAAAAA!!!

Itinaas ni Van ang kanyang espada at isang malaking bola ng kuryente ang nabuo.........

Van: THUNDER SWORD: RAGING BOLT!

"URRRRRRR..........URRRGGGGHHHHH................."

Parang nagsasayaw sa saliw ng musika ang bawat hibla ng mga kuryenteng tumusta sa mga halimaw!

Sa puwesto nina Master Gau.....................

Huan: Master, kakaunti pa lang ang mga sugatan pero hindi naman sila grabe, kaya pa rin nilang lumaban! Kaya sa tingin ko, matatalo natin sila!

Master Gau: Mabuti kung ganun.........pero maging alerto pa rin kayo!

Monghe: OPO!

Patuloy ding nakikipaglaban ang iba pang mga monghe at si Chai Ban.

Chai Ban: Unti-unti na naming nababawasan ang puwersa nila, pero nagtataka lang ako...........nasaan ang lider nila?

Habang nagaganap ang mainit na bakbakan..................

Gorak: Mahuhusay silang lumaban sa kabila ng tripleng puwersa natin.........

"Ayon sa aking kalkulasyon, 25% na ang nabawas sa ating puwersa at kapag nagpatuloy---------"

Gorak: Hindi ko na hahayaan na mangalahati pa ang bilang natin Zedon.........

"KAYA NGA LUMABAS NA TAYO! GUSTO KO NG MAMUGOT NG ULO!"

Gorak: Sabik na sabik ka na talaga Tasuba.........sige, sa loob ng isang minuto...........

Ang laban ay sadyang pumapabor na sa mga monghe pero.........

Itinutok ni Chai Ban ang kanyang staff sa leeg ng isang halimaw.........

Chai Ban: Sino ang leader nyo?

Mara: Heh? Bakit gusto mong malaman? Hintayin mo na lang sila at kapag nakita mo na , siguradong manginginig kayong lahat sa takot! Anumang sandali ay lilitaw na sila! Hindi nila kayo kaaawaan dahil sila ang mga...............MONK SLAYERS! GIHIHIHIHIHI!

Chai Ban: Huh? Anong ibig mong sabihin!

"WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!"

Nagsipagtalsikan ang mga mongheng lumalaban at napahandusay!

Chai Ban: A-anong nangyari sa inyo mga kasama!

Mara: GIHIHIHIHIHI! Ayan na ang sinasabi ko! Andito na sila! Lagot na kayong lahat!

Isang makapal na usok ang kumalat at nang mahawi ito..............

Mga Mara: SIGURADO NA TAYONG MANANALO! ANDITO NA ANG MGA MONK SLAYERS! GWOOOOHHHH!!!

Nagulantang ang lahat ng mga monghe!

Master Gau: Monk Slayers?

"Napakagaling talaga ng aking mahika. Hindi ba kayo humahanga?"

Zedon: Huwag mong buhatin ang sarili mong bangko Serge..........

Serge: Masyado mo namang minamaliit ang aking kakayahan, nakakasakit ka ng damdamin.......

Zedon: Dapat mo yang patunayan sa gitna ng laban........

Gorak: Tama na yang pagtatalo nyong dalawa........

"HUWAG NYONG KALIMUTANG NANDITO RIN AKO..........."

Serge: Paano ka naman namin mapapasin, hindi ka naman nagsasalita dyan Jagu.......

Jagu: Zzzzzzzzzzzz...........

Serge: ABA'Y LINTEK! WAG MO KONG TULUGAN PAG KINAKAUSAP KA!!!

Gorak: Aba Tasuba, meron ka na palang biktima!

Tasuba: Oo, nakahuli na ko ng isang daga........

Hawak nya sa ulo ang isang walang malay na monghe..............at nakita iyon ni Chai Ban!

Chai Ban: SHUUUUUNNNNN!!!

Nagpakita na ang mga lider...........ang mga MONK SLAYERS!

ITUTULOY..................

Destiny SevenWhere stories live. Discover now