Kabanata 11: Ogre

213 3 0
                                    

Hinca, sa probinsya ng Gouzhang.....

"Reji, ikaw na ang bahalang pumunta sa templo. Ito ang mapa, sundan mo lang ang daan na nakalagay dyan. Meron pa kong lugar na dapat puntahan."

Ito ang mga salitang ibinilin ni Master Rugai.

Reji: Waaah! Ako lang mag-isa ang pupunta sa templo! Eh hindi naman detalyado itong mapa..... baka maligaw ako....

BRRRP! BRRRP!

Reji: Kumakalam na ang sikmura ko. Kakain muna ko.....

DREAM DESTINY CUISINE

BLAGAG!

Anim na kalalakihan ang marahas na pumasok. Lahat sila ay naka-coat na itim at naka-shades.  Ang kanilang lider ay nasa gitna, may bigote at tangan na sigarilyo ang bibig. Ang atensyon ng mga kostumer ay napunta sa kanila.

"MR. CHEEEEEEEEEN! NANDYAN NA SILAAAAAA!

Mr. Chen: Ano?! Sige sige Lin, akong bahala, kakausapin ko sila.....

Lin: Sir baka kung ano na ang gawin nila.....

Hinarap ni Mr. Chen ang mga bisita....

Mr. Chen: Mr. Wang, alam ko kung bakit kayo naparito.....makikiusap sana ako na bumalik na lang kayo sa susunod na linggo, hindi pa kasi kumpleto yung pambayad ko sa inyo eh.....

Mr. Wang: Mr. Chen, mahigit isang buwan ka nang hindi nakakabayad..... lalong madaragdagan ang galit ng boss namin pag hindi ka pa nagbayad ngayon.....

Mr. Chen: A-alam ko naman yun, pero talagang di pa sapat ang ibabayad ko eh kaya humihingi ako ng palugit.....

Mr. Wang: Palugit na naman?! Ilang beses ka na naming pinagbigyan, hindi na pwede ngayon. Hmmm..... ang mabuti pa ay ibigay mo sa 'min kung magkano ang pera mo dyan at yung kulang..... yang maganda mong waitress ang magiging kapalit, weheheheh.....

Mr. Chen: Oo ibibigay ko sa inyo ang pera, pero wag nyong kunin si Lin! Pakiusap!

Mr. Wang: Kunin mo na ngayon ang pera Mr. Chen. Mga bata!

Kumilos ang dalawa nyang tauhan at kinuha si Lin.

Lin: Ano ba! Bitiwan nyo ko! Mr. Chen ayaw kong sumama sa kanila!

Mr. Chen: S-sandali! Wag nyong kunin si Lin! Maawa kayo sa kanya!

Mr. Wang: Bilisan mo na! Kunin mo na ang pera, baka magbago pa ang isip ko!

Isang matangkad na lalaki ang nagtangkang lumapit sa kanila. Tinatayang six footer ito, macho, matipuno at brusko ang katawan, naka-chaleco at shades na itim. Kinuha nito si Lin.

"Hindi ko gusto ang marahas na pagtrato nyo sa magandang binibini."

Mr. Wang: Hoy sino ka ba? Wag kang makialam dito! Mga bata!

Nanlaban ang lalaki sa mga tauhan ni Mr. Wang............ at lahat sila'y tumba!

Nag-alisan ang ilang kostumer dahil sa nangyaring gulo. May iba naman na nandun pa rin para maki-usyoso.

Mr. Wang: Hoy ano ba kayo?! Natalo kayo ng isang tao lang! Mga walang kuwenta!

Bumunot sya ng kalibre .45 at itinutok sa lalaki!

Mr. Wang: Ngayon tingnan natin kung uubra pa yang tapang mo heheh.....

Tinitigan ng lalaki ang mga mata ni Mr. Wang na may hawak ng baril.....

BANG!

Lin: AAAAAAAHHHHHHHH!!!

Napapikit si Lin nang umalingawngaw ang putok ng baril..... at nang lingunin nya ang lalaking nagtanggol sa kanya.....

Mr. Wang: Paanong....?!

Nabigla si Mr. Wang nang salagin ng lalaki ang bala sagitan ng kamay nito!

Magpapaputok pa uli sya nang mabilis na hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay at pinilipit!

Mr. Wang: Aaaaarhhhh!

Nabitiwan na nya ang baril at hinawakan sya ng lalaki sa kuwelyo........ iniangat pataas!

"Malamang ay miyembro kayo ng isang sindikato. Hindi na tama ang pangingikil nyo, pero ang kikilan nyo pa ang kagandahan ng isang babae ay kalabisan na."

Natuwa si Mr. Chen dahil sa nangyari. At napangiti si Lin.

"PAGKAIN! PAGKAIN! BIGYAN NYO AKO ANG PAGKAIIIIIIIIIN!!!"

Isang lalaking gusgusin at sira-sira ang damit ang biglang pumasok sa restoran.

"AAAAAAAAHHHHHHH!!!"

Napatili ang isang kostumer nang makita ang namumula nitong mga mata!

Lumapit ang gusgusing lalaki kay Mr. Chen.

"PAGKAIN! GUSTO KO NG PAGKAIN! UWAAAAAAAAHHHHHH!!!"

Nahintakutan na rin si Mr. Chen at ang di nya inaasahan ay.............

Nagbago ito ng anyo at naging isang halimaw!

"GRRROOOOOOOOOOOORRRRR!!!"

Lin: Mr. Chen! Umalis ka na dyan!

Tila sinimento ang mga paa ni Mr. Chen dahil sa matinding pagkagimbal!

Mr. Wang: U-umalis na tayo dito! H-halimaw! M-may ha-li-ma-maaaaaaaawwwww!

Kumaripas sya ng takbo kasunod ang kanyang mga tauhan.

Higante ang halimaw na halos tatlong metro ang taas! May pangil at sungay sa ulo, mabalahibo ang katawan at may buntot! Anumang sandali ay lalapain nya si Mr. Chen!

BANG BANG BANG!!!

Gamit ang baril na naiwan ni Mr. Wang, pinaputukan ng lalaki ang halimaw pero.....

"Tsk! Mukhang balewala sa iyo ang baril....... dahil isa kang MARA....."

Napunta sa lalaki ang atensyon ng halimaw!

Lin: Mr. Chen! Mr. Chen! Ayos ka lang ba?

Mr. Chen: N-naalala ko na........

Lin: Huh? Anong naalala nyo?

Mr. Chen: A-ang kwento ng lolo ko.......

Lin: Umalis na po tayo dito!

Mr. Chen: A-ng halimaw na yan..... ang m-maalamat na Demon Ogre.....

Lin: D-demon Ogre?

Buong tapang naman lalabanan ng misteryosong lalaki ang higanteng halimaw!

"GRRROOOOOOOORRRRR!!!"

"SIGE! TAYO ANG MAGTUTUOS!"

ITUTULOY...........

Destiny SevenOù les histoires vivent. Découvrez maintenant