Kabanata 19: Templo

181 4 2
                                    

Natalo ni Van sa laban si Igur na isang MARA. Dumating ang isang monghe at nagsagawa ng isang ritwal sa nasabing halimaw.

Napawi na ang nakasisilaw na liwanag.

Van: Anong ginawa mo kay Igur?

Monghe: Purification. Isang ritwal ng paglilinis at pagpapadalisay ng kaluluwa. Ginagawa namin ito sa mga MARA pero hindi lahat. Ang kanilang kaluluwa ay nagmula sa mga yumao na hindi matahimik sa kabilang mundo o kaya naman ay gumagala dito sa lupa. At dahil matindi ang negatibong enerhiya ng kanilang galit, kasawian, kalungkutan at nakatali pa rin sila sa mga makamundong paghahangad, sila ay nagiging MARA. Kapag nalinis na ang kanilang kaluluwa, makakalaya na sila sa negatibong enerhiya at materyal na mundo at matahimik na magtutungo sa kabilang mundo. Yun nga lang, ang Purification ay hindi tumatalab sa mga MARA na may matinding negatibong enerhiya.

Van: Ibig bang sabihin ay taglay pa rin ng isang MARA ang kanyang orihinal na kaluluwa?

Monghe: Oo pero depende. Gaya ng halimaw na tinalo mo, kung intensyunal mo syang tinapos, hindi ko na maisasagawa ang Purification. Pero dahil binuhay mo pa rin sya at hindi ganoon kalakas ang kanyang kapangyarihan, doon lamang epektibo ang Purification. Pero ang mga Diablo, kailanman ang Purification ay hindi isang opsyon. Kailangan silang tapusin.

Van: Isa kang monghe sa Grand Heng Temple, sigurado ako na kilala mo si Master Gau.

Monghe: Ah oo nga pala! Kanina pa ko nagsasalita pero hindi pa ko nagpapakilala! Ako nga pala si Chai Ban. Oo naman kilala ko si Master Gau. Siya ang pinakapunong monghe namin.

Van: Ako si Vander Willsburgh. Van na lang. Pinapunta ko dito ni Master Fao.

Chai Ban: Ah si Master Fao! Sayang wala pa siya dito. Tara, ipakikilala na kita kay Master Gau. Syanga pala......

Van: Eh?

Chai Ban: Ang buong templo ay napaliligiran ng kakaibang harang na hindi nakikita ng ordinaryong tao. Kaya sinumang MARA ang magtangkang pumasok ay hindi makakalagos sa halip ay makukuryente sila. At kahit magpumilit pa sila, mauubos lang ang kanilang lakas. Kaya hangga't hindi nasisira ang apat na pundasyon ng harang, hindi makakapasok ang mga MARA.

Van: Apat na pundasyon?

Chai Ban: Oo, yun ang nagpapanatili sa harang sa buong templo.

Sandaling napaisip si Van.

Chai Ban: Tayo na! At nang makilala mo si Master Gau. Mabait yun pero istrikto. Heheh!

Bumukas ang mataas at malapad na tarangkahan. At tumambad sa binata ang malawak  na  lupain at looban, mga hardin na may malalagong puno at ang mismong Grand Heng Temple sa gitna. Bago dumating ng templo ay madadaanan ang malawak na quadrangle kung saan nagsasanay ang mga monghe. At bago makapasok sa templo, aakyat muna ng hagdanan.

Chai Ban: Kailangan muna magdasal bago pumasok.

Van: Ah oo.

Kapwa sila yumuko at pagkatapos ay pumasok sa loob. Namangha si Van nang makita ang higanteng estatwa ni Buddha. Malawak din ang loob ng Heng Temple.

Chai Ban: Ito ang loob ng Grand Heng Temple. May nakatakdang oras sa pagdarasal sa umaga, tanghali, hapon at sa gabi. Syempre bawal ang maingay pag nandito ka sa loob. Ah teka, wala pala dito si Master Gau. Labas tayo.

Dumaan ang isa pang monghe.

Chai Ban: Shun! Nakita mo ba si Master Gau?

Shun: Kanina. Pero ngayon hindi ko alam kung saan sya nagpunta.

Chai Ban: Tara!

Nagtungo sila sa likod ng templo.

Chai Ban: Dito sa likod ay ang gusali kung saan nandito ang kwarto naming mga monghe. Dyan kami natutulog at nagpapahinga.

Van: Ilang lahat kayong mga monghe dito?

Chai Ban: Hmm...... siguro humigit kumulang 500 kami dito. Hindi pa kasama sa bilang sina Master Gau at Master Fao. Syanga pala, may ranggo si Master Fao. Isa sya sa mga 'HIGH MONKS' at Kapitan ng unang pangkat ng kongregasyon ng mga monghe.

Van: Aah.....

Nagtungo sila sa isang bahagi ng templo na may mataas na tore.

Chai Ban: MASTEEEER GAAAAAAAAUUU!!!

Van: Eh? Kailangan bang gawin mo yan?

Chai Ban: Heheh! Para marinig nya ko, nasa bubong kasi ng tore si Master Gau. Minsan doon sya nagme-meditate.

Pero walang tumugon sa kanya.

Chai Ban: Huh? MASTEEEER GAAAAAAAAAUUU!!!

Van: Sa tingin ko wala sya dun.....

Chai Ban: Ah alam ko na......

Isang lugar ang kanilang pinuntahan.

Van: Oh.... may hot spring pala dito sa loob ng templo.

Chai Ban: Oo naman. Mamaya subukan mo para marelaks ang katawan mo. Ngayon sigurado ko na nandito si Master Gau.

Huminga syang malalim........

Chai Ban: MASTEEEEEER GAAAAAUUU! MAY BISITA TAYONG MGA BABAE! MGA TURISTA!

PAK!  Isang tsinelas ang tumama sa mukha ni Chai Ban!

Van: Uwah?!

"LOKO-LOKO! WAG MO NANG IPAGSIGAWAN!"

At sa isang kisapmata, sa kanilang harapan........

"Nasaan na sila?"

Chai Ban: Aray ko Master huhuhuhu........ saka pwede po ba, magbihis muna kayo..... tuwalya lang ang tapis nyo!

ITUTULOY.........

Destiny SevenWhere stories live. Discover now