Kabanata 4: Arcana

350 5 0
                                    

" Sumama ka sa akin para sa isang pagsasanay! Hindi mo matatalo ang mga dyablo sa sarili mong pamamaraan na nag-iisa ka lang! Huwag mong pairalin ang 'yong kahambugan. Yan ang maghahatid sa iyo sa kamatayan! Maniwala ka sa 'kin! "

Ito ang mga salitang sinabi ng monghe na tumatak sa isipan ni Reji habang sya'y pauwi galing sa templo. Balikan natin ang mga nakaraang pangyayari.

" Mabuti naman at okay ka na. Ako nga pala si Master Rugai. Ako ang namamahala sa templong ito. ", ani ng monghe. " Eto mag-tsaa ka muna para mainitan ang 'yong sikmura. "

Master Rugai Sattia, isang mongheng may mahabang buhok at eksperto sa larangan ng muay thai martial arts. Tinatayang nasa 40-45 ang gulang.

Reji: "S-Salamat....ako nga pala si Reji.... ", namukhaan nya ang monghe na nakita nya sa daan.

Master Rugai: " Gusto ko lang malaman, paano mo nakuha ang kristal? "

Reji: " Ah e ang k-kristal.... napulot ko lang, hindi ko alam na kayo pala ang may-ari..... sori, ibabalik ko na pero nandito sa loob ng kamay ko..... hindi ko alam kung paano nangyari yun, parang nag-magic...."

Master Rugai: " Ang kristal na nasa loob ng palad mo ay tinatawag na Arcana. "

Reji: " A-Arcana? "

Isinalaysay ng monghe ang tungkol sa kasaysayan ng Arcana....

Ang mga Arcana ay nabuo ilang libong taon na ang nakakaraan. Ginawa ito ng isang makapangyarihang paham [Sage]. Ang kapangyarihan ng mga arcana ay nagmula sa kapangyarihan ng mundo na nasa anyong elemento ng kalikasan. Nagsilbi itong tagapagbalanse ng enerhiya ng mundo at naging sandata laban sa isang masamang kulto.... ang MARA. Pitong mandirigma ang gumamit ng Arcana at natalo nila ang mga dyablo ng MARA. Sumumpa ang kulto na muli silang babalik at mabubuhay..... na ngayon ay nagkatotoo na.

Tulad ng nasabi na, ang Arcana ay bahagi ng elemento ng kalikasan. Sa isang propesiya ng mga sinaunang monghe, kusang kikilos ang mga Arcana upang panatilihin muli ang balanse. At sa makabagong panahon, tinatayang lilitaw ang mga makabagong mandirigma.

Reji: " Teka ibig mong sabihin kailangan labanan ko yung mga halimaw na yun? A-ayoko! Hindi ko sila kaya! Saka duwag ako, nagtatapang-tapangan lang ako eh.... "

Master Rugai: " Ikaw ang pinili ng Arcana.... kaya ang misyon mo ngayon ay lumaban kasama naming mga monghe. Kailangan nating pigilan ang kanilang masamang layunin. Lumaban ka para sa kapakanan ng 'yong pamilya, kaibigan at ng iba pang mga tao upang hindi sila mapahamak. "

Reji: " Hindi madali yang sinasabi mo. Hindi ko kayang gawin ang misyon na yan! Isa lang akong ordinaryong tao, gusto ko lang mabuhay ng simple, ng maayos.... "

Master Rugai: " Wala ka ng magagawa, sa ayaw at sa gusto mo.... yan na ang kapalarang ibinigay sa 'yo ng Arcana..... "

Reji: " Pasensya na... ", sabay iling nya. " Pero ayoko talaga, ayokong lumaban.... "

Master Rugai: " Bibigyan kita ng panahon para makapag-isip at magdesisyon. Bukas bumalik ka dito at hihintayin ko ang sagot mo. "

Reji: " Hindi na kailangan. Kung anuman ang kapangyarihan meron ako, gagamitin ko sa sarili kong paraan....", nag-ayos na sya para umalis. "Pasensya na, tutuloy na 'ko.... "

Master Rugai: " Makinig ka! Reji! Reji! "

Kinagabihan.....

Master Rugai: " Paano ko sya makukumbinse nang hindi pinipilit? ", nasa tuktok sya ng templo, nagmumuni-muni nang makarinig sya ng sigaw ng isang babae.

"Aaaaaaaaahhhhhhhh!!! T-t-tu............. "

" Sayang.... ang ganda mo pa naman, pero kailangan ko ang kaluluwa mo! Wehahahaha! ", isang alagad na naman ng dyablo ang mambibiktima.

Master Rugai: " Bakit hindi na lang ang kaluluwa ko ang kunin mo?......... yan ay kung magagawa mo kong talunin, hmm.... "

" Eh?! I-isang monghe! Hadlang ka talaga! Talagang tata.................. AAAAAAAAAARRRHHHHH!!! "

Master Rugai: " Deathblow ! ", isang suntok taglay ang sagradong kapangyarihan ang tumapos sa halimaw.

Master Rugai: " Mas nagiging aktibo na sila ngayon. Pag nagpatuloy ito, mas magiging mapanganib ang sitwasyon...."

Sa paglipas ng mga araw, hindi inaasahan ni Reji ang pagdatal ng swerte.

Reji: " Yes! Haha! Nagkatrabaho rin sa wakas! Ah dapat lang, mahina ang part time job ko, kaya kelangan ko ng permanenteng trabaho."

BLAG!  " Ay! "

Reji: " S-sori miss! Ah e pasensya ka na....", dinampot nya ang bag ng babae gawa ng pagkakabangga nya dahil sa labis na kasiyahan.

Reji: " Eto oh, pasensya ka na talaga ha...."

Miss: "Ah okay. Salamat. ", binigyan nya ang binata ng matamis na ngiti.

Pakiramdam ni Reji ay lumulutang sya sa alapaap.... isang magandang babae ang nakatagpo nya at bahagya nyang natingnan ang katawan nito, seksi at maganda pa..... Wooooooowwww...... ang sarap magpantasya ng gising.......

Pero wala na ang babae sa harapan nya. Kaya umalis na rin sya..... kibit balikat na lang.....

Lingid sa kaalaman ng binata, may mga matang nakamasid sa kanya at sinusubaybayan ang kanyang mga galaw.

ITUTULOY........

Destiny SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon