Destiny Seven: Prologue

2K 27 5
                                    

Tadhana o Kapalaran.....nakatakda nga ba ang kapalaran o ang tao mismo ang gumagawa ng kanyang kapalaran? Isang katanungan na pinagtatalunan ng mga tao, pinagdedebatehan, subalit sa aktuwal na mga pangyayari wala talagang nakakaalam kung nakatakda na ang ating kapalaran o tayo ang syang magbubuo nito....

Kung ikaw ang gagawa ng iyong kapalaran, ibig sabihin ay gagamitin mo ang tinatawag na "Free Will" o ang sarili mong dahilan at pag-iisip.....kung aasa ka naman sa nakatakdang kapalaran, susunod ka lang sa agos ng mga pangyayari at magmimistula kang manika o papet....

Mahiwaga talaga ang mundo, ang tinatawag na "Dakilang Katalagahan" ang syang kumikilos upang ipatupad ang kapalaran ng lahat ng bagay na nilikha....pero hindi ganoon kababaw ang salitang "kapalaran".....Maaaring sundin mo ang nakatakdang kaparalan mo o kaya naman ay balewalain mo ito at ikaw ang magdidisenyo ng sarili mong kapalaran.

Kahit ano pa man ang nangyari, nangyayari o mangyayari pa lang.....nasa iyong palad ang kapalaran at ikaw ang bahalang magpasya kung ano ang gusto mong gawin!

============================================================

Noong sinaunang panahon,  isang pangkat ng kulto ang nagsimulang manakop ng mga lupain upang ipalaganap ang kanilang paniniwala sa kapangyarihan ng mga Dyablo at maging isang ganap na mamumuno.  Nagsanib puwersa ang mga kaharian upang labanan sila at isa rito ang malawak na kahariang Alquetolia. Ngunit hindi sapat ang kanilang pinagsamang sandatahang lakas upang tapatan ang kapangyarihang itim na taglay ng kulto.

 Kaya naman, pitong mandirigma mula sa iba't ibang lupain ang pinagtagpo ng kapalaran at naglakbay upang pigilan ang layunin ng kulto. Ang mga mandirigmang ito ay bihasa sa pakikidigma at nagtataglay ng kakaiba, pambihirang lakas at kapangyarihan mula sa kanilang pagsasanay at eksperiyensya na kanilang natutunan mula sa kanilang mga ninuno.

Natalo nila ang kulto, subalit nag-iwan ng makapangyarihang sumpa ang Pinuno.....muli silang babalik sa makabagong panahon upang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan.....

Destiny SevenWhere stories live. Discover now