Kabanata 37: Mandirigma

171 2 0
                                    

Binuhay ni Zedon ang dalawa sa mga beteranong mandirigma ng kasaysayan........sina Genghis Khan at Heneral Yue Fei! Lalaban sina Van at Chai Ban upang linisin ang karangalang nadungisan ng mga yumao!

KLANG! KLANG!

Nagsimula na ang laban sa pagitan ni Van at ni Genghis Khan! Mabilis ang mga kamay ng mandirigmang si Genghis Khan kaya sinasalag ni Van ang mga atake nito. At hindi lang bilis, sa taglay niyang lakas, nagawa niyang basagin ang depensa ni Van!

Van: EEEHHH!

PAAAAKKKK!

Isang round house kick ang tumama sa baba ni Van!

TSUUUUGGG!

Isa pang kasunod na atake! Binira ni Genghis Khan ang katawan ng binata gamit ang grip handle ng kanyang espada!

Van: AGHHH!

SWINNNNGGGG!

Mabilis na inilagan ni Van ang espada ng kalaban kaya naman nawalan siya ng balanse at natumba! Akmang hihiwain na ng katunggali ang kanyang leeg pero agad siyang gumulong papalayo at maingat na tumayo!

Van: Ikaw nga talaga si Genghis Khan.......kung eksperiyensya ang pag-uusapan, wala akong binatbat sa 'yo........pero iisa lang ang dapat na manalo sa ating dalawa........

Nagkatitigan ang kanilang mga mata.

"TAPUSIN MO NA ANG PAGHIHIRAP KO! GUSTO KO NANG MANAHIMIK SA KABILANG BUHAY!"

Van: HUH?!

Hindi alam ni Van kung saan nanggaling ang nagsusumamong boses na biglang umalingawngaw sa kanyang diwa. Hindi niya nakitang nagsalita ang kalabang zombie pero tiyak niyang narinig ang mga salita.

Van: Siguro ay guni-guni ko lang yun........pero gagawin ko ang kahilingan mo.

Nagsimual nang lumabas ang kanyang Aura at nabalutan ng makapangyarihang kuryente ang kanyang espada!

Van: THUNDER SWORD!

At sumugod ang zombie ni Genghis Khan!

Van: HAAAAAAHHHHHH!

KRRRIIIIZZZZZZZZTTTTTTT!

Van: STATIC NOVA SLASH!

"SALAMAT SA 'YO! MAKABABALIK NA AKO SA KABILANG BUHAY!"

Dinig na dinig iyon ng puso ni Van kahit hindi niya nakita kung sino ang nagsalita.

Kasabay ng laban ni Van ang laban ni Chai Ban kay Heneral Yue Fei!

Chai Ban: YAAAAHHHH!

Nagpalitan sila ng eskrima ng kani-kanilang sandata! Ang nag-aapoy na staff ni Chai Ban at ang espada ni Yue Fei! Nahirapan si Chai Ban dahil isang mahusay na martial artist ang kanyang kaharap lalo na sa larangan ng wushu! Hindi nagpadaig ang monghe, ipinamalas din niya ang husay sa martial arts at isang spinning staff move ang kanyang ginawa at---------------

PAAAANNNNG!

Nasalag ni Yue Fei ang atake ng monghe!

Chai Ban: KARURA FLAME SHOT!

BOOOOMMMM!

Tinamaan ang heneral na zombie!

Chai Ban: Ngayon na! GARUDA FIREBALLS!

Garuda: GYAAAAHHHH!

Nagbuga si Garuda ng mga bolang apoy ngunit agad na umiwas ang kalaban. Sa huling tira ay natamaan niya ang paa nito! At agad na lumapit ang monghe!

PAAAAKKKK!

Tumama ang nagliliyab na staff ni Chai Ban sa baywang ng katunggali pero----------------

TSAAAAKKKK!

Nagawa nitong gumanti at sugatan ang balikat ni Chai Ban!

Chai Ban: UGHHHH!

Tiniis ng monghe ang hapdi at nagpatuloy sa pag-atake!

Chai Ban: HAAAH! THRUST OF THE SACRED FLAME!!!

TSUUUUGGGG!

Tumagos ang nagliliyab na staff sa katawan ni Yue Fei subalit pilit nitong tinatanggal ang nasabing sandata!

Chai Ban: Garuda! Ang BURNING FEATHER!

Binunot ni Garuda ang isa niyang balahibo at initsa sa kalaban. Pinatusok niya ang balahibo sa ulo ng zombie at hindi na ito nakagalaw pa. At tuluyang nabalot ng apoy ang buong katawan nito.

Chai Ban: Nawa'y manumbalik na sa katahimikan ang iyong espiritu, dakilang heneral...........

Garuda: SIYA NA BA ANG SUSUNOD?

Zedon: TSK!

Chai Ban: Siya na nga! Walang kapatawaran ang mga ginawa niya!

Zedon: Natalo nyo lang ang mga zombie ko! Pero marami pa kong pwedeng gawin!

Itinaas niya ang kanyang black staff at..............

Zedon: PILLARS OF THE NETHERWORLD!

GRUG! GRUG! GRUG! GRUG!

Apat na itim na poste ang tumubo mula sa ilalim ng lupa! At lumikha ito ng isang barrier na parisukat, nakapalibot sa kanya.

Zedon: HEHAHAHAHAHAHA!!!

ITUTULOY....................

Destiny SevenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin