Kabanata 12: VALIENTE

190 1 0
                                    

Ang gusgusing pulubi ay isa palang MARA! At nagbagong-anyo ito bilang isang Demon Ogre!

Mr. Chen: A-ang alamat ng Ogre....isang halimaw na kumakain ng tao, p-pero ang isang yan ay may kapangyarihan ng diablo..... at kinakain din nya ang kaluluwa ng kanyang biktima.....

Lin: Hah?! Kung ganun, mamamatay yung lalaki!

"GRRROOOOOOOOORRR!!!"

"Hindi kita uurungan halimaw! Laban kung laban!"

Tinanggal muna ng misteryosong lalaki ang kanyang shades. At pinasunod ang halimaw palabas ng restoran.

BRRRAAAAAAAAAGGGHHH!!! Winasak ng Ogre ang pader!

PAK!  Isang malakas na suntok ang ginawa ng lalaki sa sikmura ng halimaw......

"Eh? Hindi sya tinablan! Mukhang hindi uubra ang mano-mano-----------

Demon Ogre: BWAHAHAHAHAH! Nakokontrol ko na rin sa wakas ang katawan ko! Ikaw mortal, ang susunod kong magiging PAGKAIN!

Sinuntok ng Ogre ang lupa at mula sa ilalim ay hinugot nito ang isang higanteng espada!

Demon Ogre: Kakatayin na kita! BWAAAAAAHHHHH!!!

"IRON BODY!"

Naging bakal ang katawan ng lalaki at sinalo sagitan ng kanyang mga kamay ang espada nito!  Nagkabitak-bitak ang lupang kinatatayuan nya dahil sa lakas ng puwersa! Buong lakas nyang pinigilan ito subalit.....

Demon Ogre: GWAAAAAAHHHH!!!

Iwinasiwas ng halimaw ang espada nito kaya tumilapon ang lalaki!

"Uwaaahhh! Grabe ang lakas nya! Nalintikan na! Oras na para magseryoso!"

Mabilis na tumakbo pabalik ng restoran ang lalaki. At sa mesang kinainan nya kanina, kinuha nya ang kanyang sandata! Binuksan nya ang zipper ng mahabang lalagyan nito.......

"Ito na ang tamang pagkakataon para ipakita ang tunay na lakas natin, VALIENTE ESPADA..... "

Demon Ogre: Hangal! Minamaliit mo ang lakas ko! Balewala yan!

"Nagkakamali ka dahil ako ang minamaliit mo! Subukan mo munang tikman ang lakas ng aking espada....."

Ang Valiente Espada (Brave Sword) na sandata ng misteryosong lalaki ay isang double-edge broadsword, may habang anim na talampakan at may lapad ang talim na 12 pulgada.

KLAAAANNNNG!!! Nagbanggaan na ang dalawang espada!

Sumugod ang lalaki gayundin ang Ogre pero bigla syang umiwas kaya......

"HAAAAAAAHHHHHH!"

Tinamaan nya ang katawan ng halimaw nang.....

"Tsk! Hindi man lang sya nasugatan?! Ang kapal ng balat nya!"

Demon Ogre: Heh! Palalong mortal! GYAAAAAHHHH!

Sa lakas ng hampas ng Ogre, halos mabiyak ang lupa!

"Wala na kong pagpipilian pa....."

Nagliwanag ang kanang kamay ng lalaki! At ang kanyang buong katawan ay nabalutan ng dumadaloy na aura!

Demon Ogre: Huh?! A-ang...... ang ARCANA!

Tinipon ng lalaki ang aura sa kanyang espada at......

CHAAAAAANNNNNNG!!!

Bahagyang nayanig ang Ogre dahil sa taglay na kapangyarihan ng lalaki!

Demon Ogre: GRRRRR!

Mabilis na sumugod ang binata at tumalon----------

TSAAAKKK!!! Sinalag ng kaliwang braso ng halimaw ang espada ngunit nahiwa sya!

Demon Ogre: Uwaaahhh! H-hin-deee! GYAAAAAHHHHH!

CHAGAAAAAANNNNNNGGG!!!

Naputol ang higanteng espada ng Ogre at.......

"HYAAAAAHHHHH!!!"

Demon Ogre: AAAAARRRGHHHHH!

Putol ang kanang braso ng halimaw!

"Tapusin na natin ang labang ito!"

Demon Ogre: Ikaw ang tatapusin koooooo!!!

Pinahaba nya ang kanyang mga kuko sa kaliwang kamay upang gumanti subalit nakaiwas ang binata!

"BRAVE STRIKE!"

Bumagsak ang katawan ng Ogre at kasunod nun ay............... ang pagbagsak ng pugot nitong ulo!

"Hoooohhh......heheh......."

Lin: Mr. Chen! Natalo nya ang halimaw!

Mr. Chen: Woh?! Talaga?! Ligtas na tayo huhuhuhuhu!

"Ang tunay na katapangan ay nag-uugat sa matinding paninindigan kahit nasa bingit ka pa ng kamatayan..... ang tunay na lakas ay hindi nagmumula sa katawan kundi sa matinding paniniwala..... yan ang mga turo mo Lolo Teo......"

At itinarak ng binata ang kanyang espada sa lupa at taimtim na nagdasal.

Ang lalaking tumalo sa Demon Ogre ay nagtataglay din ng kapangyarihan ng arcana, sino sya?

ITUTULOY.........

Destiny SevenWhere stories live. Discover now