Kabanata 9: Pagkakaiba

232 3 0
                                    

Sugatan si Rugai at hindi na nya maiiwasan pa ang humahagibis na atake ni Sykis!

Rugai: HUWAAAAAHHHHH!!!

Tinipon ng monghe ang kanyang aura sa kanang kamao at sinuntok ang semento!

KABRAAAAAAAAGGGGGHHHHH!!!

Nagsalpukan ang mga tipak ng bato na syang tumama kay.......

Sykis: Eerghhh!

Napahinto ang halimaw dahil na rin sa kapal ng usok na likha ng pagsabog ng mga bato....... nang mawala ang usok, tumambad sa kanya ang malaking pabilog na hukay.

Sykis: Nasaan ka na kaibigang monghe?! Sige magtago ka lang..... amoy na amoy ko pa rin ang dugo mo hehahaha.....

Nakapagkubli agad si Rugai sa isang pader at nag-analisa ng mga pangyayari. Paano nga ba sya nasugatan?

Rugai: Naintindihan ko na. Pinalipad nya ang isang karit nang di ko namamalayan dahil abala ako sa pag-iwas.  Sa bilis ng kanyang pag-ikot, hindi ko mahahalata na isang karit lang pala ang gamit nya kanina..... hmmm, kailangan ko ng tapusin 'to..... babalikan ko pa si Reji.....

" MEDITATION! "

Ang meditation ay pangkarinawang ginagawa ng mga monghe. Sa isang normal na tao, ito ay tumatagal ng ilang minuto o hanggang isang oras depende sa kaynyang kakayahan. Dahil si Master Rugai ay bihasa at espesyal na monghe, kaya nya itong gawin sa loob lamang ng ilang segundo. Sa paraang ito, inilalabas nya ang pambihirang aura at naaabot ang rurok ng Kaliwanagan [Enlightenment]. Ang pisikal na lakas at espiritwal na kapangyarihan ay higit pa sa normal na lakas!

At ang kanyang buong katawan ay nababalutan ng nagbabagang Aura!

Sykis: Huling-huling ka na monghe! Haa..... GRIM REAPER TW------------------

" GINTONG KAMAO NI BUDDHA!!! "

Isang direktang straight punch sa sikmura ang naramdaman ni Sykis! At namimilipit syang lumuhod sa harap ng monghe!

Sykis: Uuuuurrrrrrghhhhh...... h-hin-deeeehhhhh.....

RAAAAAAHHHHHHHHH!!!

Inilabas na ni Sykis ang lahat ng kanyang negatibong enerhiya upang makatayo uli!

Rugai: Hindi na kita hahayaan pang lumaban.... hindi ka nararapat sa mundong ito, MARA.....

Sa dalawang palad ng monghe, naipon ang isang bola ng enerhiya, matindi ang liwanag.......

Sykis: GYAAAAAAAHHHHHHHHH!!!

Desperado na ang halimaw sa pagsugod!

Rugai: SPIRIT CANNON!

UWAAAAAAAHHHHHHHH!!!.....................

Nagdasal si Rugai, "Nawa'y matahimik ka na sa kabilang mundo, pagdusahan ang 'yong mga kasalanan at wag nang gambalain ang mga tao....."

Samantala, may isang malakas na pagyanig sa conference room!

Lupaypay si Reji dahil sa tindi ng boltaheng tinamo nya, daig pa nya ang humawak sa isang live wire......

 Nakita nya ang nakahandusay at walang malay na general manager, naalala nya si Ms. Jena at ang mongheng si Master Rugai......... at isang bagay na mahalaga sa kanya.....

Khalis: Ngayon nakita mo na ang kaibahan natin tagalupa.... kailangan mong tanggapin na kasawian ang naghihintay sa 'yo.....

Hinawakan nya ang binata sa leeg, iniangat ito pataas!

Reji: Uuuurkkkk---------

Halos panawan na ng ulirat ang binata! Ngunit may isang bahagi ng kanyang kamalayan ang nagsasabing " LUMABAN KA! LUMABAN KA! LUMABAN KA! "

Khalis: Akin na ngayon ang ar........ EEH?!

Hinawakan ni Reji ang braso ng halimaw, nagliwanag ang arcana sa kanyang palad!

Khalis: Waaahhh! Ang init!

At nabitawan ng halimaw si Reji.

Khalis: Paanong.....?

Habang tumatayo si Reji, dumadaloy din ang makapangyarihang aura sa kanyang katawan!

Reji: Haaahhh..... may isang bagay lang akong naalala..... may isang bagay akong dapat pang gawin.... kaya hindi pa ko pwedeng mamatay.....

Khalis: Wala kong pakialam!

Reji: Y-yung komiks ko...... gagawin ko pa yung komiks ko...... HAYAAAAAAHHHHH!!!

Khalis: DOOM SPAAAAAAARK!!!

KRRRRZZZZZZZZTTTTTTTTT!!!

Pero nagulantang ang halimaw dahil dire-diretso lang sa pagsugod ang binata! Ang aurang bumabalot sa katawan nito ang syang nagsilbing kalasag!

Reji: FURY CHOOOOP!

Naputol nya ang antena sa ulo si Khalis!

Reji: Tama ka! Kitang-kita ko ang kaibahan natin! HAAAAAAHHHHHH!!!

PAK PAK PAK PAK PAK PAK!!!

Sunud-sunod ang mga suntok na pinakawalan nya sa katawan ni Khalis! Sagad hanggang buto ang panghihina ng kalaban!

Nagliwanag ang kanang kamao ni Reji at......

Reji: FURY BLOOOOWWW!!!

Tumalsik si Khalis sa isang sulok ng conference room at dumagundong ang gusali!

BUGUUUUUUMMMMMM!!!

Sa katawan ng halimaw ay nalikha ang isang malaking butas!

Reji: Masyado mo kong ginalit...... at minaliit....... ayos lang sanay naman akong minamaliit, pero ang kaibahan natin...... may pangarap ako sa buhay!

" REJI! "

Nilingon nya ang tumawag sa kanya.

Reji: Master Rugai..... nagawa ko.....

Isang ngiti ang ibinalik nito sa kanya.

ITUTULOY........

Destiny SevenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ