Chapter 63: Tired

6.7K 120 2
                                    

Chapter 63: Tired

~*~

*Hazel's POV*

"wala pong nakalistang Maxima Hernandez dito sa listahan namin." Sabi ng babaeng nurse.

"paanong wala? Check it again baka nakaligtaan mo lang." sabi ko.

"ka-kaunti lang po ang mga matanda dito sa Bahay Pag-ibig. At wala pong Lola Maxima na nakatira dito." Napasandal ako sa counter.

"it's hopeless." Napahawak ako sa noo ko.

"don't stop. We shouldn't stop. There should be another home for the aged here in Cebu. We might find her somewhere near." Sabi ni Henry habang tinatabihan ako.

Umiling ako. "I don't know what to do..." ito ang address na nasa mga papeles na nakita namin sa condo ni Clash. We can't be wrong na nandito siya... how could we not find her here?

"we should leave now. You need to rest." Sabi niya.

"paano ako makakapagpahinga? I want Clash. I need him now."

Hinimas niya ang balikat ko. "just think about Lola Sima." Napangiti ako kahit papaano. Noong dinala namin siya dito kanina, habang hinahanap namin sa mga kwarto si Lola Maxima, ay dumating na daw ang kamag-anak niya. She's now with her family. Humarap ako sa babaeng nurse.

"sige, salamat na lang." Sabi ko at humawak na ako sa braso ni Henry. "let's go."

"Ate, yung record nga pala ni Lola Sima?" may lalaking dumating at sumandal din siya doon sa counter.

Tinignan ako ng babaeng nurse na kausap namin kanina. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay agad naman siyang umiwas at may iniabot siyang folder sa lalaki.

"let's go?" Henry tugged my hand pero hindi ako gumalaw, it's as if I want to watch them. It's as if I'm waiting for something to happen.

"itatago na namin ito sa office." Sabi ng lalaki at naglakad na siya.

I pulled my hand out of Henry's at agad na lumapit ako doon sa lalaki. "excuse me?"

Napalingon siya sa akin. Napansin kong tinignan niya ang babaeng nurse tapos tinignan naman niya ako ulit. "ano po iyon?"

"record ba iyan ni Lola Sima?" tanong ko.

"ah o... opo, bakit?"

"gusto ko sanang kunin yung address ng taong kumuha sa kaniya. If it's in Cebu, gusto ko sanang dalawin si Lola." Sabi ko na lang. halata namang may tinatago sila dahil sa palitan nila ng tingin.

Bigla namang nanlaki ang mga mata niya. "ah, kayo pala ang naghatid kay Lola Maxima dito?"

"o-oo..." sabi ko. Napatigil ako. Lola Maxima ba ang sinabi niya? Ah hindi... baka nabingi lang ako.

"kanina po, bago sila umalis eh kinuha namin yung lugar kung saan mag-i-stay ang apo niya, para masigurado namin na naaalagaan si Lola Sima." Sabi niya. See? He said Lola Sima. It's just my imagination. "unfortunately, hindi po taga-Cebu ang apo ni Lola Sima, taga-Maynila po sila. Pero sinabi niya sa amin na magchi-check-in sila sa isang hotel para doon na daw po muna magstay." Sabi niya.

"is that so?" napatango ako. Ngumiti ako. "pwede bang malaman kung anong pangalan ng apo niya?" Maybe I'm right... taga-Maynila daw 'di ba? Paano kung si Clash pala iyon?

This time ay lumapit na ang babaeng nurse. "Marko, may gagawin ka pa, 'di ba?" sabi niya sa lalaking kausap ko. Tinignan lang siya ng lalaki pero umalis na rin ito.

"pero---"

"hindi po kami nagbibigay ng mga informations sa kung kani-kanino lang." pag-putol sa akin ng babaeng nurse.

Napatingin ako sa kaniya. "I need to find someone!" sigaw ko, nararamdaman kong bumabalik na ang pagod sa katawan ko pero hindi ako pwedeng tumigil.

"Hazel." Nasa tabi ko na pala si Henry at hinawakan na niya ako sa isang braso.

"sorry po pero hindi po talaga namin pwedeng i-share ang files ng old ones. Nasa policy po namin iyon. Mawawalan po kami ng trabaho at delikado po kasi. Unless may ipapakita po kayong proof na kilala niyo po talaga si Lola Sima." Mahinahong sabi ng babaeng nurse na parang hindi man lang siya natakot sa pagsigaw ko.

"but..."

"I apologize on her behalf." Sabat ni Henry. I looked at him as if he just betrayed me. He looked down apologetically at me. "Hazel, you're tired... you need to rest."

I stared back at him and without second thoughts, I walked around him and out of the place. Tumakbo ako sa kotse niyang nasa labas at agad akong pumasok. Henry followed and he opened my door. Tinignan ko siya. "I'm sorry... I just... I want to..." I cried.

"I know." He said and pulled me in to hug me.

~*~

"I bet you're tired." Sabi ni Henry pagkasara niya sa pinto ng hotelroom. I silently sat on the couch. "I'll go get something to eat. Wait here." Sabi ni Henry.

I don't know what he's saying. Nasa hotel kami, we can just call and order food through the line, kaya bakit kailangan niya pang umalis? "hmpft." I breathed out the air in my lungs. We had visited Bahay Pag-ibig and other home for the aged here in Cebu. Pero kahit anong tanong namin, no one can give us information about Mrs. Maxima Hernandez. Paano kung 'di sa Cebu? Paano kung nagkamali kami ni Henry? Paano kung di namin makita si Lola?

Paano kung di ko na makita si Clash? Masyadong malamig sa kwarto na 'to. "Clash..." I mumbled under my breath. I curled my legs and placed my knees to my neck. To sob is the only thing my body can do now. I'm tired. I'm too damn tired to think about anything. I rubbed the ring in my index finger, praying, hoping to see him again. I stood up. Nanginginig yung mga tuhod ko. I realized na wala akong dalang gamit. I just have my pouch with some cash and my phone. The rest, I left with my brother. I grabbed my pouch on top of the table. I need to relax. I need to forget, even for just one night.

~***~

Hihi thanks for reading!

Your votes and comments are highly appreciated.

God bless, readers!

Sunny @i_am_42



A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now