Chapter 17: Boys Hunting

13K 205 2
                                    

Chapter 17: Boys Hunting

~*~

*Hazel's POV*

Bumaba na kami ni Lorryn mula sa kwarto ko. Kakatawag lang sa amin ni Kuya, kakain na raw kami. "akala ko wala kayong balak na kumain eh." Sabi ni Kuya when we met him by the stairs.

"nagkwentuhan lang naman ng kaunti." Sabi ko.

"nasa dining na si Clash. No need to wait for me, kumain na kayo, magpapalit lang ako ng damit." sabi ni Kuya then he ran up the stairs. So kumakain din pala ang nilalang na iyon.

"ang hot talaga ni Kuya Roro." Bulong ni Lorryn.

"I know I know." Tumawa nalang ako at pinalo ko na siya sa braso nang hindi siya gumalaw para titigan pa si Kuya. Si Lorryn talaga... Naglakad na kami papuntang dining nang may makita ako sa bandang back door. Nakabukas ang pinto at parang may tao sa labas.

"Dirtbag, mauna ka na sa dining, may iche-check lang ako." sabi ko.

"okay. Basta pumunta ka kaagad, ayaw ko namang kumain ng mag-isa." Sabi niya sabay tawa. Tumango nalang ako tapos naglakad na siya papunta sa dining area.

Lumapit ako sa backdoor at binuksan iyon. Mainit ang panahon dahil June palang pero naramdaman ko ang hangin na pumasok sa loob. Dandahan akong lumabas at nakita ko si Clash sa gilid na may kausap sa phone. He had his back at me kaya di niya ako napansin. Naninigarilyo ata siya! Hayy... sabi na eh, halata sa mukha niya. Tsk. Lalakad na sana ako pabalik sa loob nang may sinabi pa siya.

"she's nothing to me." Sabi niya. Ako ba tinutukoy niya? "baliw ka ba? Kilala mo naman ako, hindi ako nagseseryoso diba?" Sabi pa niya. "oo na, alam ko... oo... tignan natin... oo. Okay! Okay!" palingon-lingon ito sa paligid niya, baka naramdaman niyang nandito ako. Papasok na ulit sana ako dahil biglang sumakit ang tiyan ko dahil sa sinabi niya nang lingunin niya ako. "Hazel?" tinignan niya lang ako then he placed his phone inside his pocket.

"ah... K-kakain na daw." Sabi ko at tumalikod na ako para pumasok sa loob.

Ewan ko kung anong nangyari at biglang sumama ang pakiramdam ko. Napahawak ako sa shoe rack katabi ng pinto. "a-ayos ka lang ba?" pumasok na pala siya.

"oo..." sagot ko.

"k-kanina ka pa ba doon?"

"o-oo... bakit?"

"narinig mo ba yung mga sinabi ko?" tanong niya pa. Tinitigan ko siya. Narinig ko ba? "narinig mo ba?!" halos pasigaw na tanong niya.

"ano ako sa tingin mo? Hindi naman ako bingi para hindi iyon marinig!" sigaw ko rin.

"s-so ano naman iyon sa'yo kung narinig mo?!" sabi niya naman.

Tinitigan ko siya. Ano bang pinagsasabi nito? Akala niya ba may paki ako?! "w-wala iyon sa akin!"

"iyon naman pala eh! Basta wala tayong pakialamanan ha!" sigaw din niya.

"sige ba! Wala naman talaga akong paki sa'yo eh!" dinutdot ko ang matigas niyang dibdib. "you. don't. deserve. my. attention!"

Tinitigan niya rin ako ng masama. We measured our stare until Lorryn and Kuya Roro jumped in. "okay lang kayo?!" sigaw ni Kuya, he tapped my shoulder.

Agad akong tumingin sa malayo. Ganoon din siya. "nagugutom na ako." sabi ko at nauna na ako sa kusina.

~*~

Lastly, the sunglasses.

"really Hazel, are you seriously pregnant?" tanong ni Lorryn habang tinititigan ako.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now