Chapter 24: Black-eye... and smile

9.4K 174 3
                                    

Chapter 24: Black-eye... and smile

~*~

*Hazel's POV*

Napatulala ako sa sinabi ni Clash.

"hindi lang ikaw ang kinabahan Hazel. Ako din."

"Hazel?" nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko. "are you alright?"

"am fine." Sagot ko. Napatingin ako sa likod ni Clash habang papalabas siya ng bahay.

"anong nangyari? Narinig kong nagsisigawan kayo."

"ahmm... it's my fault. I should have been more careful."

"tsk. Ano ba ang nangyari?" hinila niya ako para umupo.

"s-sinagip niya lang ako sa katangahan ko."

"sinagip?"

"oo... muntik na akong mahulog sa hagdan eh."

"ANO?!! Oh my... paano na?! Do we need to bring you---"

"I said i'm fine, Lorryn." I sighed. "Nasalo kasi ako ni Clash."

"oh goodness!" napa-facepalm si Lorryn. "ang tanga mo talaga Dirtbag! Paano kung wala si Clash noong mangyari iyon ha?!"

"kasalanan niya kung bakit ako nandoon eh."

Tinitigan niya ako. "una kasalanan mo, tapos ngayon kasalanan niya? Ano ba talaga?"

"aaaargh!" ginulo ko ang buhok ko. Nakaka-asar! Naiinis na ako sa sarili ko! "ewan ko! Tsk."

"hayy..." inakbayan ako ni Lorryn. "sa susunod mag-iingat ka okay?"

"oo na." tumango ako. Then I remembered something, yung sinabi ni Clash sa akin kanina. "wait nga." Tinanggal ko ang braso niya.

"what?"

"kakilala mo raw si Elmer? Yung kaibigan ni Clash?" tanong ko. Tinitigan niya ako tapos bigla siyang napangiti. Then she looked up. Tumingin naman ako sa taas. All I can see is the chandelier. Tinignan ko ulit siya. I saw glitters and sparkling butterflies all over her face. Literally! "Lorryn!" sigaw ko.

Napatingin naman siya sa akin. "hm?"

"nagde-daydreaming ka ata." Natatawa kong sabi sa kaniya.

Nilingon-lingon niya ang paligid. "halika, sa kwarto tayo!" she grabbed my hand at hinila na niya ako paakyat ng hagdan.

"wait, Lorryn. Ano ba?" I laughed while getting inside her room.

"Park Lorryn will share a story to you." Sabi niya.

"what story?" nakangiti akong umupo sa kama niya.

She smiled back at me. Oh uh, I'm smelling something fishy.

~*~

Lorryn is literally changing into an anime character. Gets niyo ba? Iyon kasi ang hitsura niya habang kinukwento niya sa akin ang nangyari sa kanila ni Elmer. Lumalaki ang mga mata niya at kumikinang pa ang mga iyon. There are stars all over her. "...and that's when I heard the commotion inside, yung nagsisigawan na kayo ni Clash. Kaya iniwan ko na siya para pumunta sa inyo." Daldal niya.

Napatango ako. Nagsmile siya sa akin. Kaya nagsmile din ako then she pouted. "what? Ano nanaman? Wala na bang continuation?" I asked then started nibbling on the crackers that she gave me awhile ago.

"tapos na akong magkwento." Sabi niya then she smiled again.

"aah..."

"don't you have any comment?" tanong niya, folding her arms.

"wala." Umiling ako. She stared at me. "ano na naman, Dirtbag?" tanong ko. Yumuko siya. Napangiti ako. "you like him na noh?" tanong ko.

She was a little taken aback by my question. "m-medyo... siguro." bulong niya.

"bakit? Bakit mo siya nagustuhan? Dahil ba sa sinagip ka niya? Or dahil sa sinabihan ka niya na maganda?" tanong ko, base kasi sa kwento niya, si Elmer daw itong nagligtas sa kaniya from that steroid jerk, inshort, si Elmer ang knight in shining candy niya, at nagkasama sila kaninang umaga. Bago daw niya iwan si Elmer sinabihan daw siya nito na maganda. She looked at me. Then she shook her head. May sasabihin pa sana ako kaso biglang may sumigaw galing doon sa first floor.

"tulong!!"

Nagtitigan kami ni Lorryn and we hurriedly ran downstairs. May lalaking nakatayo sa harapan ng sofa. He's... horizontally challenge kaya hindi ko makita kung sino yung nakahiga sa sofa. "Elmer?" Lorryn ran to his side, habang ako naiwan dito sa dulo ng hagdan. So this man is the man called Elmer.

Humarap siya. "Si Clash... nabugbog." Umusog siya ng kaunti and there I saw Clash on the sofa. May kaunting black-eye siya, buti hindi gaanong halata. May pasa din siya sa pisngi.

"Clash." Tinignan niya ako. Then he smiled.

~***~

Thanks for reading!

Your votes and comments are highly appreciated.

God bless.

Sunny @i_am_42



A Shotgun Marriage [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora