Chapter 27: Another Picture

9.1K 166 4
                                    

Chapter 27: Another Picture

~*~

*Hazel's POV*

Humiga na ako sa kama. Kakatapos lang din naming kumain kaya magpapahinga na ako. I stared at the brown ceiling over me. Iniisip ko kung sino yung babae sa picture pero iniisip ko rin kung bakit ko iyon iniisip. Bakit ko nga ba iyon iniisip? Napa-upo ako. "aray..." ano ba 'to bigla nalang akong nahilo...

*zzzzt zzzzt* Marahang gumalaw ang phone kong nagva-vibrate sa nightstand. Inabot ko ang phone ko habang mina-massage ang ulo kong nahihilo.

"hello?" Tsk...normal ba na mahihilo ako kada tayo ko? Asar...

'hello Princess?'

Automatic na nawala ang hilo ko. "Kuya Roro!"

'oh, na-excite ka ata. Na-miss mo na ako kaagad? Eh parang kaka-alis ko lang kanina.' I can hear his laugh from the other line.

"siyempre noh." Sabi ko. "so, are you home now?"

'yep.'

"how's mom and dad?"

'mom's alright.'

"and daddy?"

'...'

Napakunot noo ako nang hindi siya sumagot. "hello Kuya?"

'anong ginagawa mo?'

"ha? Hmm... ito, kumakain." Nakita ko kasi yung mga biscuit sa mesa, kinuha ko na iyon and I pretended as if I'm eating it. "eto oh, *crunch* "

'ahahah. Sina Lorryn? Ayos lang ba kayo diyan?'

"yep, we're fine." Sabi ko. Hindi ko na ibinanggit kay Kuya ang nangyaring pakikipag-away ni Clash, hindi naman na niya kailangang malaman iyon.

'good. 'Nga pala, may naiwan ata akong box diyan.'

"box?"

'yeah, sa kwarto ko.'

"wait, let me check." Tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako.

'no, it's fine. You should be resting by now. Check mo nalang bukas. Okay?'

"okay."

'ah... and, Hazel?'

"yes Kuya?"

''wag mong bubuksan ang box ha?' Bakit naman? I wanted to ask, pero um-oo nalang ako. Nagkwentuhan pa kami ni Kuya bago niya ibinaba ang telepono. Ano ba yung box na sinasabi ni Kuya?

I stood up and I found myself infront of Kuya's bedroom. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Sumilip ako. "ang linis naman dito." Bulong ko. Maingat kasi talaga sa mga gamit niya si Kuya, madalas lang na may nakakaligtaan siyang gamit kaya nga nagtataka ako. Umupo ako sa puti na kama ni Kuya then I noticed a medium sized box resting on top of the pillow. Kinuha ko iyon. "ito na siguro iyon."

May takip ang box kaya bubuksan ko na sana-kahit na sinabi niyang huwag buksan-nang biglang may magsalita. "sinong kausap mo?"

Nilingon ko si Clash, nakatayo siya sa pintuan. Kahit medyo madilim ay nakita ko na naka-kunot ang noo niya. "ah... wala naman."

"eh anong ginagawa mo dito?"

"ikaw ba?" tanong ko rin.

"ako? Eh papunta ako sa kwarto ko, napansin ko lang na nakabukas ang pintuan dito." Nawala yung kunot sa noo niya. Sumandal siya sa doorframe, his arms folded infront of his chest. "nangangalikot ka ata diyan?"

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now