Chapter 70: My Queen

10.9K 171 3
                                    

Chapter 70: My Queen

~*~

*Hazel's POV*

Hindi ko alam kung bakit laging sa ospital ako nagigising. Pero isa lang ang masasabi ko. Isa ito sa pinakamagandang gising ko sa loob ng ospital.

"you want more?" tanong ni Mommy. Ini-smash pa ni Mommy yung ilang mansanas. Hindi ako pwedeng kumain ng hard foods ngayon.

I smiled. Ilang araw na ba? Ah oo, dalawang araw na akong naka-confine dito sa ospital. Bukod sa malala ang nangyari sa leeg ko, hindi ako gaanong makapagsalita ng maayos. I can still speak kaso pilit at paos-paos. Sheena did gave me a thing. Si Sheena, sabi ni Mommy, kinulong na daw siya for attempting to kill me and Lola Maxima. Hindi ko alam kung matutuwa ba dapat ako o malulungkot sa nangyari kay Sheena. She'd been a good friend to me pero hindi ko alam kung mapapatawad ko siya sa ginawa niyang ito. Nasabi naman ng doctor na pwede na akong umuwi bukas. They just need to look for me overnight at kung okay na ako bukas, pwede na akong umuwi.

"here." Abot niya ng bowl sa akin. Susubo na sana ako nang bumukas ang pintuan.

"Ate Hazel!" Napangiti ako pagkakita ko kay Claire. Sunod na pumasok si Denee at si Kuya Roro.

"gusto ko sanang makipagkwentuhan pero halatang 'di pwede." Sabi ni Denee.

Tumawa ako. "malapit na." Bulong ko. Tumawa rin si Kuya, lumapit siya at tinap ang ulo ko. Umupo si Claire sa tabi ko. Tinitigan ko ang pamangkin ko. Tsk. Napatingin ako kay Kuya at Denee. Nagpaplano na silang magpakasal. It is one heck of a decision dahil hindi pa alam ni Claire ang lahat. Nagkausap na sila ni Papa Armann at Mama Helenna. Wala ako noong nag-usap sila. Pero nalaman ko nalang na umalis si Mama Helenna. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pag-alis niya. Ang alam ko lang, siya ang may kasalanan sa nangyari nine years ago kina Kuya Roro at Denee. Siya ang dahilan kung bakit sila naghiwalay at kung bakit muntik nang magpakamatay si Kuya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari na iyon... pero masaya ako na maayos na si Kuya at Denee.

"Dirtbag!" Biglang pumasok si Lorryn. Sumunod si Elmer at siyempre sina Kuya Drew at France.

"Dirtbag!" pilit kong sinabi. "tsk. Nakakaasar itong boses na 'to..."

"that's okay. Atleast Lorryn Park can rant about anything without you ruining my moment!" tawa niya.

"pasensiya ka na, nasobrahan sa kape." Sabi ni Elmer. "aray!" ayan, napalo tuloy ni Dirtbag. Nagtawanan kami. They're so official. I am so happy for Dirtbag and Elmer. Hindi naman nakapagtataka na ma-inlove sila sa isa't isa kasi kung ako nga, na-inlove ako sa bipolar at wala sa ayos na si Clash 'di ba? Kita ko na nga sa mukha ni Lorryn ang pagbabago. Mas totoo na yung ngiti niya ngayon. Masaya ako, nahanap na niya yung lalaking magpapasaya sa kaniya.

Napatingin ako kay Mommy. She's just sitting by my side, silent. I held her hand. Naalala ko yung kinwento nila sa akin. Daddy had been very angry at her noong nalaman niyang pinatakas kami ni Mommy. Dad left her at the house, binalaan pa siya na huwag daw susunod. Matagal daw siyang naghantay sa bahay. She just found out the bumalik na pala si Dad dito sa Pilipinas. She immediately followed him. Halos kasabay lang daw namin siyang umuwi dito sa Maynila. Nasa airport na kami from Cebu noong naka-uwi na si Mom sa bahay namin. Dad and Mom had to talk pero nalaman nilang na-ospital ako and that I am already with Clash. Wala nang nagawa si Daddy. There's no other reason to push us away from each other. Nagmamahalan kami. Iyon lang iyon.

Ngumiti si Mommy. May kumatok ulit sa pintuan. Napatingin ako kina Fincen at Blake. My staff! Na-miss ko sila! Nagkaroon kami ng mini reunion. Halos maiyak ako dahil ngayon ko lang sila ulit nakita. I really missed working with them. Sana dumating yung time na makapagtrabaho ako ulit kasama sila. "darating din iyon. Don't worry." Sabi ni Fincen. "gagawa kami ng paraan."

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now