Chapter 66: Note

7.1K 122 7
                                    

Chapter 66: Note

~*~

*Third Person's POV*

Mangiyak-ngiyak na si Hunter habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa harapan niya. May suot itong uniform at halatang nagtatrabaho bilang housekeeper sa hotel. Kanina lang ay pinalo ito sa batok gamit ang mop kaya wala na itong malay ngayon. Pinanood niya lang kung paano ito sipain ng Tita Rhea niya, ang kaibigan ng Mama Sheena niya. Nang hindi na gumalaw ang kawawang babae ay kinapa naman ni Rhea ang uniform na suot nito. "nasaan na ba yung putang papel na iyon?!" impit na sigaw ni Rhea.

"T-tita..."

"ano?!" nilakihan pa niya ng mata si Hunter. Dandahang lumuhod si Hunter at kinuha yung maliit na papel na naka-ipit sa kanang kamay ng babaeng nakahiga. "wow, may silbi ka naman pala kahit papaano." Sabi ni Rhea pagka-agaw niya sa papel. She didn't bother to read it, basta niya lang itong itinapon sa dark side ng kwarto na iyon. "wala talagang kwenta si Henry kahit kailan." Natatawa pa niyang sabi.

"uuwi na po ba tayo?" tanong ni Hunter.

"of course not." Sabi ni Rhea. "may gagawin pa tayong mission." Dandahan ulit silang lumabas ng maliit na kwartong iyon na nilalaman ng mga mop at panlinis ng cr. Kaagad itong isinara ni Rhea at muli niyang hinatak si Hunter na parang walang nangyari.

~*~

*Hazel's POV*

Napangiti ako sa nakita kong suot ni Clash. He's wearing his usual sleeveless hoodie. Namiss ko 'to. Sobra. "hi." Sabi niya pagkalapit sa akin.

I smiled playfully at him. "hi." Nawala yung smile niya, but I can still see a thousand of emotions in his eyes. "is there a problem?" tanong ko.

Umiling lang siya. "hindi lang ako... makapaniwala na nandito ka."

Natawa naman ako. "me too." I don't know how long we stood there in the center of this room. I didn't even know why we are standing there, silent. Nang biglang may magring na phone.

"iyon." bulong ko.

"ha?" Tanong ni Clash. Automatic akong napatingin sa paligid. "anong 'iyon'?" napakamot sa ulo niya si Clash.

Lumapit ako sa bed at itinaas ko ang magulong kumot. "phone ko!" sigaw ko pagkakita sa phone kong nakahiga sa kama. Nadala ko pala ito dito sa room nila Clash. I grabbed it and checked who called. Pero napatigil ako pagkakita sa name na nakaregister.

"sino?" lumapit si Clash at hinawakan niya ako sa balikat. I showed it to him. The name 'DAD' registered infront of the screen. Tinignan niya ako. "sasagutin mo ba?" I hesitated but decided not to answer the call. "ayos ka lang?" tanong niya.

I shook my head. "we need to go back." Tinitigan lang ako ni Clash. "we need to go back, now."

~*~

It's not only me who pushed Clash to go back to Manila. But also Lola Maxima. Nandito kami ngayon sa restaurant ng hotel. As soon as we finished eating, I told her about the call. "kailangan na nating bumalik doon." Ulit ni Lola Maxima kay Clash.

He stood there infront of us, staring at his feet. "Clash, I know what you feel. Pero the earlier we fix this, the better." Sabi ko.

"pero..." his eyes are begging when he looked at me. "nakita mo naman ang nagawa ng Daddy mo. Honey, hindi ko alam kung anong pwede kong magawa."

I sighed. "he's still my Dad, Clash." Sabi ko. "he may be bad, strict, and scary pero... he did those things dahil natatakot lang din siya."

He thought about it for quite a while. Pinanood ko lang ang asawa ko. Pati ako natatakot, kaming dalawa natatakot sa pwedeng mangyari. It's not only my Dad, it would be the whole family, my family and his family. It would mean Sheena. Sheena... Napataas ako ng ulo. "si Henry..."

Napatingin si Clash sa akin. "ha?"

"si Henry, iniwan niya ako kagabi sa kwarto." Sabi ko. Doon nga kasi ako nagising sa kwarto nila Clash kaya hindi ko na alam kung nasaan si Henry ngayon.

"kasama mo si Henry?" tanong niya.

Tumango ako. "tinulungan niya akong hanapin ka."

Napakamot siya ng ulo. "magkasama kayo?" Mukha naman siyang hindi nagseselos, pero parang medyo lito siya sa sinabi ko. "paano kayong magkasama?" tanong niya.

"pinuntahan niya ako sa airport." Sabi ko. "Actually, kasama kong umuwi si Kuya. Supposedly, si Sheena ang kukuha sa amin. Good thing dumating kaagad si Henry at kinuha ako." Tinignan ko si Clash. "I was able to go to your condo with the help of Henry. Pero wala ka na doon. We found out that you are going here in Cebu, kaya pumunta kami dito to search for Lola Maxima. And ito... I didn't know na iisang hotel lang ang pinasok natin."

"hindi siya nagsisinungaling noong sinabi niyang umuwi ka na." Sabi niya.

"si Henry bang tinutukoy mo?" tanong ko.

Tumango siya. "pinuntahan niya ako kasama si... Rana. Sabi nila babalik ka na raw. Hindi ako naniwala sa kanila pero... dumating si Lorryn at kasama ko siyang pumunta sa airport. Hindi ko na nakita sina Henry na sumama sa amin, magkahiwalay kasi kami ng kotse. Tapos... wala pala kayo sa airport." Then hinarap niya si Lola Maxima. "Lola, pumunta na po kayo sa room natin." Then he faced me. "puntahan natin si Henry."

~*~

Wala nang tao sa hotelroom namin ni Henry pagkabalik doon pero nandito pa yung mga gamit niya. "nasaan na siya?" tanong ni Clash.

"hindi ko alam." Sabi ko. Lalabas na sana kami nang may pumasok na babaeng may kasamang bata. She wasn't surprised to see us pero ako na-shock. Bigla-bigla na lang kasi ay nasa doorway na sila. I was about to ask her nang tignan niya ako.

"kayo po ba si Mrs. Hernandez?"

Napangiti ako sa tawag niya sa akin. Nawala yung strange feeling ko para sa kanila ng bata. "y-yes, of course, bakit?"

"Mr. Lee left a note for you." May inabot siyang nakatuping papel sa akin. "basahin niyo daw po iyan pagkabalik sa Manila."

"M-manila?" Napatingin naman ako doon sa bata.

"Opo." Hinila niya bigla yung bata palapit sa kaniya. The kid was obviously scared.

"'wag mo namang hilain yung bata." Sabi ni Clash ng pabiro. He knelt infront of the child. "Hi."

"and if you may excuse me, Mr. Hernandez, pinapaligpit na po ni Mr. Lee ang mga gamit niya."

"pinapaligpit?" si Clash naman itong nagtaka. Tumayo siya at lumapit sa akin. Tinignan kami ng babae. Ngumiti siya at nagdire-diretso sa closet at ipinasok sa dala niyang box ang mga damit.

Tinignan ako ni Clash after niyang titigan yung kawawang bata. "Manila?" tanong ko ulit.

Tumango si Clash. "uuwi na tayo."

~***~

Thanks for reading!

Vote and comment please :)

God bless.

Sunny @i_am_42





A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon