Chapter 4: Boiled Eggs?

18.6K 270 6
                                    

Chapter 4: Boiled Eggs?

~*~

*Hazel's POV*

"sino ba 'yun?" tanong ni Lorryn sa akin. Nasa second floor na kami ng mall. Napansin niya siguro yung ginawa ko kanina na pagturo at pagsigaw doon sa lalaking nasa escalator. Napatingin tuloy ako sa first floor and there he is. I don't know pero parang lumingon siya dito sa amin buti nalang hinila na siya noong kasama niyang... ahmm mataba. Lorryn nudged my side again and I gazed tiredly at her. "care to explain what happened?" she asked while cocking her hips and putting her hands at her waist.

"aahmm..." ikwento ko na kaya kay Lorryn? Napabuntong-hininga nalang ako. She's my bestfriend for goodness sake! Do I even have to think if I should tell it to her? God... hindi ako dapat nagtatago ng secrets sa kaniya. "lika, uwi muna tayo, ikekwento ko sa'yo when there are no ears to hear us."

~*~

After everything, umuwi din kami. "so sino nga iyon?" umupo agad si Lorryn sa bed ko. Kumakain siya ng chips na ayon sa kaniya ay healthy.

"ahmmm... you remember last week? Noong tumawag ako sa'yo?" I told her, plopping down next to her with a pillow clutched infront of me.

"yung ikekwento mo?" humarap pa siya sa akin and I nodded.

"ganito kasi iyon Lorryn..." I started saka ko ikinwento sa kaniya lahat ng nangyari simula sa paggising ko sa hotel room ng mayabang na iyon hanggang sa nasira kong tv. She has her worried, unexpected, surprised and lots of mixed expressions plastered on her face. "... then nakita ko pa siya kanina." I said, ending the story.

"so he took your beloved virginity... you don't even know him!" napatayo siya habang itinataas ang dalawang braso niya.

"eh kasi naman... ang tanga tanga ko."

"he took advantage of you... hay!" umupo siya ulit sabay subo ng isa pang chips habang umiiling.

"hayaan mo na. It seems like... he doesn't even remember me." Sabi ko. "nakita mo naman diba? Tinitigan lang ako noong lalaki sa escalator."

"you're sure siya iyon?" tanong ulit ni Lorryn.

"yep... kahit abs niya natatandaan ko." First time ko kasing makakita ng live flesh ng isang lalaki pwera kay Kuya Roro at Daddy. I can say it's really and definitely an unpleasant memory for me pero juskoday! Abs iyon noh.

"tsk... siguro naman 'di na kayo ulit magkikita noon."

"sana. Eh ako may kasalanan eh."

"wala lang kasalanan! Look, he took the advantage kasi lasing ka at nandoon ka sa...-Teka, sinabi mo bang nagkamali ka ng pinasok na kwarto?"

"oo." I sighed, mas lalo ata akong na-depress ngayong nalaman na ni Lorryn. "Hindi ko nga alam kung paano nangyari iyon eh. Basta galing ako sa bar at uminom ako kasi nakaka-depress 'tas iyon, pumunta na ako sa room ko. PERO doon AKO SA ROOM NIYA PUMASOK!" Ang sarap talagang ipukpok sa pader itong ulo ko nang makalimutan ko na yung mga nangyari!

"hey, ang ingay mo... pero alam mo, you should know him. Alamin mong pangalan niya."

"why on earth will I do that? Nah ah! Ayoko."

"paano kung ma-"napatigil siya at napa-buntung hininga. Ito naman! Parang mas namo-mroblema pa sa akin. "... paano kung mabuntis ka?" she whispered, staring at me. Tinitigan ko rin siya at napa-iling ako.

"hindi naman siguro. Ganun agad? Isang beses nga lang eh." Sabi ko. Totoo naman. Isang beses lang naman iyon. Isang beses lang. Chill down Hazel, 'wag kang mag-panic. Hindi iyon mangyayari.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now