Chapter 45: Click!

7.7K 139 4
                                    

Chapter 45: Click!

~*~

*Hazel's POV*

"ahmm..." napa-side ako ng kama. Iba ang amoy dito... parang. I quickly opened my eyes. Nasaan ako? Napa-upo ako kaagad. Black and white... alam ko itong lugar na 'to ah. "Clash?" Nasa condo ako ni Clash. Pero nasaan siya? Hmmm...maybe he got tired of driving kaya dito nalang kami umuwi. Humiga ako ulit.

Papikit na sana ako nang bumukas yung pinto ng cr sa loob ng kwarto. "Hazel?" Hindi ako gumalaw. I pretended to be sleeping. "akala ko gising ka na." tumawa pa siya. I can smell his scent. Bagong ligo ba siya? "haay... sigurado akong narinig ko ang boses mo eh." Medyo gumalaw yung kama. Looks like he sat at the other side of the bed. "Hazel..." sabi niya. I was taken aback when I felt his touch. Inipit niya sa tainga ko ang buhok kong nakatakip sa mukha ko. "hmmm..." teka... inamoy niya?

"pervert." Bulong ko. Nagbounce yung kama. Tumayo na siya. Umupo ako at tinignan ko siya. "may pa-amoy amoy ka pang nalalaman diyan." Sabi ko.

"gising ka na?" nagulat pa siya.

"oo... kanina pa." sabi ko. Tumawa ako saglit. Pero nawala ang tawa ko. I just realized the naka-towel lang siya...He's just covering his... Agad akong napatalikod. Oh that scene! Bakit ba lagi ko yung nakikita?!

"ahahaha!" he laughed. "'wag mo sabihing nahihiya ka pa sa akin?" tumawa pa siya ulit.

"bakit naman ako mahihiya sa'yo?!" sabi ko.

"eh di... aminin mo nalang na gusto mo na rin ako." sabi niya. Heat covered my face. Parang may impact na tumama sa dibdib ko. "oh, totoo ba?" I stiffened when he touched my shoulder. "I heard you calling my name last night." bulong niya.

"calling your name?!" napatingin ako sa kaniya but again, tumalikod ako dahil hindi pa rin siya nagpapalit. Nasaan na yung magical wifebeater niya?!

"oo... you even--- kailangan ko pa bang sabihin na hinalikan mo ako kagabi?"

"ikaw ang humalik! Hindi ako!"

Ooops... I said too much. Bumalik tuloy sa akin lahat ng nangyari kagabi...

~*flashback*~

Nagising ako sa ingay na nasa kwarto. Parang may tumatawa. And to my horror, I found Clash at my side. He's laughing his ass hard. Parang wala nang bukas. "...say my name again, Honey..." Napa-atras ako nang ma-amoy ko ang bibig niya. He's drunk and it's enough to explain what's happening right now. "please... say it..." sabi niya.

"Clash... lasing ka?" tanong ko. And with enough force, I pulled him to stand up. Ilalabas ko dapat siya ng kwarto because I can't stand sleeping with a drunk man like him. Pero nang nakatayo na kaming dalawa bigla niya akong hinila pahiga ng kama. He's at the bottom and I was on top of him. Oh yeah, the awkwardness. "Clash! Bitawan mo ako! Inaantok na ako eh." Sabi ko.

"say my name... tinakot mo ako kanina kaya sabihin mo ang pangalan ko." Sabi niya.

"ilang beses ko nang sinabi. Okay? Clash... Clash... Clash..."

"no... not that one. That's not the one I want to hear..." His voice was too slurred to understand. Lasing na talaga.

"eh ano? Clash Hernandez? Ganoon?"

"nope... the one... the heat inducing voice you used while sleeping."

"ano?!!" nabigla ako sa 'heat inducing voice' niya. What the heck is he talking about?! "ako inaantok na talaga ako kaya bitawan mo na ako at..."

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now