Chapter 21: Smile

11K 169 2
                                    

Chapter 21: Smile

~*~

*Hazel's POV*

Sa wakas! Lahat ng nararamdaman ko kanina, alam ko na ang dahilan noon. Gutom. Kasi pagkatapos akong busugin ni Clash ay naging okay na ang lahat. Hindi naman ako sobrang gutom pero solve na solve na ako dahil okay na ang pakiramdam ko.

"kakain ka pa ba?" tanong ko sa kaniya. Tapos na yung plato ko. It's all clean and shiny!

Napalunok siya. "ang bagsik mo kumain ha." Nag-pout ako. "sige sige, sa'yo na." inusog niya yung mga platong wala nang laman at inilagay sa harap ko yung plato niya na hindi naman niya ginalaw, nanonood lang siya sa akin eh. "bon appetit." Napangisi ako bago kumain.

Nasa mall kami ngayon malapit lang sa resort. Ngayon ko lang nalaman na may mall pala dito at nalaman ko iyon dahil kay Clash. And oh my goodness gracious, maraming salamat sa kaniya at binubusog niya ako! "I'm done!" ngumiti ako sa kaniya nang matapos na akong kumain.

Napakamot siya sa batok. "buti naman."

"Clash."

"oh?" he gave me that bored look.

"m-magre-restroom lang ako."

"bilisan mo." Tumango ako at naglakad na papunta sa restroom.

Pagkapasok ko sa loob, may nakita akong babaeng pumasok ng isang cubicle, nakita ko yung half ng mukha niya. Hayaan na nga... Humarap na ako sa salamin. "yuck, ang dumi ng lips ko. Baby naman, bakit 'di mo sinabi sa akin na marungis na ako?" napa-tanga ako sa salamin, I grabbed some tissue and cleaned my face.

"Hello?" I stopped. May nagsasalita. "Yes it's me." Napalingon ako doon sa cubicle na pinasukan nung babae kanina. "confirmed... Oo... nakakuha na rin ako ng mga litrato." I faced the mirror again. Is that a paparazzi? Hmmm... imagination ko nanaman. "ibibigay ko na lang sa media?" Napaangat ako ng ulo. Media? "okay... let's meet at the port okay? Okay... bye."

Bumukas na yung cubicle. May lumabas na babaeng naka-jersey jacket na mukhang tomboy. Pero... tomboy ba siya o lalaki talaga siya? Eh kung lalaki siya, how dare he to enter a ladies room? Napatitig siya sa akin doon sa mirror. Nilingon ko siya. She clutched something from her back. DSLR cam. Inilayo niya ang tingin sa akin then she hurriedly ran outside.

"is that person a he or she?" napa-tilt ako ng ulo.

Tsk... kung ano-ano naiisip ko.

~*~

"ang tagal mo." Reklamo ni Clash pagkabalik ko sa table namin.

"sorry not sorry." Tinaasan ko na siya ng kilay. Hindi porque nilibre niya ako ng pagkain ay pinapatawad ko na siya.

"let's go." Nauna na siyang maglakad, aba mukhang hindi natinag sa kilay ko ah.

"where are we going?" tanong ko habang kinukuha ang jacket ko na nasa upuan saka ako humabol sa kaniya.

"somewhere." Nauna na siyang lumabas ng resto. Tsk. Gentleman nga naman.

I'm walking behind him, hindi man lang niya ako hinihintay. Napansin ko tuloy na naka-checkered shirt at jeans lang siya. He's also wearing shades na nasa tuktok lang ng black cap niya. May tatak na maliit na 'Clash' in white yung likuran ng sombrero. Naka sneakers din siya. Pero kahit simple lang yung suot niya, hot din naman pala siya eh.

Teka ano raw? Tsk... kung anu-ano na naiisip ko. Shi-nake ko ang ulo ko. "huy." Napalingon ako kay Clash. He's heading to the elevator. "are you going or not?" Tsss... mainit nanaman ulo niya, pasalamat siya pinakain niya ako at nasa mood ako ngayon. Humabol na ako sa kaniya at sumakay na kami ng elevator. "3rd floor." Sabi niya doon sa attendant na sinunod naman ang utos nila. "'wag ka ngang ngumuso diyan."

"ha?" tinignan ko siya.

"oh ayan ka nanaman sa mukhang iyan. 'Wag ka sabi mag-pout eh." Nangunot yung noo ko. "sige ka, 'pag hindi ka tumigil sa mukhang iyan, hahalikan talaga kita." Banta niya.

Nangunot ang noo ko. Nakangisi na si Clash. Napansin kong nagpipigil ng tawa yung attendant. Lumingon ako sa malayo. "bipolar." Bulong ko.

"anong sabi mo?"

"wala." Nagfake-smile ako sa kaniya. Pasalamat talaga siya nasa mood ako ngayon.

~*~

Tumigil kami sa harap ng isang shop. Well, a shop-to-be. Sarado pa iyon, may nakaharang na malaking tarpaulin, hindi kita ang laman sa loob. Halata namang construction pa ang nasa loob eh.

"what are we doing here?" tanong ko kay Clash.

"my dad said something about this shop." Ipinasok niya sa loob ng bulsa ang mga kamay niya. "nakapunta na kasi kami dito last time."

"so?"

"it will be a shop selling dresses and things needed for infants."

"eh?"

Tinignan niya ako. "anong 'eh'? Tsk...kapag malapit ka nang manganak, gusto ko, sabay tayong bumili ng mga damit at mga gamit niya."

Totoo ba 'tong naririnig ko? He's actually considering that? Si Clash? Na bipolar?! Naiisip na bilhan ng gamit ang anak namin? Natigil ako. Anak namin. I actually said-in my mind-na anak namin itong dala ko.

"'lika na..." Naglakad na siya pabalik sa elevator.

Naramdaman kong kumunot ang noo ko. "damit? Baby Shop?" Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang mga sinabi niya. I think I should go ride Titanic to actually make these things easier for me to sink in.

"HAZEL! Ano ba?!"

"ah oo..." sumunod na ako sa kaniya sa elevator. Bigla nalang akong napangiti. Pakiramdam ko napapalibutan na ako ng goodvibes. Ano kayang nakain ni Clash at ang bait niya ngayon? Haha bipolar nga talaga siya!

"ngayon naman nakangiti ka." Tinignan ko si Clash, lalo tuloy lumaki ang ngisi ko. Wala eh, I just can't stop the smile from creeping its way out of my mouth. "ano nanamang mukha iyan?! Tsk."

Bipolar ka talaga. Pero kahit ganoon... Hindi ko pa rin akalain na mapapangiti ako dahil sa'yo...

~***~

Hihi.

Hazel on the multimedia haha.

Thanks for reading, vote and comment :)

God bless readers.

Sunny @i_am_42



A Shotgun Marriage [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora