Chapter 14: The Third Shotgun

13.6K 215 6
                                    

Chapter 14: The Third Shotgun

~*~

*Clash's POV*

"tsk." Napakamot ako ng ulo. Nasa backdoor ako ng clubhouse, naninigarilyo. Minsan ko lang naman ito ginagawa, kapag wala akong magawa, kapag namomroblema ako.

"oy." Napalingon ako kay Drew, nakatayo siya sa doorframe habang may dalang baso ng beer. Ako naman, naka-upo sa bench sa gilid ng backdoor. Tumango lang ako sa kaniya at tinignan ko lang ulit yung mga bituin sa langit. Gabi na pero nakasampay parin sa alambre yung mga damit naming naiiwan namin dito pero hindi, hindi kami ang naglaba niyan. Yung maid ni France ang naglaba ng mga iyan. "may problema ka ata? Naninigarilyo ka ulit eh." Sabi niya.

"nagalit si Denee sa akin." Sabi ko sabay inilabas ko lahat ng usok sa baga ko. Nagalit siya kasi ang duwag ko raw. Pati siya, hindi niya ako naintindihan.

"oh bakit naman? Sunud-sunuran ka kay Ate Denee, hindi ba?" sabi niya sabay tungga sa hawak na baso.

"tsk...may nangyari kasi tol." Napakamot nanaman ako sa magulo kong buhok.

"oh? Ano naman?"

"nakabuntis ako." Bulong lang yung sagot ko pero dahil tahimik sa paligid, narinig niya pa rin.

Nabuga niya tuloy ang iniinom na alak. "HUWAT?! Tangina! Totoo?!" mura niya. Hindi na ako sumagot, tumango nalang ako. "alam ba nila Erpats iyan?" tanong niya. Erpats, tatay ko iyon, erpats lang ang tawag nila, ewan ko bakit.

"malamang hindi! Eh di patay na sana ako ngayon." sabi ko. Sabay itinapon ko ang buong sigarilyo sa basurahan. Totoo iyon. Mamamatay ako dahil sa kawalan ko ng responsibilidad sa mga ginagawa ko. I admit it, I'm so much of an asshole. Ewan ko, ganito na ako. Pero, sinubukan ko naman hindi ba? 'duwag ka rin pala!', narinig ko pa sa isip ko ang sigaw ni Ate Denee kanina noong bumalik ako sa kanila at sinabi ang nangyari. Nagalit siya. Tsk. Bahala na nga.

"tsk... gagawa ka nalang hindi ka pa mag-iingat. Eh anong plano mo niyan?" Tinapik ko siya sa balikat at iginilid ko ang balikat niya. Ang laki-laking tao eh haharang-harang sa pinto. Sinalubong ako ng aircon pagkapasok sa loob.

"'na pare, ano na plano mo?" tanong niya ulit.

"bahala na. Hindi naman siguro nila malalaman." Humiga ako sa couch. Oo, mukhang wala namang plano si Hazel na sabihin sa kanila eh. Kasi kung may plano siya, eh di dapat sinampal na niya ako kahapon sa inis niya. Hinintay ko iyon para magtanong sila kung bakit niya ginawa, para masabi ko na. Pero hindi eh, hindi niya ginawa. Ni hindi nga sila nagtanong tungkol sa bulungan namin. Haay bahala na talaga! "sila Taba at France?"

"nasa 7eleven, bumili ata ng chibog." Sabi ni Drew. Chibog, erpats. Anong bokab meron itong si Drew? Mayaman naman itong kumag na ito eh. Matalino tulad ko. Matangkad lang siya ng kaunti sa akin, gwapo naman pero parang kanto kung magsalita.

"AAAAAAAH!" muntik na akong mahulog sa couch nang may mga sumigaw sa front door ng club. Parang sigaw ng mga binabae.

"BUKSAN NIYO ITO!!!" sigaw ni Taba.

"lasing na ata." Tumawa pa si Drew. Siya na ang nagbukas ng pinto. Nagsisisigaw pa rin yung dalawa pagkapasok sa loob.

"gago ka talaga Clash! Lumabas ka doon dali!" sigaw ni France sa akin at hinila niya yung braso ko.

"teka, bakit?" tinanggal ko ang kamay niya.

"yung si Chief... nasa labas." Sabi niya.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora