Chapter 16: June 8th

15.2K 230 5
                                    

Chapter 16: June 8th

~*~

*Clash's POV*

"what's this?" tanong ni Dad nang iabot ko ang ultrasound picture ni Hazel.

"ultrasound." Bulong ko. Nandito pa rin kami sa loob ng clinic niya, kami lang dalawa. Napakalma na si Tito Rom kanina noong nahimatay si Claire and ito, pina-iwan ako para kausapin ni Dad.

"ultrasound?" tinitigan ako ni Daddy. Umiling siya. "so irresponsible, Clash!" sigaw niya. "you're so irresponsible! Aarrgh!! Why do this things kept on happening to us?!!" sinabunutan na niya ang sarili.

"kaya nga pakakasalan na siya para maging responsable eh." Sagot ko. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari. Wala na akong gana pang ayusin ang sarili ko.

"right, and now your going to marry her to cover up everything." Tinaas niya ang dalawang braso, nanlalaki ang mga mata. "son, all I want for you is to marry the person you loved the most. Not because of this!" tinapon niya sa table ang picture.

Tinitigan ko siya at kinuha ko ang picture. Inayos ko ang pagkakalukot noon dahil sa galit niya. Anak ko ito, nandito na ito. It's nto like I can turn everything around. "hindi naman ganoon kahirap magmahal ng isang babae Dad eh."

"sabi mo lang iyan." Huminga ng malalim si Dad, na parang napagdaanan na niya ang sinabi ko. "wala na tayong magagawa, nandiyan na iyan. So ano? What's your plan?"

"I'll marry her if that's wht's right. Ayoko nang... matawag na duwag."

~*~

*Hazel's POV*

Napasandal ako sa pinto. I hate eavesdropping but I just can't help myself to listen. He'll marry me daw but it means he will sacrifice his whole life with ME and me, living my whole life with HIM.

"Hazel?" Napalingon ako sa nagsalita, si Kuya.

Lumapit ako sa kaniya at hinug siya. "Kuya."

Ginulo niya ang buhok ko. "though I hate that man for you, there's no way I can stop Dad's plan. You need to marry him. For the child." Tinignan ako ni Kuya. "isipin mo nalang na... unlike the other children, your child will have a father. Responsibilidad niyo siya, at alam ko namang kaya niyo eh. Ikaw pa." Napangiti nalang ako at umiling. I don't know if I'm even qualified to be a mother.

Bumukas bigla ang pinto at lumabas si Tito Armann. "Hazel?" he smiled at me.

"hi Tito Armann. I-I'm sorry po sa mga nagawa ni Dad kanina. I-I didn't know that he can do that. Nakita pa po siya ni Claire---"

"stop, Hazel. It's okay. Clash had already explained everything. I'm sorry. I wasn't informed that you're... pregnant. Pero 'wag kayong mag-alala, apo ko parin iyan, tutulungan namin kayo." He tapped my shoulder. Napaka-gentleman talaga ni Tito Armann. No wonder na marami ang nagkakagusto sa kaniya kahit may asawa na siya.

Ngumiti nalang ako sa kaniya. I don't know what to say. Nag-iisip na ako ng sasabihin nang lumabas ng office si Clash. Ang amo ng mukha niya. Halatang napagsabihan. Parang bata lang. Iiwas ba ako? Aalis na sana ako kaso nagsalita pa siya.

"Zel... I'm sorry." Bulong niya, napaharap naman ako. "sorry kung naging ganoon ako sa iyo." Napayuko siya at sinilip niya ako. "pero, babawi ako, promise. Magiging responsable na ako. Hindi na ako... maduduwag."

I felt something inside me, parang gumulong yung tiyan ko. Pero hindi ako nasusuka. Naramdaman ko ang smile sa labi ko. "ayos na ako. Okay na iyon." Sabi ko then I left them there. Okay lang talaga.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now