Chapter 34: Please?

8.3K 150 1
                                    

Chapter 34: Please?

~*~

*Hazel's POV*

"sorry hindi kita kaagad nahabol kanina. Tumawag kasi si Manang Yol. Marami nga daw taong hinahanap tayo. Naglakad ka pa tuloy." Tumango nalang ako sa sinabi ni Clash. "sorry rin... kung naging ganoon ako kanina... hindi ko naman gusto iyon. Sumunod-sunod lang yung inis ko." Tumango ako. "sorry rin... kung hindi tayo makakapagpa-check-up ngayon, malakas na yung ulan eh." Tumango ako. "sorry rin. Kasi na-stuck tayo dito dahil sa malakas na ulan." Tumango ako.

Silence... Okay... now he's saying sorry... It's already fine with me... pero hindi ako makasagot. Gusto ko munang manahimik. Masakit kasi yung puson ko. Grabe. As in.

"ayos ka lang?" tanong niya. Tumango ako. "may masakit ba?" I didn't replied. "magsalita ka nga!" I noticed he's getting a little agitated with my silence. "nagugutom ka na ba?" This time tinignan ko na siya. Tapos ngumiti nalang ako. Or more of a ngiwi. "anong nagyayari sa'yo?" tanong niya. Umiling nalang ako. "masakit ba yung tiyan mo? Kailangan ba kitang dalhin sa..."

"'wag... na. Normal... lang 'to."Bulong ko.

"n-normal lang?" Tumango ako. "pasensiya na... hindi kita---"

"ayos lang Clash. A-ayos lang talaga." He started to be quiet after that. Ilang minuto din kaming tahimik. Ang sunod-sunod lang na patak ng ulan ang maririnig at ang pag-galaw ng wiper ng sasakyan ni Clash. The rain is also starting to subside, pati ang sakit sa puson ko ay nawawala na rin. "hindi na malakas yung ulan, medyo clear na rin yung daan. Maybe we can go home now." Sabi ko kay Clash.

Tumango naman siya. He started the engine and we drove home.

~*~

"Diyos ko! Buti hindi kayo umuwi kaagad!" sigaw ni Manang pagkauwi namin. "ang daming tao diyan sa labas kanina. Buti wala na sila ngayon."

"salamat po, Manang Yol. Buti nalang sinabi niyo na nandito sila." Sabi ni Clash.

"hay naku, wala iyon. Oh siya, kumain na kayo." Pabalik na sana sa kusina si Manang nang bigla niya akong nilingon. Nanlaki yung mga mata niya. "aba, namumutla ka."

"ho?" napatingin naman si Clash sa akin. "teka, oo nga. Ayos ka lang ba?"

"oo, ayos lang naman ako. Medyo nagugutom lang." sabi ko.

"naku naku... magpahinga ka na agad pagkatapos mong kumain ha? Delikado iyang nagpapagod ka. Sige na, tatawagin ko nalang kayo kapag maayos na ang mesa." Tumuloy na si Manang sa kusina.

Hindi pa rin nawawala yung tingin ni Clash sa akin. Alalang-alala ba talaga siya? "ayos ka lang ba talaga? Dadalhin na muna kita kina Dad---"

"'wag na Clash. I'm fine, thanks." Sabi ko at naglakad na ako but I was stopped midway when he suddenly grabbed my arm.

Nagulat nalang ako nang makita ko ang sarili ko na nakapaloob sa yaka niya. "Hazel..." Nanigas ako sa pagkakayakap niya. Si Clash na bipolar niyayakap ako?! "... sabihin mo lang kung 'di ka okay, dadalhin kita kay Dad..." hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap ako sa kaniya.

"n-nagugutom lang ako. Promise." Bulong ko. Tinitigan niya ako, parang ayaw niyang maniwala. His eyes, searching my soul. *dug*dug*dug*dug* Napa-hinga ako ng malalim. Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko.

"oh, ayos ka lang?!! May masakit ba?!" bahagya niya akong inilayo. Mahigpit na ang hawak niya sa balikat ko.

Binitawan ko siya. Medyo nabigla pa ako kasi parang harsh ang pagkakatulak ko. "ayos lang kasi ako. Pinapalala mo lang eh." Bulong ko.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now