Chapter 56: Lost

7.9K 142 10
                                    

Chapter 56: Lost

~*~

*Hazel's POV*

"Hazel..."

"Hazel... please wake up now, Princess."

"anak... wake up. Sweetheart."

I'm numb. I can't feel anything pero lahat naririnig ko. I can hear the voice of Mom and Kuya Roro. Tinatawag nila ako. Asking for me to wake up pero hindi ko alam kung paano. Madilim dito sa kinatatayuan ko. Walang pwedeng puntahan. Hindi rin ako makagalaw.

"Hazel." Napalingon ako doon sa nag-iisang boses na iyon. "... bumalik ka na... parang awa mo na."

"Clash?!" sigaw ko. But no voice came out of my mouth. Something's preventing me from speaking like something is covering my mouth.

"Hazel..." Muli akong lumingon.

"Clash... nasaan ka?!" sigaw ko ulit pero katulad kanina ay walang boses na lumabas sa bibig ko. Sinubukan kong tumakbo pero kahit anong gawin ko ay nasa iisang lugar pa rin ako nakatayo. "nasaan ako?" I asked myself, my mouth moved but no voice came out. I was about to move again when a sharp pain shot through my stomach. Napawak ako sa tiyan ko and I curled down like a ball. Nang mawala ang sakit ay tumayo na ako ulit. I looked down at hands, at nakakita ako ng dugo. "ang anak natin..." napa-angat ako sa boses. Nagulat na lang ako na may nakatayo nang babae sa harapan ko. Sandali... A-ako? Kaharap ko ang sarili ko? I looked down at her or my hands and the small ball of blood suddenly opened its eyes at napasigaw na lang ako. "...nandito na siya."

And just like a vacuum, my body was washed out of the dark space.

~*~

Madilim pa rin but I can still see objects moving around me. "She's conscious!" may sumigaw sa right side ko. I tried to face the person pero hindi ko maigalaw ang ulo ko. That sudden movement brought shivers to my whole body. And in just a second, I can feel the sting enveloping my arms and legs. I wanted to shout pero hindi ko magawa dahil may tube na nakaharang sa bibig ko na naka-extend hanggang sa loob ng aking lalamunan.

"Ms. Fuentes?" I gazed at the man who entered the room, a tear sliding down my face dahil sa sakit na naramdaman ko. Halatang doctor siya. With his white uniform and stetoscope, he held a clipboard infront of his chest, si Dr. Cano, a close friend of my Dad. Why's he here? 'Di ba nasa America siya? Doon siya nagtatrabaho... "Hazel?" lumapit siya sa akin. Dandahan niyang tinanggal ang oxygen tube na nakakabit sa bibig ko. Sinubukan kong lumunok pero parang dehydrated ako. "do you recognize me?"

"Dr. Cano." Sagot ko. I flinch after speaking. Parang sirang radio ang tunog ng boses ko. "what... what happened?" Napatingin ako sa katawan kong nakatakip ng kumot.

"na-aksidente ka."

"ako?" I mouthed. Hindi ko na mahanap ang boses ko.

"you were hit by a truck a month ago." He explained softly. Napatitig ako sa kawalan. Isang buwan na akong nakahiga dito? "you had a miscarriage."

Isang buwan. Miscarriage. Isang buwan. Naaksidente ako? "si Clash?"

"your family is outside." Sabi niya na parang hindi niya ako narinig. "sila na ang bahalang kumausap sa iyo, Hazel. You need to re---"

"si Clash?!" sigaw ko. I tried to get up pero parang ang bigat ng katawan ko.

"Ms. Fuentes? Calm down..."

"I am not Ms. Fuentes! I need to see my husband now! I need to... I need to..." hindi na ako makahinga. Tumulo na ang mga luha ko. Biglang sumakit ang buo kong katawan. Naalala ko na naman... yung sa condo niya... ang pagtakbo ko... nabangga ako... ang panaginip ko... si Clash... hindi... hindi pwede!

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora