Chapter 35: Mind over Matter

7.9K 147 1
                                    

Chapter 35: Mind over Matter

~*~

*Clash's POV*

"natatakot ako... please?"

Hindi ko alam kung bakit ako ngumiti noong sinabi niya iyon. 'Di ba nga dapat mag-alala na ako at nagkakaganiyan siya? Tsk. Umupo na ako ulit sa tabi niya pero nagtaka ako nang bigla siyang humiga at umurong siya sa isang dulo ng kama.

"dito ka na... inaantok pa ako eh." Sabi niya. Kung alam niya lang na inaantok na ako pero hindi pa rin ako makatulog... "Clash..."

"dito ako? Sa tabi mo?"

Kinuha niya yung isang unan at nilagay iyon sa gitna. "is that okay?"

"eh di parang wala lang din." Tinanggal ko yung unan at humiga na ako sa tabi niya. "ano bang napanaginipan mo at natatakot ka pa?" kinumutan ko ang sarili ko.

"y-yung... basta. Hayaan mo na iyon."

"tsk... bahala ka nga." Pumikit na ako. Nakahiga lang kami sa kama pero nararamdaman kong malaki ang space sa gitna namin. Kaya nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin. Napabukas naman ako ng mata. Niyakap niya pala ako.

Tsk. Kailangan ko pa bang sabihin na lalaki ako? Na kahit anong mangyari, lalaki pa rin ako? Na babae siya at lalaki ako? Na lalaki ako at babae siya? Kilala naman niya ako 'di ba? Alam naman siguro niya iyon... Pero bakit kailangan ganito pa ang pwesto niya? Nararamdaman ko yung dibdib niya sa katawan ko. Putsa... Mind over matter... bulong ko. Clash, mind over matter. Control... control...

Napa-iling ako bigla...may bigla tuloy akong naalala...


~*flashback*~

Kakatapos lang namin kumain ng almusal noon, bago niya tinulungan si Hazel sa kusina, lumapit muna siya sa akin habang mag-isa ako sa salas.

"ingatan mo yung kapatid ko ha." Nabigla pa ako nang magsalita si Roro. Siempre, sino bang hindi mabibigla 'di ba?! Parang medyo galit kasi yung boses niya.

"ah... oo naman." Plano ko sanang daanan nalang siya... ang kaso bigla niyang hinila yung braso ko. Napatigil tuloy ako sa paglakad. Mukhang may sasabihin siya sa akin. Tsk.

"'wag na 'wag mong sasaktan ang kapatid ko ha. Mentally and physically. Kung hindi, kukunin ko siya kaagad sa'yo."

"bakit ko naman siya sasaktan?" bakit ko nga ba? Eh babae lang naman siya... mabait, kaya bakit ko siya sasaktan? At saka akala ko ba okay na kami? Tsk. Akala ko pinagkakatiwalaan na niya ako. Eh iniwan na nga niya si Hazel sa pangangalaga ko noong nasa isla kami... ano nang nangyari doon?

"kilala kita Clash..." sabi niya. Kung alam mo lang na mas kilala kita. "kilala ka ng pamilya namin."

"ano bang gusto mong sabihin?" tanong ko.

"don't touch my sister. Or else ako na rin mismo ang babaril sa'yo."

~*end of flashback*~

Tsk. Dapat 'di ko na tinanggal yung unan kanina. Hindi ko na napigilang yakapin din siya nang higpitan niya yung yakap. Wala na akong paki sa sinabi ni Roro... ano bang alam niya sa nararamdaman ko? At saka wala naman siya dito eh. Tsk!!

"hmmm..." hinigpitan niya pa ang hug. Pwede pala iyon? May mas hihigpit pa pala sa yakap niya noh? Hmm...Tama ba? Cuddler ba yung tawag doon? Cuddler ba ako? "baby..." Nanigas ako nang bigla siyang nagsalita. Shit nagising ko ata siya... "baby..."

Sinilip ko yung mata niya pero tulog naman pala siya. Naramdaman ko yung daliri siya sa tagiliran ko. Ano ba iyan, nakikiliti ako. Napakagat-labi nalang ako. Mind over matter, Clash... mind over matter. "C-clash..." Tuluyan na akong nanigas nang marinig ko yung sinabi niya. "Clash..." Pero sumunod niyang sinabi, natawa na ako. "baby... papa..." Papa? Anak ng paa naman. Napapanaginipan niya ba ako at yung bata? Ano ba iyan... "Papa Clash..."

Natigilan ako sa sinabi niya. Pero bigla nalang akong natawa! "Ahahah!"

"hmmrm..." bigla siyang bumitaw sa akin at humarap siya sa kabilang side ng kama.

"Papa Clash?! Nagbibiro ba siya?! Tsk..." napa-iling nalang ako. Mukhang 'di na talaga ako makakatulog dahil sa kaniya.

~*~

"Clash?"

"hmmmrm... istorbo."

"Clash..."

"hrmmm...natutulog pa ako."

"Clash..."

Istorbo 'to ah! Nakita naman siguro niya na natutulog ako 'di ba? Haistsk. Niyakap ko nalang yung unan para hindi na niya ako istorbohin.

"ARAY! Naiipit na ako!!"

Teka... yung unan ba yung sumigaw?

"C-clash... n-naiipit na ako..."

Dandahan kong binuka yung mga mata ko. Maputi yung unan. May buhok. May mga mata na nakatingin sa akin... Si Hazel! Agad akong lumayo mula sa pwesto ko at nabitawan ko siya. "aray, masakit iyon ah." Umupo siya ng kama habang hinihimas ang braso niyang tinulak ko.

"s-sorry. K-kasi... ano..." napakamot ako sa batok. Bakit ba kasi yakap ko siya kanina?! Ano ba iyan...

"okay lang." tumayo na siya. Kinuha niya yung ipit na nasa bedside table at tinali niya ang buhok. Bakit... bakit kahit anong anggulo ng mukha niya... kahit medyo magulo yung buhok niya... kahit bagong gising siya... kahit may tuyong laway siya sa gilid ng bibig niya... ang ganda niya pa rin? "salamat nga pala." Tinignan niya ako at ngumiti siya, mukhang hindi niya alam na may tuyong laway siya.

"p-para saan?"

"kasi... sinamahan mo akong matulog." Napakamot siya sa buhok. "...for the first time..." narinig kong bulong niya.

"ano iyon?" tanong ko kasi hindi ko narinig yung binulong niya.

"h-ha?!" nanlaki yung mga mata niya pero ngumiti nalang siya ulit. Ang weird naman nito. "wala hayaan mo na... lika na, nagugutom na ako." Lalabas na sana ako pero bigla siyang humawak sa braso ko at hinila ako palabas. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya...

At ako, oo tuwang-tuwa rin ako.

~***~

Si Clash nasa multimedia.

Hehe thanks for reading!

Don't forget to vote and comment :)

To God be the glory.

Sunny @i_am_42



A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now