Chapter 44: Siopao

6.7K 120 1
                                    

Chapter44: Siopao

~*~

*Clash's POV*

"I'm so sorry." Hinimas ko ang balikat niya. Bakit ba kasi napaka-proud ko kanina? Tsk. Hinimas ko lang ulit yung balikat niya. Kanina pa siya umiiyak. Hindi maganda sa kaniya pero mas hindi maganda kung hindi niya ilalabas yung nararamdaman niya.

"ang sakit... I worked hard for them... then they will do this to me?" umiiyak niyang sinabi.

"sorry talaga."

Kinausap kami ng head manager nila Hazel at Zinnia. Na-breach niya ang kontrata kaya hindi na raw effective iyon. At kailangan niya pang magbayad ng fee dahil sa pagtatago niya ng sikreto. Pwede pa siyang makulong pero naki-usap na lang kami. Mabuti nalang at agad naming nabayaran ang fee ni Hazel. Iyon nga lang, nawala na ang trabaho niya dahil sa akin. Yes, nalaman na ng kumpanya nila na kasal na siya. Pati pregnancy niya ay nalaman nila. Ganoon ba talaga kasama yung pagpapakasal ko sa kaniya?

"what the hell did I do to her?! Bakit kailangan niya pang gawin iyon?" bulong ni Hazel. Talagang gusto ko nang patayin yung Zinnia na iyon kanina eh. Isang whore ang bibig niya... putspa. Narinig niya pala kaming nag-uusap sa gazebo ng palace. "let's drink." Tumayo siya bigla. Nakasandal kasi kami dito sa hood ng kotse ko.

"oh sige..." tumayo na rin ako pero napatigil ako bigla... "teka... ano?"

"uminom tayo."

"buntis ka. Nakalimutan mo?" tanong ko.

"eh kasi naman eh!" umiyak siya ulit. "I've been working hard for all these years! Lahat ibinigay ko para maging model ako... I even left my family to study in modelling college. Namimiss ko na sila pero ginawa ko iyon para mahabol ko ang pangarap ko... pero... breach of contract? What the hell...you know how I love that job right?" tinignan niya ako. "but it so damn hate me!"

Niyakap ko na siya. Bakit ba ang sakit kapag nakikita ko siyang umiyak? Ha? Gets niyo ba? Tsk. "tahan na... iiyak din si Baby Pao bahala ka."

"ha?" Napatingin siya sa akin.

"Baby Pao." Ngumiti ako.

Pinunasan niya ang luha niya. "anong Baby Pao? Ang baduy."

"halika, kumain tayo ng siopao." Hinila ko siya. Nakakita ako ng Siopao House sa harapan namin kaya naisipan ko nalang na pakainin siya para kahit papaano madistract siya.

"dalawang order nga ng siopao, asado. Tapos dalawang orange juice, tatlong can ng beer." Sabi ko pagkapasok na pagkapasok namin sa tindahan. Umupo kami sa pinaka-dulong part ng shop. Tahimik lang siya sa harapan ko hanggang sa dumating na yung mga order namin.

Kinuha niya yung can ng beer pero inagaw ko kaagad. "akin 'to, kainin mo na 'yan." Wala man lang siyang reaksyon. Kinuha niya lang yung siopao at kinain niya iyon. Gusto ko siyang i-comfort... pero hindi ko alam kung paano.

"Clash..."

"oh?" napatigil ako sa pagbukas ng beer nang magsalita siya.

Tinignan niya ako. Ayan na naman iyang mata niya na iyan eh. "minsan ba sa buhay mo naging malungkot ka? Yung iyak ka rin ng iyak?"

Ang lalim naman ng hugot niya pero napa-isip ako sa sinabi niya. "ah... oo naman. Noong namatay si Bleach, yung aso namin ni Ate Denee na shitzu... si Ate Denee. Tsk... atsaka pati noong bumagsak ako."

"bumagsak?"

"college... doctorate... alam mo na."

"aah, then why don't you try again? Pwede mo namang i-make up iyon 'di ba?"

"masaya na ako sa buhay ko. Hindi na kailangan pa maging doctor." Sabi ko. Ngumiti ako sa kaniya pero hindi siya ngumiti. Minsan na nga lang ako ngumiti, hindi niya pa mareply-an?!

"Clash..."

"ano na naman?"

"umuwi na tayo." Sabi niya. Tumango nalang ako. Tumawag pa ako ng waiter para i-pabalot yung mga siopao. Sayang naman 'di ba? Patayo na ako nang magpaalam si Hazel na magsi-cr siya.

~*~

"nagmake-up pa ba siya?" tanong ko, sabay tingin ulit sa relo ng Siopao House. Halos sampung minuto na simula noong umalis siya para mag-cr. May mga ritwal pa ba siyang ginawa at ang tagal niya?

Dumaan pa ang ilang minuto. 'Di na ako mapakali kaya tumayo na ako. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya doon sa cr. Dandahan kong binuksan yung female's cr. Wala naman gaanong tao sa Siopao House kaya malakas ang loob ko na buksan 'to. Nabitawan ko ang dalang supot ng siopao, juice at beer nang makita ko siya.

Naka-upo si Hazel sa sahig ng cr. Kahit nakatakip ang mukha niya ng buhok niya, alam kong siya iyon. "ayos ka lang?!" tumakbo ako at lumapit ako kaagad sa kaniya. Hinawakan ko yung braso niya. Nabigla pa siya pero hindi niya ako tinignan, parang tinakpan niya pa ata yung mukha niya, tinabig niya pa ako. Pinunasan niya kaagad ang mukha at tumayo para maghugas sa sink.

"hoy! Anong nangyari?!" sigaw ko.

"ah... wala iyon." Sabi niya. "nahilo lang ako."

"eh sana naman tinawag mo ako!" sabi ko sa kaniya.

"hayaan mo na." Sabi niya. "umuwi na tayo."

Napakamot na lang ako ng ulo. Nauna na siyang lumabas. Pinulot ko na ulit ang mga nahulog kong binili namin. Noon ako napatingin sa sahig ng cr. May tulo ng dugo. Agad akong lumabas at sinundan ko si Hazel. Nasa kotse na siya. Agad akong sumakay. "ayos ka lang talaga?"

Tumango siya pero hindi niya ako tinignan.

~*~

Nagda-drive na ako ng kotse. Nakatulog na si Hazel sa tabi ko. Tsk. Hindi na muna siguro kami sa bahay, baka sa condo ko muna siya dadalhin, tutal mas malapit iyon sa ospital. Mas malapit sa ospital mas safe. 'Diba? Pagkarating sa condo, binuhat ko nalang siya papuntang kwarto. Inihiga ko na siya sa kama.

"tinakot mo ako." sabi ko sa kaniya. Inayos ko na rin ang buhok niya. Napa-iling ako. Lumabas na muna ako ng kwarto. May beer pa akong binili kanina 'di ba? Iinumin ko muna iyon...

~***~

Hehe thanks for reading!

Don't forget to vote and comment :)

God bless.

Sunny @i_am_42



A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon