Chapter 8: The Parks

15.9K 239 8
                                    

Chapter 8: The Parks

~*~

*Clash's POV*

"army?!" sigaw ni Taba sa telepono. Kausap niya ata si Cassie sa kabilang linya. "bakit naman?!" Nasa clubhouse ulit kami. Ngayon nalang kami ulit nagkita-kita simula nung birthday ko. Paano ba naman kasi, puro busy at ma-chicks 'tong mga ulol na 'to.

"oy, oa ha... parang magmi-military service lang eh mamamatay na." tumawa si France na nasa likuran ko. Parehas kaming naka-upo sa sahig ngayon. Nanonood kasi kami ng porn... joke. Nanonood kami ng movie, may mga pizza at ewan ko, mas masarap manood at mag-chill sa sahig sa mismong harapan ng tv.

"oo nga. Eh kailan ba daw iyan ha?" tanong ko.

"hello Cassie! Kailan ba ang alis mo ha?" tanong ni Taba. Saglit siyang kumagat sa hawak na cloud9 bago biglang lumaki ang mata niya.

"Elmer... ano na?" tanong ni Drew na nasa loob ng mini-bar, kinakain niya ata yung bote ng casuy na binili niya kahapon, ewan ko saan niya galing.

"bukas daw."

Narinig kong may bumuga sa likuran ko at nakaramdam ako ng malamig na bagay sa balat ng likod ko. "shit naman France! Ang baboy mo!" sigaw ko kay France nang malaman kong binuga niya sa likod ko ang iniinom na beer.

"eh grabe naman kasi iyang si Case! Wala man lang sinasabi..." sabi niya habang tumatayo.

"nagulat ka pa." sabi ni Drew. Inabutan niya ako ng light beer at umupo sa tabi ko.

"sige Cassie... kita nalang tayo." Binaba na ni Taba ang telepono. "magkita nalang daw tayo sa airport."

"sino daw kasama niya?" tanong ni France sabay binato niya sa akin ang tuwalya. Tangina. Dikit na dikit sa balat ko yung polo. Tsk. Hindi pa man nga ako nakaka-inom, amoy alak na ako. Walanghiya talaga.

"yung kapatid niyang babae." Umupo siya sa harap ng piano at doon kumain.

"kapatid na babae? Kapatid as in sister?" tanong ni France.

Kapatid na babae nga eh, tanga ka ba France? Gusto ko sanang sabihin kaso baka mag-away kami. Alam ko naman 'tong mga 'to, gago din sila katulad ko.

"oo ata. Mas bata sa kaniya." Sabi ni Taba.

"aah. Okay..." napatango si Drew.

"teka nga 'tol..." tinapik ako ni France. "diba may ate ka?"

"ate? Aah si Denee... pinsan ko iyon." Sumandal ako sa sofa. "tapos si Claire... iyon yung kapatid ko."

"naasan pala si Ate Den noong birthday mo?" tanong ni Taba. "hindi ko kasi napansin si Ate Den... pero si Claire nakita ko."

"ewan ko nga eh. Nawala siya noong nahimatay yung anak ni Mr. Fuentes sa banyo." Sabi ko. Naalala ko pa nung nagtakbuhan yung mga tao sa cr. Sayang di ko tuloy nakita yung anak na babae ni Mr. Fuentes, model daw eh tapos di pa ako nakapanood ng balita. Ang dami-dami naman kasing camera pero hindi man lang nila napicturan yung mga bisita! About pala doon..."ah Taba..."

"oh?" tinignan niya ako.

"yung camera ko nga pala?"

"aah, oo... nandito." Lumakad siya papunta sa drawer ng mini-bar. Kung saan-saan nanaman niya nilagay. Burara talaga. "ito oh." Ibinato niya yung DSLR. Sinalo ni France at inabot naman niya sa akin.

Bubuksan ko na sana yung cam kaso lowbatt pala. "loko ka talaga Taba! pati battery inuubos mo!"

"eh... pinahiram mo sa akin eh... nga pala may mga pictures diyan na gusto kong i-print mo."

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt