Chapter 15: ... or else I'll shoot

12.8K 199 5
                                    

Chapter 15: ...or else I'll shoot

~*~

*Clash's POV*

"are you okay?"

Nasilaw ako sa liwanag na galing sa fluorescent. Pero kahit masilaw, nakita ko pa rin ang mukha niyang mala-anghel. Nananaginip nanaman ata ako.

"hey..." bulong niya.

"Hazel?" teka, totoo ba ito? Nandito siya?! Teka, nasaan ba ako?! Napa-upo ako bigla. "aaargh." Napahawak ako sa ulo ko. Bigla akong nahilo.

"o-oy, okay ka lang?" hinawakan ng maliliit niyang kamay ang balikat ko.

"okay lang." humiga ako ulit.

Medyo natawa siya. "iyon naman pala, then I don't have any reason to look after you." Bigla siyang tumayo at parang aalis na.

"Hazel." Tinawag ko siya kaagad. Wala akong matandaan sa nangyari kagabi at hindi ko alam kung anong lugar ito.

"oh?!" galit niya akong nilingon. Pero kahit galit, ang ganda niya pa rin.

"nasaan ako?"

"have you been in a hospital before?" sarcastic niyang tanong. Pakunwari akong umiling. "wow ha. Then, congratulations, you are in it. So go back to sleep and die." Sabi niya saka tumalikod at umalis. Tinignan ko ang orasan. Five ng umaga? Wow... so dito na ako sa ospital ni Daddy nakatulog. Dandahan akong umupo. Alam kong hungover ito. Na-sobrahan ako kagabi sa beer. Eh ipaubos ba naman ni Chief sa akin ang isang case ng red horse e--

Red horse?

Si Chief.

Ospital ni Dad.

Binantayan ako ni Hazel.

...

"oooh...SHIT! Shit shit shit shit shit!" agad akong tumakbo palabas ng hospital room papunta sa clinic ni Daddy which is at the second floor. Feeling ko nawala na ang hungover ko dahil sa nalamang katotohanan. Patay ako nito sa oras na malaman ni Daddy ang totoo! Walang habas kong binuksan ang pinto ng clinic niya.

And there I go. The worst day ever.

"and he's here." Bulong ni Hazel, mukhang ako lang naman ang naka-rinig. She's annoyed because of me. I knew it.

Nagsmile si Dad sa akin. Nasa far end ng room siya naka-upo, sa pwesto ng table niya. Teka bakit siya naka-smile? Ang akala ko ba alam na niya? "seat here son. May sasabihin daw sila sa atin." Sabi ni Dad habang sumesenyas sa upuang nasa harapan ng table niya.

Para akong asong bahag ang buntot habang naglalakad papunta sa lugar niya. Nakatitig kasi sila sa akin. Hindi lang titig! Iyon bang para kang lilitsunin ng buhay?! Gets niyo iyon? Kahit nanay ni Hazel na ang bait-bait at parang hindi makabasag ng pinggan eh ang sama ng tingin sa akin. "buti buhay ka pa." bulong ni Roro sa akin nang makadaan ako sa kaniya.

'Cool ka lang... Keep Calm and Be Handsome', parang naririnig ko ang boses ni Taba. Ito ang sinasabi niya sa akin kapag kinakabahan ako. At oo, kinakabahan talaga ako. Naka-upo naman ako na humihinga pa. All eyes in me. Buti nalang nagsalita ulit si Dad, sa kaniya na sila tumingin. "so what is it Fuentes Family?" tanong ni Daddy.

"we just want to tell you something about your son and my daughter." sabi ni Tita Yrrina, yung mom ni Hazel.

Gusto kong sumigaw na 'wag sabihin pero hindi ko kaya. 'duwag ka rin pala!' Naririnig ko nanaman si Ate Denee, mukhang tagos sa muscles ko ang sinabi niyang iyon. Nakatingin si Hazel sa akin. Galit siya na parang malungkot. Gets niyo ba? Tsk.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now