Chapter 67: Magic

7.6K 128 3
                                    

Chapter 67: Magic

~*~

*Hazel's POV*

Inaayos na ni Clash yung mga gamit nila ni Lola Maxima. They were actually planning to stay here for a week pero dumating ako kaya mauudlot iyon. "we can still go back, hijo." Sabi ni Lola Maxima pagkapansin niya na malungkot si Clash.

"siyempre, Lola." Tinignan naman ako ni Clash. I smiled at him. I can't still believe how everything turned out to be. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na si Clash sa tabi ko, nagliligpit ng mga gamit nila at nakatitig sa akin. Kinapa ko yung note na iniwan ni Henry. I badly want to read it pero ayoko namang suwayin ang utos niya. "let's go!" sabi ni Clash sabay zip ng bag nila ni Lola Maxima.

Tumayo na kami at dali-daling umalis sa hotelroom na iyon kung saan kami nagkita ulit ni Clash.

~*~

Nagda-drive na si Clash nang tumawag ulit si Daddy. Once again, I didn't answered the call. "bakit hindi mo sagutin?" tanong ni Lola.

Umiling ako. "I don't want to talk through the phone. 'Di lang din po kami magkakaintindihan."

"that's true." Tumango si Lola. I thought I saw something in her eyes. Parang may sasabihin pa siya pero hindi na niya tinuloy.

"dito muna tayo." parang excited na sabi ni Clash sabay drive ng kotse papasok sa medyo ma-punong part sa gilid ng kalsada.

"anong... Clash." Tawag ko sa kaniya. I'm a bit scared, 'di ba, usually sa mga movies, may bad thing na nangyayari lalo na kapag ganitong magubat?

"trust me." Sabi niya.

"I do trust you. Pero why here?" tanong ko.

"basta." Tumatawang bumaba siya ng kotse. Napatingin ako kay Lola Maxima.

"I'll stay here, go and enjoy your time with Clash." Tumango ako at ngumiti sabay labas ng kotse at takbo papunta kay Clash.

Doon ko napansin na nasa may dagat na pala kami. "anong ginagawa natin dito?" tanong ko.

"retake." Sabi niya sabay may nagflash na ilaw sa mukha ko, that's when I realize what he meant. Dala niya pala ang dslr camera niya.

"retake pala ha." Sabi ko at umikot pa ako sa harapan niya. He clicked the cam. He smiled at me at dandahan pa siyang lumapit sa akin. I can feel the heat from the sun, and the heat that comes through his skin. I traced his collarbone with my thumb. Medyo pumayat siya. It was obvious how stressful he had went through. "Clash." Bulong ko.

"hm?" this time, hinawakan niya naman ang jawline ko.

"we can still do this." Sabi ko. "having our own family. We can start anew."

Tumango siya. He reached down in his jeans pocket at may inilabas siya mula doon. "blow."

"bakit?" tanong ko.

"may magic ako sa iyo. Just blow it." Sabi niya, his eyes glinting with excitement.

Hinipan ko ang kamay niyang nasa harapan ko. Dandahan niya iyong binuksan and I just can't contain the happiness I felt when I saw the necklace inside his hand. "nasa iyo pala iyan... I thought I lost it."

Isinuot niya sa akin ang peridot necklace. "natanggal iyan noong... noong na-aksidente ka..." he trailed... at hindi na siya ulit nagsalita.

"ayos ka lang?" tanong ko. Hinawakan ko ang batok niya at pinaglaruan ang ducktail niya. It was soft, parang kung paano niya ako tignan ngayon.

"hindi na ako mas aayos pa." Sabi niya. I can see myself through his beautiful eyes. This is me. The me who is with Clash. The me who is happy, loved and contented. "hindi na ako mas sasaya pa." Sabi niya pa. He pulled me closer to him and kissed me on my forehead. Bolts and bolts of electricity ran through my veins. Nakakapangilabot yung pakiramdam. Nakakagaan ng loob. Nakakasaya ng damdamin. I let my tears drop when suddenly a tear escaped from my forehead. Ngayon ko lang napansin na umiiyak si Clash. I tried to push him para makita ko ang mukha niya pero niyakap niya lang ako ng mas mahigpit.

I can smell his sweet sweaty smell through his hoodie. "Clash." Niyakap ko rin siya. Mula sa likod niya, I entertwined my fingers and nagfocus ako sa singsing na nasa daliri ko. "we can do this. We can fix this. We can continue and live our lives together."

"baka mawala ka ulit sa akin." He said through my hair. "hindi ko kayang mawala ka ulit. 'Di ko na iyon kakayanin."

I smiled really big at lalo pang nagtuloy-tuloy yung luha ko. I can't believe someone would love me this huge. And hindi ko rin ma-explain kung paanong ganito na lang ang nararamdaman ko para sa lalaking ito. "that won't happen again." This time, tinignan ko na siya. A breath escaped my lungs when I saw how red his eyes are. Ako naman ang humawak sa mukha niya. Naku, ang gwapo niya talaga! "hindi na ako papayag na mangyari iyon. We will cross this bridge together, and together we will destroy those barriers and we will build our home together. And our family... we'll live happily... no more barriers... just us."

And now, I pulled him down and kissed him.

~*~

*Clash's POV*

Nakakakaba. Alam niyo naman siguro iyon 'di ba? Ang dami nang nangyari kaya paanong 'di ako kakabahan. Nakakatakot. Totoo pala yung sinabi nila na hindi madaling mawalan ng taong minamahal. Naranasan ko na iyon. At ayoko na yung mangyari ulit. Naramdaman kong humigpit yung hawak ni Hazel sa kamay ko. Napatingin ako sa natutulog niyang mukha. Nakasakay na kami ngayon ng eroplano pabalik ng Manila. Kinakabahan talaga ako pero kasama ko naman siya. Hindi ako dapat kabahan kasi nandito na siya sa tabi ko. Poprotektahan ko siya at hindi na ako papayag na magkahiwalay pa kami. Napangiti ako nang lalo pa siyang sumiksik sa akin. Ang ganda niya talaga. Stressed na siya niyan ha, pero ang ganda niya pa rin. Mahal na mahal ko siya. Medyo natawa ako nung yung iilang strand ng buhok niya ay mahulog sa mukha niya. Nilapit ko siya sa akin at hinawi ko yung buhok niya.

"you are really like your Lolo Arturo, Clash."

Napatingin ako kay Lola. Si Lolo Arturo ang asawa ni Lola Maxima. Namatay siya bago pa ako maipanganak kaya hindi ko siya gaanong kilala. "bakit naman po?"

"look at the two of you. Look at how you love each other. Look at how she changed you." Sabi niya. "Love is magic." Nakangiti lang si Lola at pumikit na siya para matulog.

"magic... parang himala." Sabi ko. Oo nga, parang himala na nagkita pa kami ulit.

Hindi ako naniniwala noon sa tadhana, himala at pag-ibig. Parang ang baduy kaya! Pero ngayon, parang higit pa sa tadhana, himala at pag-ibig ang pinaniniwalaan ko. Kasi nang makilala ko si Hazel, parang buong mundo na ang kalaban ko at sa buong mundong iyon, ipagsisigawan ko na siya lang ang babaeng mahal, minamahal at mamahalin ko.

~***~

Yey haha.



A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now