Chapter 13: The Second Shotgun

13.7K 224 2
                                    

Chapter 13: The Second Shotgun

~*~

*Roro's POV*

Next day came.

Medyo natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yung pag-irap ni Hazel kay Clash kahapon at yung 'masaya' nilang pag-uusap. Ewan ko doon sa kapatid ko, siguro nagagwapuhan lang siya. Kakatapos lang ng shoot niya at siyempre, nandito ako para bantayan siya bilang kuya niya.

"Kuya, let's go na..." she smiled at me. I can't believe my sister is pregnant. Tignan mo lang siya sa photoshoots niya, hindi mo maiisip na buntis siya. She's still in size which helps to cover up her secret.

"sige." Inakbayan ko siya. "aalis na kami!" paalam ko sa mga staff. They waved at us at sumakay na kami sa elevator. Saktong may tumawag kay Hazel.

"hello?" sagot niya. "oh, Dirtbag!" tuwang-tuwa pa siya. Bakit kaya Dirtbag tawagan nila? Hindi naman sila madumi eh. Ang puti-puti nga nila eh. Hayy... mga babae talaga. Lumabas na kami ng elevator at nag-uusap parin sila. Pagdating sa kotse, saka lang binaba ni Hazel ang phone niya. Sumakay na kami at nagdrive na ako. "pupunta daw si Lorryn sa bahay." Sabi niya.

"aah... buti naman. Atleast, hindi ka na mababagot." Sabi ko.

Nagsmile lang siya sa akin. "Kuya, una ka na kaya sa bahay."

"ha?" I stopped since red light naman.

"eh, I want to buy something for me. Maybe a gallon of ice cream?" Sabi niya.

"ha? E-edi samahan nalang kita." Sabi ko.

"you'll wait for me very long." She pouted. "baka iwanan mo ako doon. You're not patient enough to wait, right?"

Ano ba pinag-iisip nito? "grabe ka naman." Green light and I drove again.

"so you'll wait for me? Ikaw na din magdala ng mga bibilhin ko?" sabi niya habang nakangiti. Tumango nalang ako. iyon naman talaga role ko ngayon eh. Basta ba kapatid ko, hindi ko pababayaan.

~*~

"Kuya, anong mas masarap dito?" ipinakita niya sa akin ang isang lalagyanan ng Rocky Road at isang plain vanilla ice cream.

"both." Sabi ko nalang. She placed the two gallons inside our cart. Nakaka apat na ice cream gallon na siya. "maybe you want cones?" iniabot ko ang isang box ng cones at nilagay ko sa cart.

"thanks." She smiled at me.

After a trillion years ay natapos din siya sa pagbili ng sari-saring pagkain. Akala ko ice cream lang bibilhin niya iyon pala marami at siempre mawawala ba ang isang malaking pack ng Milo. Ay mali, 3 packs pala. Bumili din siya ng dosenang itlog. Hayy... hindi ako magtataka kung tataba siya.

Nauna na siyang maglakad papunta sa kotse, dala-dala niya yung isang maliit na ice cream cup at nilalantakan na niya iyon, while I'm here and bringing everything she bought. Kukunin ko na sana sa bulsa ko ang susi ng kotse nang tumunog ang phone ko. "hello?" inilipat ko sa isang kamay ang lahat ng bags.

'hello Hero? Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?!' sigaw ni Mom mula sa kabilang linya.

"aw... Mom, chill. Kalma lang."Muntik ko nang mahulog yung phone sa gulat. Sakit naman sa tainga. Binuksan ko na ang kotse at ipinasok ko muna lahat ng bags sa loob. "sorry Mom, nasa supermarket kasi kami. It's noisy inside." Palusot ko nalang.

'Roro! Umuwi na kayo dali.' I can hear Mom's footsteps from the other line. Tumatakbo ba siya?

"Why Mom? What's wrong?"

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt