Chapter 38: Shock

7.4K 134 3
                                    

Chapter 38: Shock

~*~

*Unknown POV*

Tinitigan ko ang trash can sa loob ng condominium ni Clash. I gave out a grin... sa wakas. Nakabalik din ako dito. Kung hindi niya kasi ginawa iyon, hindi ko na kailangang gawin ito. Kung hindi niya ako sinaktan at ipinagpalit doon sa babaeng iyon, hindi ko naman na dapat ginagawa itong mga bagay na ito.

It's just a matter of exchange right? I tossed the rubber-plastic on the mouth of the can. I'll make sure they will get to see this. Or rather make sure she sees this.

~*~

*Hazel's POV*

I stared at the dream catcher Clash gave me. Tinali ko na iyon sa headboard ng kama. I hope my bad dreams will be gone already. Hindi ko na sana tatanggalin ang pagtitig doon, ang kaso nag-ring naman ang phone ko.

"hello?" I quickly answered my phone.

'Dirtbag!!'

"LORRYN!" I shouted at the voice. "I miss you already, Dirtbag!"

'of course... no one will not miss this Lorryn Park.'

"ahaha... you say so." Humiga ako sa kama. "so, 'musta na?"

'I'm here in my so loved boutique... may mga papers lang na pinapirma si Annie sa akin... pero remove all the stress from college and this, I'm doing fine.'

Oo nga pala, nag-aaral pa rin si Lorryn. Haay, how I miss attending school. "you mean... you and Elmer... doing fine?" tanong ko na lang. Napangiti pa ako upon imagining the two of them.

'ahmm... well... yeah? We're doing fine... the two of us.'

Agad akong napa-upo sa sinabi niya. "wait... are you saying..."

'yes... Dirtbag... it's me and him. And he and me. Kami na! Omona!!' irit niya sa kabilang linya.

<omona (Korean)= oh my gosh!>

"really?" natuwa naman ako sa balita.

'ne...'

<ne (Korean)= yes >

She started to tell me the story how Elmer asked her to be his girlfriend. Ipinasara pa ni Elmer ang buong Diamond Palace at doon sila sa gazebo naging official. She even explained the fact the ilang weeks lang daw silang nagkakilala pero naging super close na raw nilang dalawa.

"oh... I'm so happy for you, Dirtbag." Sabi ko.

'of course! You should be happy for me...' I heard her laugh. I really miss this woman. Isang linggo din kaming 'di nagkausap at ito... sila na pala ni Elmer. Eh di sila na! Ahaha... Hmm... I can't hide the fact of my feelings upon knowing na may boyfriend na si Lorryn. I really felt envious when she told me about doon sa surprise ni Elmer sa kaniya. Napakaswerte niya sa lalaking iyon. Tama nga si Clash...

Ganoon lang... we just talked about random things nang marinig kong may nagdoorbell sa baba. I turned to the window to check kung sino yung dumating. "wait Lorryn... may bisita kami. I'll go check kung sino iyon." Sabi ko.

'okay... I'll just call again later. May costumer din kasi... bye!' Binaba na niya ang call.

Tinignan ko ulit yung mga bisitang papasok ng bahay. Pinagbuksan na pala sila ni Manang Yol. Isang babae at isang bata. I know the little girl is Claire... pero sino yung babaeng kasama niya? Hindi ko makita kasi medyo malayo. Lumabas na ako ng kwarto at pumwesto ako sa gilid ng overlooking. Tsk, I can't see the front door from here. Tumayo nalang ako doon at pinakinggan ko sila.

"Manang Yol." I heard the woman.

"oh, Denee!" masaya yung boses ni Manang. Sandali... I think I already heard that name... Denee? Parang narinig ko nang sinabi ni Clash iyon... ah... tama...

"beh, okay ka na ba?" tanong ni Manang.

"of course Manang Yol! Strong ako eh!" narinig ko ang boses ni Claire.

"hay mabuti naman..."

"si Kuya po nasaan?" tanong ni Claire.

"umalis siya kaninang umaga." Boses ni Manang.

"eh... si Hazel po?" narinig ko yung babae, si Denee. Teka... hinahanap nila ako?

"nasa taas siya. Natutulog pa siguro." Sabi ni Manang.

"ganoon po ba... aakyat po muna kami ni Claire."

"o sige... ipaghahanda ko nalang kayo ng pagkain ha." Narinig ko yung heels ng babae, paakyat na sila.

Hindi ko alam, basta instincts ko na ang nagsabi... I quickly hid myself inside one of the bedrooms. Ah, master's pala ito. I saw Clash's things, scathered all around the room. "ang gulo naman dito..." napakamot ako ng ulo. Lalaki nga talaga siya. May mga picture frames sa isang part ng wall ng kwarto. May mga pictures din sa mga table. Hindi naka-arrange ng maayos. Parang kakalagay lang ng mga pictures sa wall.

Lalapit sana ako para tignan pero narinig ko na binuksan yung pintuan ng kabilang kwarto. I placed my ears at the door.

"Ate Den, hihingi po muna ako ng tubig kay Manang."

"o sige... mag-ingat ka sa hagdan ha humawak ka sa railings... aayusin ko lang yung mga gamit natin."

Narinig kong tumakbo si Claire. Dandahan akong lumabas ng kwarto. I even caught a glimpse of Claire going down the stairs. Napalingon ako sa kwarto ko. Nakabukas ng kaunti yung pinto. I slowly opened the door. I saw her...her back facing me while kneeling infront of the table inside the room. Hawak niya ata yung bracelet na nakatali sa isa sa mga legs ng mesa. Lalapit sana ako kaso bigla siyang umiyak.

"Rem... I missed you."

Rem?

"Ate Hazel... Is that you?"

Biglang tumayo yung babae. Sabay kaming nabigla kay Claire. Napatingin muna ako sa kapatid ni Clash. She's smiling widely at me at saka ko lang tinignan yung babae sa harapan ko. Namumula ang mga mata niya.

"hindi kayo magkakilala diba? Ate Den, siya si Ate Hazel..." sabi ni Claire. "Ate Hazel, siya si Ate Denee..." sabi ni Claire.

I saw how Denee's face changed into shock, na-shock ata siyang nakita ko siyang umiiyak, she immediately wiped her tears with her sleeves. Ako, nagulat rin ako... Kasi napansin kong may kamukha siya... I've seen her face with the pictures... pero ngayon ko lang napansin... though I know it's in the blood pero... Napatingin ulit ako kay Claire.

Hindi kaya...

~***~

Claire in the multimedia.

Hehe thanks for reading! Vote and comment please :)

God bless...

Sunny @i_am_42



A Shotgun Marriage [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt