Chapter 36: Stare

8.1K 134 1
                                    

Chapter 36: Stare

~*~

*Hazel's POV*

Isinara ko na ang pintuan ng cr. I stared at my face in the mirror. "horrible!" halos pasigaw na sabi ko. I really do look horrible. My hair's a mess and oh look! May laway pa ako! Kumain na ako at lahat-lahat pero may laway pa rin ako sa bibig? What the heck?!... Nakakahiya kay Clash.

I stopped midway from wiping my lips. Si Clash... Nahihiya ako kay Clash?

"what the---" I saw how my eyebrows met because of the sudden reaction. Then I remembered what I did earlier before I entered this bathroom...

Nang makita kong palabas na si Clash ng kwarto, kaagad kong hinila yung braso niya at niyakap iyon.

Hindi ko alam kung bakit.

Hinila ko na siya pababa ng hagdan tapos tumatawa pa ako.

Hindi ko alam kung bakit.

Pagkarating sa kusina, nginitian ko siya bago umupo. Hindi naman masama iyon pero...

Hindi ko alam kung bakit.

At noong nagising ako kanina... when I realized I was locked in his hug, natuwa ako. I felt that that is the safest place where I can be.

At hindi ko alam kung bakit.

"for the first time... I felt safe, happy and complete at the same time..."

Napahawak ako sa dibdib ko. Iyan na naman... lagi na lang. Naghilamos ako sa sink at nag-toothbrush na rin.

*knock*knock*

"hmm??" kinatok ko rin just to say na busy ako.

"Hazel?"

*dugudugdugudugdugudug*

Nailuwa ko yung bula sa bibig. Boses ni Clash iyon.

"'wag kang magtagal... marami raw pasyente si doktora..." I heard him saying from the other side of the door.

"o-oo! Maghihilamos lang ako!"

Hindi ko na siya narinig pagkatapos noon. Oo nga pala, magpapa-check-up ako ngayon.

~*~

Nagpark kami sa harap ng isang building malapit lang sa ospital nila Clash. Nasa second floor ng building na iyon ang clinic ni Dra. Villamore, yung ob kung saan ako nagpapa-check up. "uy, lalabas ka pa?" Napalingon ako kay Clash, pinagbuksan pala niya ako ng pinto. Si puso naman lumundag. Tss. He grabbed my arm when I didn't move. Bigla nalang nasa labas na pala ako. "ayaw mo kasing lumabas eh." Naka-kunot noo na naman siya.

Lumabi lang ako. "moment iyon eh."

"ano?"

"wala... Let's go..." I smiled at him then we continued to enter the building.

~*~

Ngumiti si Dra. Villamore sa amin pagkapasok. "hello dear... how are you?"

"w-we're fine doctora..." sagot ko.

Napalingon naman si Doc nang makita niyang pumasok si Clash... "is he..." ngumiti na lang si Doc. "hi there Mr. Hernandez." Tumango lang si Clash at tumingin-tingin sa mga nakadikit na poster. "so, you're eight weeks and six days, Darling?" tanong ni Doc.

"yes doc..." sagot ko.

She smiled and wrote something in one of the papers. Napatingin ako saglit kay Clash. He's staring in one of the poster showing the nine complete months of pregnancy. "how are you feeling right now?" napalingon ako kaagad kay doktora.

"okay naman po..."

She continued to ask me some of her usual questions. And since hindi naman ko naman talaga check-up ngayon, agad kaming natapos. Though she gave me a receipt for some medicines. Alam na raw ito nila Daddy. Tumango nalang ako at kinuha ko na ang reseta.

"lalaki ba, babae?" tanong bigla ni Clash pagkalabas namin ng clinic.

"ha?!"

"babae ba?" tanong niya ulit.

"anong babae?"

"yung baby malamang!"

Napatulala ako sa kaniya. "ang akala ko ba gusto mong maging doctor?"

"... ano namang connect noon sa tanong ko?"

"kasi Clash, mga six months pa bago malaman kung babae o lalaki ba ang baby." I answered him with amazement on my face. Wala ba talaga siyang alam doon?

"six months? Ang tagal naman..." Tinitigan ko pa siya. Kinakamot niya ang ulo niya. Ang cute niya kapag ganiyang ang lalim ng iniisip niya. "oh bakit ka nakatitig?" Umiling nalang ako at sumakay na kami ng elevator.

~*~

Pagkasakay ng kotse, tinitigan ko ulit siya.

"kanina ka pa..."

"ha?" tanong ko upon hearing his annoyed voice.

"kanina mo pa ako tinititigan ng ganiyan..." sabi niya. He's not looking at me. Basta pinaandar niya nalang ang kotse palabas ng parking area.

"galit ka ba?"

"hindi...a-ano... kasi..." I waited for him to continue talking pero naka-abot nalang kami sa highway ay hindi pa rin siya nagsasalita. I just continued staring at him.

"Clash..."

"oh?"

"anong sabi mo?" tanong ko. Itinigil niya ang kotse. Red light pala. "uy Clash..."

Alam kong magsasalita na siya kaso biglang may tumakbong lalaki sa harapan ng kotse namin. Nagbounce pa ng kaunti ang kotse kasi tumalon siya at pa-slide na dumaan sa hood ng kotse ni Clash. Narinig kong nagmura si Clash. Nanlaki naman ang mata ko upon realizing kung sino yung lalaki, at mas lalo pang lumuwa ang mata ko sa babaeng sumunod doon sa lalaking tumatakbo. She may look more mature and prettier but I know she is that person... Umandar na ang kotseng nasa harapan namin nang mag-green light. The girl stopped just infront of our car, hinihingal siya. Her hair bouncing as she continued to run after the guy.

"Ate Denee?" narinig kong bulong ni Clash.

At yung lalaki, no doubt, si Kuya iyon.

~***~

Hehe thanks for reading!

Don't forget to vote and comment.

God bless everyone.

Sunny @i_am_42



A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now