Chapter 11: The Little Picture

14.6K 231 4
                                    

Chapter 11: The Little Picture

~*~

*Clash's POV*

"Denee?" pumasok na ako sa loob ng bahay ni Ate Den, yung pinsan ko.

"Clash... saan ka ba galing?" Sabi ni Denee, nasa second floor siya at buhat niya si Claire. Tulog na yung kapatid ko.

"ah may pinuntahan lang. Sorry pala bigla-bigla ko nalang iniiwan si Claire dito." Sabi ko pagka-akyat at pagkalapit ko sakanila.

"okay lang iyon." Ibinigay niya si Claire sa akin. "oh, ano na? Uuwi na ba kayo?" tanong niya.

"hindi na nalang muna Ate Den. Pwede ba dito muna kami?" tanong ko. Madalas naman kaming mag-stay ni Claire dito kasi si Denee lang naman ang pinaka-kilala namin sa pamilya bukod sa magulang namin at kay Lola. Close na close ko siya. At sa lahat ng pinagdaanan namin, lagi kaming magkasama. Parang riding in tandem na kami kung baga.

"of course. Doon nalang ulit kayo sa playroom." Sabi niya.

"sige Ate... basta ba makatulog na si Claire." Nagsmile ako sa kaniya.

"sige na, matulog ka na rin. Teka, kumain ka na ba?" pababa na siya ng hagdan.

"ah... o-oo..." sabi ko nalang habang naglalakd papuntang playroom.

"ah ganun? Ahahha! Sige na Clash... matulog na kayo. If you want to eat, may pagkain naman sa kusina." Sabi naiya. " sige na, goodnight."

"goodnight din, Ate Den." Sabi ko. Nagsmile lang siya at tumango bago naglakad papunta sa kwarto niyang nasa first floor. Tumuloy na rin ako at pumasok sa playroom. Umupo ako sa carpeted floor ng maliit na kwarto. Tinignan ko si Claire na nasa princess bed sa gilid. Ang cute niya talaga. "kung magkaka-anak ako, gusto ko kamukha mo..." bulong ko.

TEKA HANUDAW?!

Ano ba itong pinagsasabi ko?! Haiissh! Napa-buntung hininga nalang ako pero agad ko ring tinigil. Uminom pa kasi ako bago pumunta dito, naka-aircon ang playroom, baka maamoy pa ni Claire. Humiga ako sa carpeted floor at kinuha ko ang isang rolyo ng twalya na nasa gilid. Malaki namang kaya ginawa kong nalang na unan.

Si Hazel...

Natawa ako sa ginawa ko kanina. Bigla-bigla nalang akong umalis. Nakaka-guilty pero... ewan ko ba. Natakot lang siguro ako. Bahala na... bahala na talaga. "night Claire..." sabi ko nang mapansin kong gising pala siya at nakatitig sa akin.

"night din Kuya Clash..."

~*~

Nagising ako dahil sa gumalaw sa kama. Nakaramdam ako ng saya. Malambot yung kama at malamig sa kwarto pero mas natuwa ako nang makita ko siya sa harapan ko. Nakatalikod siya.

"hey, you woke up already?" narinig ko yung boses ko na parang mag-isang nagsasalita.

"Yeah... It felt good waking up with you." Maganda yung boses niya. Parang hine-hele ako.

Ewan ko kung paano pero mismong instincts ko na ang gumalaw para sa katawan ko. Umupo ako at lumapit sakaniya. Hinug ko siya mula sa likuran niya. Naradaman ko ang malambot niyang balat at napakakinis niyang mukha. "you smelled like strawberry." Sabi ko, at inamoy ko pa ang mabangong buhok niya.

May sinabi siya pero hindi ko maintindihan. At yung mga sumunod na sinabi ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Binuka ko ang mga mata ko. Nasa playroom pa rin ako. Ano ba yung napanaginipan ko? Strawberry lang ang naaalala ko. Tsk... ganito naman lagi eh, hindi ko matandaan ang buong kwento. Nakaka-asar lalo na nakakapagod mag-isip.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now