* E P I L O G U E *

14.9K 231 24
                                    

***E  P  I  L  O  G  U  E***

~*~

*Clash's POV*

Masyadong mabilis ang oras... Sa sobrang bilis parang gusto kong masuka. Speaking of sumusuka... "sumusuka ka na naman? Baka mamaya iba na iyan ha." Napatingala naman si Hazel mula sa basang salamin ng cr namin. Tinitigan niya ako, yung malaking mata. "oh ano na naman?" Humarap na siya sa akin. Nakatali na nga ang buhok niya pero ang gulo-gulo naman. "ano?" Bigla siyang nataranta. Tumakbo ba naman pabalik sa kwarto namin. Nang sumunod ako sa kaniya, nakita kong nakatingin siya doon sa calendar na nakasabit sa cabinet ko. "bakit ba natataranta ka?"

"hindi pwede 'to!" impit niyang sigaw. Lalo niya pang ginulo ang magulo niyang buhok. Natanggal tuloy ang tali. Tsk.

"anong 'di pwede?" tanong ko habang pinupulot ang tali ng buhok niya. Tumakbo naman siya sa drawer niya na nasa left side ng kama. Sumunod naman ako. "bakit ba natataranta ka? Dapat ba pati ako mataranta?" tanong ko. Bigla siyang tumigil sa paghahanap. Or baka nahanap niya yung hinahanap niya. "ano ba iya----"

"tabi!" tinabig niya ako bigla. Tsk, kasalanan ko bang nakatayo ako sa likuran niya? Eh bakit kasi ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko. Sinundan ko naman siya sa banyo ang kaso bago pa ako makapasok, nasarhan na niya ako ng pinto. Nakatayo ako doon, nagtataka. "ano bang problema noon?" Nagegets niyo ba siya? Tsk. Ang hirap niyang spellingin. Naghintay pa ako ng ilan pang minuto. Pakiramdam ko nga, ilang oras na akong nakatayo doon. Gusto kong kumatok ang kaso baka naman magalit siya. Hayaan na nga, kakatok na ako, bahala na siya sa moodswings niy---

"Aaaaah!! BUNTIS AKO!" Iyon yung isa sa pinakahindi ko makakalimutan na nangyari simula noong nakabalik kami sa bahay namin. Nagkagulo kami ng araw na iyon. Nag-away pa nga kami kasi nagtataka ako kung bakit ayaw niya... iyon pala, ayaw niya lang na malaki ang tiyan niya sa kasal namin.

Oo, ikakasal na kami ulit. Ayos ba? Napili naming makasal limang buwan mula ngayon. Ang kaso... kung itutuloy namin ang limang buwan mula ngayon, sa kasal namin, malaki na ang tiyan niya. Ang naisip ko lang na solusyon sa problema niyang iyon ay ang magpakasal kami ng mas maaga.

Memorable ang kasal. Sobra. iyon na ata ang kasal na todo sagad ang saya at kaba ko. As in! Parang punong –puno ng kaba yung dibdib ko na baka hindi siya sumipot. Baka kasi bombahin niya ako 'di ba? Sa mismong kasal... O kaya naman eh baka may mangyari na namang 'di maganda.

Nang pumasok siya sa simbahan noong araw na iyon, akala ko hindi ko kakayanin. May isasaya pa pala ako? Sa sobrang saya ko, naluha ako sa kinatatayuan ko. Tinatawanan pa nga ako ni Taba na katabi ko noon eh.

"oy Clash... wala pa nga, umiiyak ka na." Sabi ni Taba, siyempre siya ang bestman ko. Si Lorryn naman ang maid-of-honor ni Hazel.

"manahimik ka diyan."

Puti ang suot niyang wedding gown. Hindi ko alam kung paano i-describe pero alam kong maganda siya. Naglakad na siya at kahit nakatakip ng belo ang mukha niya, kita ko pa rin na umiiyak siya at parang natatawa. Kasabay niyang maglakad si Papa Romeo at Mama Yrrina. Umiiyak si Mama Yrrina nang ibigay ni Papa ang kamay ni Hazel sa akin. Tumawa lang si Hazel at pinalo niya pa ako.

"ingatan mo ang anak ko." Sabi ni Papa.

Tumango ako. "'wag po kayong mag-alala, Papa. Iingatan at mamahalin ko po siya." Tinignan ko Hazel habang hinahawakan ko ang kamay niya.

"tss." Sabi ni Hazel. Nginitian ko siya. Ang ganda niya talaga! "'wag ka ngang ngumiti. Nakaka-irita ka talaga." Sabi niya habang humihikbi pa.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now