Chapter 31: Rumble

8.6K 156 2
                                    

Chapter 31: Rumble

~*~

*Hazel's POV*

Nagising ako sa ingay na nasa loob ng kwarto ko. Hindi ako kaagad na nakatulog kagabi dahil sa e-mail at text message na narecieve ko. I just convinced myself na chismis lang ang lahat ng iyon at hindi ako pwedeng ma-bother. Wala naman kasi silang alam sa totoong nangyari. Napahikab ako hanggang sa may ingay ulit akong narinig.

"hay naku?! Ang hirap naman nito kunin..." Napa-upo ako upon seeing Mom. Nakatayo siya sa harapan ng wardrobe ko. She's struggling for something at the top of it. Mukhang yung baggage ko ata. Grabe, hindi ko siya kaagad napansin.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "what're you doing Mom?" Napalingon siya sa akin. Oh no... Namamaga yung mga mata niya. "w-what happened?!" napahawak pa ako sa braso niya.

"ah... wala. I-I just forgot to clean the room for a week. Kaya may mga bugs na pala, n-nakagat ako sa mata."

"sa dalawang mata?" a small smile crept its way to my lips as she struggled to make a joke.

"wala silang patawad eh." Tumawa si Mom.

"what happened Mommy?" I asked, suddenly feeling bad for making her cry.

Ngumiti si Mommy sa akin. "you're now married. You understand that, right?"

I nodded at her words but frown because she looked very sad beneath her smiles. "bakit po?"

"you're married now kaya hindi ka na dapat nakikitira pa dito sa amin." Sabi niya.

Pinapalayas na ba ako ni Mommy? "pero saan naman po ako titira?"

"sa bahay niyo ni Clash."

"ha?! P-pero... Mom, ano bang nangyari? Please tell me. Nag-away ba kayo ni Daddy? And wait, speaking of him, hindi ko pa siya nakikita since yesterday. Nasaan po ba siya?" tanong ko.

"he's at the hospital yesterday. Binabantayan niya si Claire."

I know Dad is close to Clash's family but I can't just put a finger on the reason why he's so worried about Claire. Naiintindihan ko naman kasi mabait siyang bata at ang cute niya, to say the part na rin siya ng family dahil kapatid siya ni Clash... pero ewan ko... "okay." Nalang ang na-isagot ko kay Mommy.

"later today ay uuwi na siya dito... that's why I want you to go now..."

Napaatras ako sa sinabi ni Mom. Did I hear her right? "bakit po? Is there a---"

"gising na po ba siya?" Napalingon ako sa pintuan. There stood Clash. Clash and his new hairstyle. He looked clean and bold. Nakasuot siya ng gray sleeveless na may hoodie at naka-jeans lang siya. Ang gwapo niyang tignan. Tss...

"hay naku Clash. Sorry for waiting. Nahirapan kasi akong kunin itong bag niya." Sabi ni Mommy.

Pumasok na si Clash, dinaanan niya ako at lumapit siya kay Mommy. Walang kahirap-hirap niyang kinuha ang bag sa itaas ng closet ko. "ito na po." Inabot niya iyon kay Mommy.

"ngayon na ba ako lilipat s-sa bahay natin?" natanong ko.

Tinignan ako ni Clash at tumango siya. Sabay ngisi. "yes, bakit? Di ka pa ba ready...Honey?"

Nangilabot ako sa sinabi niya. "h-honey ka diyan?!"

"nahiya ka pa." tumawa siya at lumapit sa akin sabay inakbayan niya ako.

"tsk." I just crossed my arms. Naka-sleeveless lang din ako kaya ramdam ko ang skin niya sa balat ko.

"sige na Mama, kami na po ni Honey ang bahala diyan." sabi ni Clash. I just rolled my eyes.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now