Chapter 10: The Meeting

13.9K 220 2
                                    


Chapter 10: The Meeting

~*~

*Clash's POV*

"sure ka diyan ha?" tanong ko kay Lorryn. Nagkita na kami dito sa 7eleven at ang dami na niyang naikwento sa akin. Pinatawagan niya pa nga sa akin si Hazel eh. Hindi ako sigurado... pero si Hazel daw iyon... yung babaeng naikama ko noon.

"of course." Sabi niya.

"'Pag ikaw talaga nagsisinungaling ka! Baka mamaya scam ito ha! Nasa army pa naman si Case... tsk." Umiling ako.

"pinatawag ko na nga sa'yo diba para maniwala ka?!"

"hindi sapat iyon."

Hindi ko matanggap yung sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo. Hindi ko maintindihan. Nakabuntis ako?

BATA PA AKO! Jusko naman! ARGGGGH!

"hindi ito scam Clash... I'm telling you, totoo lahat ng sinabi ko. Gusto ko lang naman na maging maayos na ang lahat sa bestfriend ko at para na rin sa future ng anak niyo."

ANAK KO! "Ha! Shet!" tumayo ako kaagad. Masyado akong pinakakaba nitong Lorryn na ito!

"saan ka pupunta?"

"magpapahangin lang ako sa labas." Sabi ko.

"babalik ka ha! 'Pag ikaw talaga umalis ka!" sigaw niya sa akin.

"oo na! oo na!" sabi ko. Naglakad na ako palabas ng 7eleven. Pakiramdam ko ginogoyo lang ako ng Lorryn na iyon eh. Sa dinarami-rami ng mga babaeng na-ikama ko, bakit ngayon lang ito nangyari? Sus naman palibhasa kasi kinuha ko yung virginity kuno ng bestfriend niya. Bwisit! Ano ba dapat kong gawin pag ganito ha?! Nakakabad trip mag-isip! Ayaw magsink-in sa akin na nakabuntis ako! Arrrgh! Bakit kasi ginalaw ko pa siya? "bwisit!" sinipa ko yung trashcan na nasa gilid ng 7eleven. Natumba iyon at nagkalat ang mga basura sa daan. Buti walang nakakita.

Nakarinig ako ng nag-park na kotse. Lumingon ako at halos matumba ako dahil sa babaeng lumabas ng pulang kotse.

Si Hazel... siya nga.

Tinignan ko yung tiyan niya. Akala ko ba buntis na siya? Eh hindi nga malaki yung tiyan niya eh. Niloloko lang ata ako ng Lorryn na iyon. Napakamot ako ng ulo. Okay. Alam ko... alam ko namang hindi agad malaki ang tiyan ng babae kapag isang buwan or so palang ang tiyan niya pero... ewan... ayokong maniwala.

Naglakad ako hanggang sa nasa harapan na ako ng 7eleven. Mula sa labas, nakita ko siyang kumuha ng ilang pagkain na nasa racks sa loob. Um-order din siya ng ice-cream. Nothing's really unusual with her. She's still simple yet beautiful. Nakasuot siya ng white shirt na may cardigan na black at faded jeans.

Hindi siguro totoo yung sinasabi ni Lorryn na buntis siya. Ginogoyo lang ako noon. Tama, ginogoyo lang ako noon. Nang tapos na siyang magbayad, naglakad na siya papunta sa pinakaloob ng 7eleven.

Pumasok na ako.

"Ah, Sir."

"ha?" napalingon ako sa cashier na babae.

"nahulog po ata noong babae yung panyo niya." Sabi niya sabay turo sa panyong nasa sahig.

Pinulot ko iyon at may nakita akong papel na naka-ipit sa loob. Pero ano ba ito? Hayaan na nga, puro itim lang naman. Parang picture na kinunan sa dilim. Pinasok ko iyon sa bulsa ko. Mamaya ko nalang ibibigay.

"annyeong!"

"annyeong-annyeong ka diyan!" nakarinig ako ng boses doon sa loob. Naglakad ako papasok at nakita naman ako kaagad ni Lorryn pero nakatalikod parin si Hazel sa akin. Ang ganda ng likod niya. Sarap i-hug. Umupo siya sa tabi ni Lorryn tapos kinain niya ang ice-cream.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now