Chapter 49: Smile Now

6.6K 119 3
                                    

Chapter 49: Smile Now

~*~

*Hazel's POV*

"N-nee..."

"Rem..."

Sadness covered my brother's eyes. Halatang nashock siya. Nashock silang dalawa.

"ah... Ate Den---"

"ah sige, maglalaro muna kami ni Claire dito... I guess the two of you needs a talk." Napatingin ako kay Clash. Is he giving my brother and his cousin a time for each other? Magkakilala talaga sila? My conclusions were correct? Lahat ng iyon hindi imagination? Totoo ba ang mga iyon?

Medyo nagtitigan muna silang dalawa. Si Denee ang unang bumitaw sa titig. She patted Claire's head and nodded at Clash. In a minute... nawala na sila sa pwesto namin. "bakit po mag-uusap sina Ate Den at Kuya Hero? Do they know each other?" tanong ni Claire habang naka-kandong siya kay Clash.

"aah... ano. 'Di ba nga kasi, kuya ni Ate Hazel si Hero." Sagot ni Clash.

"then how come they will talk privately?" tanong ni Claire.

Napakamot pa si Clash sa batok. "Gusto lang nila mag-usap." Sabi ni Clash.

"ano bang pag-uusapan nila?" tanong ko. Tinignan ako ni Clash and he slightly shook his head. Ayaw niya munang pag-usapan. I gave him a glare. Lagi nalang silang may tinatago sa akin. Tsk.

"ah Claire... doon ka muna kina Tito Rom, okay? May gagawin lang kami ni Ate Zel mo." Sabi ni Clash habang inaayos yung buhok ni Claire.

"okay Kuya... babalik na lang po ako later. Bye Ate Hazel!" she smiled at me. Medyo nagulat ako nang lumapit si Claire at bumulong siya sa bandang tiyan ko. "bye Baby... babalik din ako ha!" then she ran to the other table kung saan nakapwesto sina Mommy at Daddy.

"they're highschool lovers." Napatingin ako kay Clash. "kabarkada ni Hero sina France, Andrew at Cassie diba?" tanong niya. Tumango naman ako. Is this the story I've been waiting to hear? I really wanted to know kung tama ba lahat ng naiisip ko. Wala naman kasing nagsasabi sa akin. Nalilito tuloy ako. "pero yung lalaking iyon kanina, yung Jefferson, ang totoo at unang naging kaibigan ni Hero." He took a glance at Kuya Jeff's direction.

"how'd you know about that?" tanong ko.

"alam ko lang. Kasi nandoon ako noong mga panahong iyon." Sabi niya. "unlike you..."

"nandoon ka noon? Ha?"

"ahmmm... sa Burnt Ochre's Academy nag-aral si Ate Den. Ako rin doon naka-enrol pero pinili kong sa bahay nalang mag-aral." Sabi niya.

"sa BOA? Alumni si Kuya Roro doon."

"tama. At si Denee, ka-schoolmate niya. Sa pagkakatanda ko, fourth year si Roro at si Denee naman third year highschool. Habang ako, nasa first year highschool pa noon." Sabi niya.

"then?"

Tinitigan ako ni Clash. "wala ka talaga noong mangyari yung mga iyon ano?"

"of course I'm not! Nasa girl's dormitory ako at that time. Sa ibang school ako nag-aral." Sabi ko. "so... ano na? what happened?"

Huminga si Clash ng malalim. "Denee got---"

"HAZEL!" Napatingin ako sa sumigaw. While Clash slammed the table. Mukhang nabitin siya sa kwento niya.

"LORRYN!" sigaw ko rin. Oh what have I done?! Hindi ko man lang napansin na wala siya sa party... tsk.

"Dirtbag!! I missed you so much!" with her pink dress and high-heels, she hugged me tight. "you gained weight. Did you?"

"what do you expect?!" I laughed. "haayy namiss talaga kita!"

"eherm..." Napabitaw ako ng hawak kay Lorryn. Napatingin ako doon sa gwapong lalaking nasa likuran niya.

"hey. Who's this?"

"oh... Taba. Pumayat ka na?" singit ni Clash. Tumabi siya doon sa tinawag niyang 'taba'. "ikaw ba iyan? Alam kong ikaw iyan... pero ano nang nangyari sa iyo?" pinindot pa ni Clash ang braso ng lalaki. "hindi na nagba-bounce yung daliri ko." Tinignan niya ang daliri niya na parang may problema iyon. Mukhang hindi ko maririnig ang kwento ngayon ah.

"ahaha." Napakamot siya sa batok. Then he turned to look at me. "hindi mo ako natatandaan ano?" tumawa siya ulit. "ako 'to... Elmer. Remember?"

"Elmer?" tinitigan ko pa siya. The two-hundred pound man... turned into this... hot guy?! Anong nangyari? "is that really you?!"

"oo naman." Sabi ni Lorryn. Nilingkis niya ang braso kay Elmer. "my one and only Elmer."

"yuck..." napayuko si Clash.

"really?! What happened to you?!" tinitigan ko pa siya lalo. Ang laki ng ipinayat niya. Parang nagkasakit siya then pumayat bigla. He got a lot whiter. And a lot manlier. Pumapangit si Clash kapag nagtabi sila.

"haistk. Dali na... doon na kayo. Maraming pagkain doon." Sabi ni Clash.

"babalik ako, Dirtbag, I'll just let those girls envy me." Bulong niya. Natawa ako then they went off to the buffet table.

"Haistk. Ahmmm... geh, cr lang ako ha." Sabi ni Clash.

"may ikekwento ka pa ha." Paalala ko.

"oo naman." He smirked then went off.

"tss." Umupo ako ulit. Laki talaga ng pinayat ni Elmer.

"don't you think that he's not human?" Napatingala ako sa nagsalita. "hey, I'm invited, don't worry." Sabi niya. That white skinned Korean man. That black hair. "hey... you still remember me, right?"

"Henry?" I almost stuttered at saying his name. "you're here!"

"ahaha... yeah." Then he showed me a white box with red ribbon. "my gift for you."

"oh... thanks." Umupo siya sa tabi ko. "who are you with?" tanong ko. Nilapag ko muna ang box sa tabi ko.

"ah... I'm with Rana." Sabi niya. Then he pointed at one of the tables. "oh... she's gone. We'll it's okay. You can meet her sometime."

"sometime." Bulong ko.

Tumayo na siya at tinapik ako sa balikat. "Happy Birthday. And uhmmm... don't smile too much. You might cry a lot later." I laughed a little with what he said. Umalis na rin siya after noon. Then Clash came.

"ano 'yan?" tinuro niya yung gift na bigay ni Henry.

"gift..." sabi ko. Kukunin ko na sana yung box nang bigla kong maalala yung sinabi ni Henry...

'...don't smile too much. You might cry a lot later.'

"para saan naman ito?" sabi ni Clash, napatingin naman ako sa kaniya.

"waah!" I shrieked, may mga napatingin pa sa akin pero hindi ko nalang sila pinansin. "what the--- Clash what have you done?!" Binuksan niya ang box! Oh my goodness! Nagcreate siya ng malaking butas sa isang part ng box at pinunit niya na parang bata! "Clash naman!"

"tss... parang damit lang eh." Bulong niya then he turned to the other side sabay hagis ng box sa lap ko.

"wala ka talagang modo." I hissed at him. Inirapan ko ang likod niya at inayos ko nalang ang box. Inayos ko ang pagkakatupi ng dress na nakalagay sa loob na gift ni Henry. Wala talaga si Clash. Nakaka-irita naman siya eh! Good mood na nga ako tapos...

'...don't smile too much. You might cry a lot later.'

Bakit kaya nasabi ni Henry iyon?

~***~

Henry is in the multimedia.

Thanks for reading!

Don't forget to vote and comment!

God bless everyone.

Sunny @i_am_42



A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon