Chapter 46: Where's Clash?

7.1K 125 1
                                    

Chapter 46: Where's Clash?

~*~

*Hazel's POV*

I stared at the different flowers infront of me. They've grown faster. Noong araw na kakalipat ko lang dito, hindi pa sila bumubuka, now look how beautiful they are. Beautiful... napangiti ako upon remembering that word. Once again, I poured water at the pot of one of the plants then I turned the faucet off.

"Hon!!"

Nangunot ang noo ko upon hearing his voice. Humarap naman ako. "ano?!" sigaw ko rin.

"kakain na tayo!" he shouted again and closed the door leading to the garden.

"tss..." binitawan ko na ang hose at naglakad na ako papasok ng bahay.

Aaminin ko, Clash became more of a good guy to me this past few weeks. Madalas na niya akong tinatawag sa accidental endearment namin na 'honey'. Tapos minsan niyayaya niya akong lumabas, lalo na kapag wala si Manang Yol. Pumupunta kami lagi doon sa cliff side and lagi niyang dala ang camera niya. Napapansin ko rin na todo siya kung makapag-alala. Kaunting aray ko lang, naghi-hysterical na siya. Minsan pa akong pinagalitan kasi nagpuyat daw ako. He even scolded me noong sinabi ni Dra. Villamore sa kaniya na stressed daw ako.

Sa tingin ko, ito talaga ang ugali ni Clash. He may seem to be a 'huge headburner', ika nga ni Denee, pero mabait naman pala talaga si Clash. Hindi siya madaling pakisamahan dahil sa temper at 'bipolar' state niya, pero... sa araw-araw na kasama ko siya dito sa bahay, sobrang dalang nalang namin kung magbangayan. Mas nakilala ko rin siya... at ewan ko ba, masaya akong kasama ko siya.

"Manang, si Clash po?" tanong ko kay Manang Yol pagkapasok ko ng kusina. She's preparing something on the kitchen counter. Nang silipin ko ay cooked eggs, bacons, at iilang bread pala ang nakalagay doon. May tasa rin ng mainit na gatas at isa pang naglalaman ng black coffee na paborito pala ni Clash sa umaga.

"nasa e-room na naman siya." Sabi niya then she gave me the tray filled with our usual breakfast.

"ah... salamat po, Manang." Sabi ko sa kaniya then I walked out of the kitchen and continued to walk to the e-room. I sat beside him. Dito na kami sa entertainment room nag-aalmusal. Lagi kaming nanonood ng movie dito o kaya kung ano lang ang palabas.

"ang tagal mo..." reklamo niya. Naka-harap na naman siya sa tv. He's watching the all time boy's favorite... basketball... I'm not really into that pero dahil sa kaniya, nag-eenjoy na rin akong manood. Kinuha ko yung tasa ng gatas at ininom iyon. "aalis ako mamaya." Sabi niya.

"lagi naman eh. Saan nanaman ba kayo?" tanong ko.

"I mean... aalis tayo." Sabi niya then he stared at me.

Ngumiti ako. "saan tayo pupunta?"

"may gaganaping party sa Diamond Palace..." sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin. Bakit parang may hinihintay siyang sabihin ako? Ah, there goes my imagination again.

"sa Diamonds na naman?" sabi ko na lang. "whose party is it?"

Napabuntong-hininga siya. Napakunot noo naman ako pero umiling lang siya. "ewan ko. Basta pupunta lang tayo doon."

"bakit tayo pupunta kung hindi mo alam?" Sabi ko.

He stared at his bare feet. Nag-iisip siya ng malalim. Then he snapped his head back to me. "secret." He smiled that smile with too much teeth and no eyes. Tss. I rolled my eyes at him.

"bahala ka nga."

~*~

After watching the tv, minadali na ako ni Clash. He told me na kailangan before mag-alas dose ay naka-ayos na raw ako. He gave me a number, may pupunta raw dito sa bahay sa oras na tawagan ko ito. I'm already done with everything. Tatawagan ko na sana yung number when I realized that Clash is already gone. Tinanong ko na kay Manang kung nasaan siya pero wala ring alam si Manang kung nasaan yung bipolar na iyon kaya tinawagan ko na lang ang number. Babae ang sumagot at tinanong lang niya kung ako ba si Hazel. Siyempre um-oo ako tapos sabi niya pupunta na raw siya. I don't know her pero alam naman daw niya ang pinapagawa ni Clash. Medyo nalito ako sa kaniya. I sat in the hammock in the terrace for almost ten minutes after I called the number.

"iniwan tayo dito ni Papa. Ang sama niya. He didn't even bother to say goodbye." Sabi ko while caressing my belly. Lagpas dalawang buwan na ang baby ko. Haay... time flies too fast.

"Hazel, may naghahanap sa'yo sa baba. Papapasukin ko ba?"

Napalingon ako kay Manang Yol, nakatayo siya sa sliding door palabas ng terrace. "ah baka iyan na po yung pinatawag ni Clash sa akin. Sige Manang papasukin niyo na po."

~*~

May lalaking naka-upo sa salas. His back facing me. "ah... ikaw na ba yung pinadala ni Clash dito?" tanong ko. Bigla siyang lumingon sa akin, noong una akala ko kamukha niya lang. Pero nang tumayo na siya, sigurado akong siya na iyon. I can't help but smile widely at him. "Andrew? Kuya Drew?!"

"oh... hi Princess!" lumapit siya at niyakap ako. His strong arms caged me at agad naman akong yumakap pabalik. Ang tangkad niya, hanggang balikat niya lang ata ako eh.

"Kuya Drew ... anong ginagawa mo dito? Where's France? Si Kuya Roro ba kasama mo?" tanong ko nang maghiwalay kami sa yakap.

"nasa labas si Francis. Ang Kuya mo hindi namin siya kasama..." Umiling siya. "well, pinadala lang ako ni Clash dito kaya nandito ako." He winked at me sabay akbay sa akin.

"ikaw? Teka... ikaw yung pinadala ni Clash dito? Y-you know Clash?" tanong ko.

"oo... sa kasamaang palad, after highschool naging kabarkada ko siya kasama sina France, Tabs at Cassie. I can say na sobrang liit lang talaga ng mundo." Sabi niya habang tumatawa. Natawa na lang rin ako.

Tumango ako. "oo nga." May sasabihin pa sana ako nang may sumigaw mula sa front door.

"Princess!!" Napatingin naman kami ni Kuya Andrew sa pintuan. There stood France, the very cute and funny Francis. "namiss mo ba ako?" sabi niya. Lumapit ako at niyakap ko rin siya.

These guys are just two of Kuya's circle of friends. Kasama sa barkada si Kuya Case na kuya ni Lorryn kaya nga kami magbestfriends kasi magkaibigan din ang mga kuya namin... Iyon nga, sila ang mga kabarkada ni Kuya back in highschool, pwera lang kay Elmer. They're really close with me, parang tunay ko silang mga kapatid or kuya. Sila itong may kasalanan kung bakit akong tinatawag na princess, lagi daw kasi akong naka-dress noong bata ako. Tss. Those memories...

"of course! Ang tagal na noong last na nagkita tayo eh." Sabi ko.

"kami rin, namiss ka rin namin. Pero alam mo, nagulat talaga kami noong nalaman namin na ikaw yung nabuntis ng gagong iyon..." napakamot si Francis. I really don't call him Kuya kasi halos magkasing-edad lang kami. "...nakaka-shock."

"ahaha..." tumawa nalang ako.

"ah ito pala, bago ko makalimutan." Sabi ni France then he gave me a box na kanina niya pa dala-dala.

"what's this?" tanong ko.

"pinabibigay ni Clash."

Bigla akong napatigil. "wait... if Clash's not home and you're here...Eh di...nasaan siya?" They turned to each other. Parang nag-uusap sila using their eyes. Tss. "ano na? Tell me France, Kuya Drew... where's my lawfully wedded husband?"

Sabay silang nagsmile... that same smile with too much teeth and no eyes. Magkakaibigan nga sila. "bago namin sabihin sa'yo, gusto kong buksan mo muna iyan sa kwarto." Sabi ni Francis then he pointed at the box.

"ano bang trip niyo ha?" tanong ko. "ano ba ito?"

"basta! Gawin mo nalang, Princess." Sabi ni Kuya Andrew.

Ano bang trip nila? What's really going on?!

~***~

What is really going on nga naman hahaha.

The picture in the multimedia is Clash, Francis and Andrew respectively.


Thanks for reading!

Your votes and comments are highly appreciated :)

God bless.

Sunny @i_am_42



A Shotgun Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now