Chapter 69: Awake

8.7K 159 6
                                    

Chapter 69: Awake

~*~

*Clash's POV*

Stalker siya. Isang malupit at nakakatakot na stalker.

"hindi ko alam kung paano napalitan ni Sheena yung papel." Sabi ni Rana, yung tibong girlfriend ni Henry. Nandito si Sheena, naka-upo siya dito sa loob ng police office. Kaagad namin siyang dinala dito para wala na siyang kawala. Saktong dumating sina Elmer at Lorryn kanina sa airport, ipinasama ko na muna si Hazel at Lola Max sa kanila. Agad naman nilang dinala sa ospital si Hazel, may tiwala naman ako sa kanila. Si Hazel, gusto ko na siyang makasama ngayon pero kailangan kong masigurado na maipapakulong ko itong si Sheena. Tangina... kapag sinasabi ko ang pangalan niya pakiramdam ko nagmumura ako. "c-in-ontact ko na si Henry. Nakuha na rin niya si Hunter. Dadalhin niya dito si Rhea, yung kaibigan ni Madam, para maipa-imbestigahan sila." Dagdag niya.

Napa-upo ako. Masyado akong maraming nalaman. Dandahan kong ipinatong sa tuhod ko ang kamay kong may benda. Napuruhan pa sa pagsuntok ko sa pintuan... Tinignan ko si Sheena. Siya, dating-dati ko pa pala siya kilala. Isang malaking kalandian ang ginawa ko sa kaniya kaya iyan, na-obsessed pala siya sa akin. Pinipilit niyang anak ko si Hunter kahit si Henry ang tunay na ama ng bata. Pero imposible iyong mangyari dahil three years old na si Hunter. Ibig sabihin four years ago noong nilandi ko siya... eh seventeen lang ako noon at nasa college pa ako noon. Wala akong oras sa babae.

Tsk. Gets niyo ba ha? Nakaka-irita! Nandoon pala siya noong birthday ko, pati noong birthday ni Hazel. Ngayon lang talaga nagsi-sink in saakin na siya yung nagpadala ng pictures namin sa media. Na nagpapadala siya ng e-mails at texts si Hazel. Na siya ang gumawa ng lahat ng kagaguhan na iyon sa buhay naming dalawa. Lagi siyang nagpapakita pero bakit 'di ko siya napapansin? "kung 'di ka lang babae, napatulan na kita." Sabi ko.

Tumawa siya at tinignan niya ako. "talaga?" umiyak naman siya.

"oo." Gigil na ako tangina. Sumama yung mukha niya. Dana naiisip ko palang na naikama ko siya, parang gusto kong mainis. Kung bakit kasi late kong nakilala si Hazel. "ano bang ginawa ko para gawin mo iyon sa amin!" sigaw ko. Tumayo siya bigla. Nakaposas naman siya eh kaya 'di niya ako masasampal. Puta, subukan niya, mababangasan siya sa akin. "ha?!" sigaw ko.

"hindi ko naman yung gagawin kung 'di dahil sa'yo!" sigaw niya. Naramdaman ko kung gaano kasakit yung bawat salita niya isabay mo pa na sunod-sunod yung tulo ng luha niya. "I gave my life to you... I stopped dating other men dahil akala ko seryoso ka. When I learned about your playfulness, wala lang iyon sa akin." Lumapit siya sa akin. "pero noong dumating siya... noong dumating siya, nasira lahat ng plano ko para mapasakin ka!"

"hindi ako sa'yo." Diin ko. Naalala ko yung nakasulat sa papel. Alam ko na na siya ang nagpadala ng papel na iyon. Sa kwento ni Rana, may pinabibigay talagang sulat si Henry sa amin, na mag-ingat kami at baka may gawin na naman si Sheena, at kung pwede ay 'wag muna kaming bumalik ng Manila. Hindi pa rin namin alam kung paanong napalitan ang papel. Hindi kaya yung babaeng iyon at bata? Tsk... sabi ko na may mali sa kanila eh. "hinding hindi ako magiging sa'yo." Sabi ko kay Sheena.

Umiyak na siya ng umiyak. Lalabas na sana ako dahil sa inis nang biglang hilain niya yung braso ko. "ano bang mayroon si Hazel?! Ha? Na wala ako..." sabi niya.

Hinawakan ko yung kamay niyang nasa braso ko. "lahat..." tinignan ko siya at tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Clash... Clash please, akin ka na lang!" sigaw niya.

Hinawakan siya ni Rana. "Madam... tama na." Tinignan siya ni Sheena. Halatang galit si Sheena kay Rana at Henry. Pero alam naman natin na ginamit niya lang yung dalawa.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon