The feeling of being free to love him is still surreal to me. Ang sarap magmahal ng hindi mo tinatago. Ang sarap pala magmahal ng malaya kayo. Ang sarap pala sa pakiramdam na maayos na ang lahat na kasama mo ang mga taong mahal mo.
"Now, go. Iloveyou." He kiss me first before he let me go. "Iloveyou more," sagot ko.
Nagsimula akong maglakad papunta kila nanay. Umihip ang hangin kaya bahagya akong nakaramdam ng nginig. Medyo masama pa ang pakiramdam ko at medyo nahihilo dahil na din siguro sa pagod.
"Nay!" Sigaw ko sa kanya. Napatingin sa akin si nanay Ester ng nakangiti. Her eyes surrounds by wrinkles. Nevertheless, hindi ko mapapagkaila na maganda si nanay.
Umupo ako. Binati ako ni nanay at nagpaalam na pupunta lang sa comfort room. Bahagya pa akong nagtakip ng bibig dala ng paghikab ko.
Hinanap ng mga mata si mommy at daddy. I saw daddy and mommy talking to Anton. I smiled at them. May kung anong sinasabi si mommy kay Anton. Nagulat nalang ako ng sabay sabay silang napatingin sa akin ng nakangiti.
This is the life that I've been longing for a long time. The life of less stress and worries para sa mga taong mahal ko. Buhay na hindi ko na kailangan mamili at masaktan.
Lumapit ako sa swing ng makita ko si lolo. "Lolo John!" Masaya akong tumatakbo. His eyes were happy.
"Bree," niyakap niya ako ng mahigpit. "You made it." He hug me tighter. Puting puti ang suot ni lolo John at ayos na ayos. " aalis kaba, lolo?" Tanong ko sa kanya. Walang bahid ng kahit na ka-onting lungkot na makikita sa kanya.
"Everything is in their right place, I can now have my peace." Sagot niya. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot. "Maybe this is the last time you will see me but I want you to know that I'm so proud of you, Bree." Ngumiti ulit si lolo habang umiiling.
"I will not see you again?" Tanong ko medyo bigo.
"I'm everywhere, Bree. I'm always here." Huminga siya ng malalim at ngumiti ulit. " Hindi ako nagkamali na hindi mapagod na hanapin ka. I want you to know that you are worth the pain, Bree. Take care of them. " hinawakan ni lolo John ang tiyan ko hanggang tuluyan na siyang nawala.
"Baby,"mahinang salita ni Anton. Kinusot ko ang mga mata ko at unti unting binuksan.
"What are we doing here?" Medyo nataranta pa ako. Naalala ko na kasal naman kanina hanggang pumunta ako kay nanay Ester at nakaramdam ng antok.
Hinawi ni Anton ang takas na buhok mula sa mukha ko. "You fell asleep," sagot niya. Pumikit ako ng bahagya sa bawat haplos niya na para akong hinehele.
"What happened? Where are they?" Tanong ko ulit. Paano medyo kinabahan ako na baka panaginip lang lahat ng nangyari. Anton smiled at me and showed me his right hand wearing our ring. Geez!
"They are inside their rooms. They understand you and they want you to rest Mrs. Ibanez." He said playfully. Kumalabog ng husto ang puso ko sa huli niyang binanggit. Legally, asawa ko na si Anton. At totoo na ito. Hindi panaginip o ano.
Humiga siya sa tabi ko. Inilatag niya ang braso niya kaya lumapit ako doon at nahiga. Agad nagtindigan ang balahibo ko ng malanghap ang bango ni Anton.
"Are you happy?" I suddenly asked him. Nakatingin kasi si Anton sa kisame na parang ang lalim ng iniisip. "Beyond happy, Bree" tumagilid si Anton kaya nagkaharap kami. Ngumuso ako para pigilan ang kilig at isalba ang sarili sa kahihiyan.
Trinace ko ang ilong na matangos ni Anton habang nakaktitig ako sa kanya. Bahagyang pumikit ang mga mata niya sa ginawa ko.
I do love this man. Bahagyang kumirot ang puso ko at nakaramdam ng guilt ng maalala lahat ng hirap at sakit na binigay ko sa kanya. He's literally giving the world to me. Hindi ko alam nagawa ko para mahalin niya ako ng ganito. Hindi ko din maiwasan manliit dahil pakiramdam ko, hindi ko kayang suklian yung lahat ng binibigay niya sa akin. Nevertheless, seeing him happy makes me happy and contented too. And being his wife is beyond expectation.
"Why did you stay inlove with me when all I gave you was pain." I suddenly asked him. Marahang dumilat si Anton. Nang nagtama ang mga mata namin ay huminga siya ng malalim. Niyakap niya ako ng mahigpit. Iniangat niya ang baba ko at saka hinalikan ang noo ko kaya ako bahagyang napapikit.
"I love you too much, enough reason to understand the pain." He said sincerly. This time, there is no trace of pain in his eyes. All I can see is love, happiness and contentment. I kiss him instantly. There is no regret to chose him. Anton is all worth it.
Dinukot ko ang regalo ko sa kanya na nilagay ko sa bedside table. Anton was shock at first pero napakunot ang noo nang makabawi.
"Open it," I handed the box to him. He was hesitant to get it from me pero sa huli ay kinuha niya din.
" What is this?" He asked clueless. Pumatong ako sa dibdib ni Anton at bahagyang trinace ang malilit na balahibo sa dibdib niya. Natawa pa ako ng bahagya ng humataw ang tibok ng puso niya.
"It was an ultrasound copy, congratulations, baby. Be ready to be a father for our twins."
Then that's how our happy ending beggins.
------------
Nasa draft ko yung chap nato long time ago. Hindi ko alam bakit tinuloy ko ang sabaw naman! Haha! anyway, that's for all who requested for their happy ending.
12.14.20
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
Special Chapter
Start from the beginning
