ika- pito

10.9K 346 25
                                        


"Ang galing mo naman," hindi ko maiwasan na ngumiti ng purihin ako ni tito Luther habang gumagawa ako ng turon na specialty ni nanay. Nilalagyan kasi ito ng macapuno kaya mas naging malasa at masarap.

Yun nga lang, dahil mahal ang macapuno ay hindi nilalagay ni nanay para itinda lang. Ginagawa niya ito kapag may special na okasyon sa bahay.

"Hindi naman po ito mahirap gawin, madali lang po." nahihiyang sagot ko habang nilalagay ang naluto ko sa isang pinggan.

"No, believe me, at your age? I find it amusing.. Bree didn't even know how to cut a banana.." naiiling na salita habang malaki ang ngiti.

Wow! Kitang kita sa mukha ni tito Luther ang pagmamahal niya kay Bree kahit wala itong alam gawin na kahit anong gawain bahay. Isa pa, gustong gusto kong tumingala para pigilan ang pag-agos ng dugo sa ilong sa pag-eenglish nila.

Kailangan ba talaga english magsalita? Baka maging anemic na ako kung sila ang kausap ko araw araw.

"Kaya niya din po ito," ngumiti ako at nilapag sa harap niya ang turon na naluto ko. "Kung susubukan niya po." sagot ko.

Titig na titig ako kay tita Sasha na marahan pang hinihipan ang turon na nagawa ko. Pigil na pigil ako sa paghinga. Natatakot kasi ako na baka hindi sila masarapan. Kung ikukumpara mo naman kasi ang gawa ko sa nakakain nila? Walang wala ito.

The only difference is, buong puso ko ang binigay ko sa paghahanda at pagluluto niyan.

"I guess, but knowing Bree? She doesn't even have a single a fiber to do the kitchen stuffs. Ang alam lang naman non ay mag make-up at shopping." Si Kaio.

Bigla nalang siyang lumabas sa likod ni tito Luther. Minsan nakakagulat din iyan eh, bigla bigla nalang sumusulpot.

"Lucas, she can do whatever she want." si tito Luther na pinagtatanggol pa si Bree.

Kaio rolled his eyes at tumabi kay tita Sasha. "Whatever dad.. Si Bree naman ang mahihirapan. And goodluck to her future husband." nagkibit balikat siya sabay subo ng turon.

Natigilan ako ng magkatinginan sila ni tita Sasha. Kumunot ang noo ni tito Luther habang nakatingin sa dalawa. Ako naman ay natigilin din. May mali ba sa ginawa ko? Hindi ba masarap? Bakit ganyan ang titigan ni tita Sasha at Kaio?

"What?" si tito Luther ang bumasag sa katahimikan. Nanatili ang titig ko sa kanila dahil sa kaba. Bakit ganoon ang reaksyon nila?

"Ganitong ganito yung dinadala sa ating turon ni tito Blake." manghang mangha si Kaio habang patuloy ang pagnguya.

Blake? Sino naman iyon? Napatingin si tito Luther kay tita Sasha ng kunot ang noo. Umiwas siya ng tingin at sumubo ulit ng isa.

"Don't look at me like that, Luther. Si Lucas ang nagbanggit kay Blake." umirap pa siya at kumagat ulit.. "Not me." nagkibit balikat siya at nagpatuloy kumain.

Nag igting ang panga ni tito Luther na bumaling kay Blake. "Oh--cmon, dad. Tito Blake was gone, move on move on din... At totoo naman na kalasa ng turon niya ang ginawa ni Astrid." kibit balikat niya.

Huminga ako ng malalim. Kahit hindi ko sila naiintindihan.. Somehow, nakahinga ako dahil nagustuhan nila ang gawa ko. I don't know what's wrong with me pero gustong gusto kong pagsilbihan sila.. Like, I want to please them.

Kung tatanungin ako kung bakit? Even me, hindi ko kayang masagot. The only fact here is magaan ang loob ko sa kanila. Like I'm their family.

Pinilig ko ang ulo ko sa mga naiisip ko. I know it's not good. Pero may parte pa din sa sarili ko na hindi mapigilan ang nararamdaman ko para sa pamilya ni Bree. I feel like they're my family too.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now