ika- labing pito

10K 357 44
                                        

Grabe ang typo, wrong grammar at spelling ko! kasalanan ito ni Anton! Tinataranta niya ko. Haha

---------------------

Maalat na simoy ng hangin ang humaplos sa pang amoy ko. Galit na sinag ng araw ang nagpapikit sa mga mata ko. Hampas ng mumunting alon ang nagpagising sa kaluluwa ko.

Hinawakan ko ang makirot na ulo ko. Hindi ko na alam kung anong nangyari, basta ang alam ko ay nakatulog ako sa byahe dahil sa sobrang pag iyak.

"Okay kana?" napabaling ako kay kuya Anton na nakaupo sa couch malapit sa hinihigaan kong kama. Lumibot ang mata ko sa paligid at agad kong napagtanto na wala kami sa bahay. Saan ako dinala ni kuya Anton?

Tumingin ako sa kanya. Malalim ang mga mata niya at halatang pagod na pagod. "Natulog kaba, kuya?" naiilang na tanong ko.

Nakatingin kasi siya sa akin na para bang tinitimbang ang nararamdaman ko. Napatingin ako sa sirang gown na suot ko at napangiti ng mapait. Ang luha ko ay nababadya na naman tumulo pero ginawa ko ang lahat para pigilan ito.

"Binantayan kita," sagot ni kuya na nanatili ang titig sa akin. Nakasuot siya siya ng jercy shorts at puting plain na damit. Ang buhok niya ay bahagyang nagulo na nagpatingkad sa hugis ng perpekto niyang panga.

Lumunok ako ng makaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso habang nakatingin sa kanya. Sa buong buhay ko, ngaun lang ako nakaramdam ng ganito. Bakit kay kuya Anton pa? Bakit nagagawa niyang pagwalain ang puso ko sa bilis ng tibok? Anong meron sa kanya?

"Bakit mo naman ako binantayan?" kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Natataranta talaga ako kapag nag-uusap kami ni kuya. Parang ang sarili ko ay nawawala sa sariling katinuan dahil sa kanya.

I remember what he did to me. Siya lang ang kakampi ko ng inapi at hinusgahan ako kagabi. He made me feel that no matter what, he's always with me.

Lahat ng sakit na binato sa akin kagabi, si kuya Anton lang ang nagtanggal noon sa akin. Ang kaalaman na nandyan siya para sa akin ay nagpawala ng sakit na natamo ko.

But still, the hurt feelings is still with me. Hindi naman iyon mabubura ng isang pagtulog.

Ipinatong niya ang baba niya sa kamay ni at rekta pa din ang mga mata sa akin. Titig na titig siya na para bang madaming iniisip.

"D-dapat nagpahinga ka." pahabol ko ng hindi siya nagsalita. Nakakailang talaga! Diba ay hindi dapat ako mailang? Kapatid ko siya!

"I want to watch over you. I want to protect you in every possible way I can, Astrid. And besides, I'm extremely pissed." nag-igting ang panga niya.

Parang may anghel na dumaan sa loob ng silid ng walang nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tanging mahinang hampas ng alon ang naririnig sa pagitan naming dalawa.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Kailangan kong mag-explain kay kuya na hindi totoo yung binibintang sa akin ni Betina.

"Kuya naniniwala ka naman na hindi ko一" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng tumayo siya at putulin ito.

"I believe in you, baby," mahinahon at malambing na salita niya. " Mag-ayos kana. Kain na tayo tapos ipapasyal kita."

"Talaga?" lahat ng nararamdaman ko ay parang nilapid ng hangin. Ngumiti siya ng tipid  at tumango.

Natulala pa nga ako kasi sa ngiti niya. Kuya Anton smiles rarely. Palagi kaya siyang seryoso at nakakatakot. Tapos para sa akin para siyang puzzle na hindi ko mabuo sa sobrang misteryoso niya.

"Magbibihis lang din ako," paalam niya.

"Nasaan tayo?" tanong ko bago siya makalabas ng silid.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now