ika tatlumpu't apat

9K 264 40
                                        


Anton:

Can I see you? I miss you..

Kinagat ko ang labi ko nang mabasa ko ang text ni Anton. Dalawang linggo na din simula ng bumalik kami sa Manila. I left Raj at El Nido alone. True enough, hindi niya ako sinumbong kila mommy. Hindi ko alam kung paano niya ako napagtakpan kila mommy kung bakit nauna akong umuwi sa kanya. Ang alam ko lang ay siya na ang nagpaliwanag kila mommy kung bakit nandito ako ngaun.

Napagkasunduan namin ni Anton to buy more time. Hindi naman kasi pwede na basta nalang kami uuwi at isiswalat na mahal namin ang isa't isa. May tamang oras para doon. At hindi ngaun ang oras na iyon.

To Anton:

Videocall?

Reply ko sa kanya. Hindi naman kasi ako makalabas at never pa ako nagtry. Nung mga unang months ko kasi dito ay hindi talaga ako pinapalabas ng bahay. At simula naman umuwi ako galing El Nido ay hindi naman ako naglalabas ng kwarto. Palagi kasi akong naghihintay kay Anton makipag videocall. Busy na din siya dahil nagtatrabaho na siya sa company ng daddy niya. (Ibañez airlines)

Anton:

Can we do more than that? I want to feel you...

Fuck! Ang kalabog ng puso ko ay nagsimula na naman lumakas. Grabe talaga magsalita si Anton. Minsan naiisip ko kung ganito ba talaga siya o ano. Nakilala ko siyang cold. Napalapit ako sa kanya and he's now warm.

To Anton :

I'll try to do something about that.

Huminga ako ng malalim at nag isip ng pwede kong alibi kila mommy para makipagkita kay Anton. Ito ang una kong naging relasyon. Una pero hindi normal. I mean.. Patago.. ang hirap pala lumaban at magmahal ng patago. Kailan ko pang lokohin sila mommy para lang makita ko si Anton. I know it's bad but it's going to be worth it.

Simula bumalik kami ng Manila ay ngaun ko lang siya makikita. Alam niyo yung feeling na natatakot ka pero naeexcite ka? Sobrang nakakatakot pero alam ko naman na dito ako sasaya.

Minsan may mga bagay talaga na akala mo hindi mo kaya pero nagagawa mo para sa taong mahal mo. Para sumaya siya at para mapasaya mo ang sarili mo.

Pagkatapos kong maligo ay nagmadali akong magbihis. Anton's not use of me wearing something decent and presentable. Lumaki kasi ako na palaging nakashorts at damit na bulok. Wala naman kasi akong pera na pambili noon hindi tulad ngaun na kahit ano ang gusto ko ay mabibili ko na.

"Anak." nagulat ako ng bigla nalang pumasok si mommy sa kwarto ko. Goodness! Dahil sa pagmamahal ko kay Anton ay magkakaroon yata ako ng atake sa puso.

"Po?" tanong kong hindi siya tinitignan.

"Aalis ka?" tanong ni mommy Sasha. Pumikit ako ng mariin at ngumiti ng hinarap si mommy.

"Opo sana.. Pwede po ba?" tanong ko.

"Saan ka pupunta?" seryosong seryoso si mommy. Ang naisip kong alibi kanina ay nakalimutan ko na dahil sa kaba.

Kinagat ko ang labi ko. "Sa school po.. Gusto ko po kasing mag aral ulit." sagot ko. Damn it! Mabuti nalang at May na ngaun. Next month ay pasukan na.

Tumango si mommy habang nakatitig pa din sa akin. Calm down Astrid! Wag kang magpahalata na nagsisinungaling ka. Partly truth naman ang sinabi ko. Gusto ko din mag aral ulit pero hindi iyon ang totoong gagawin ko ngaun.

"Okay... Ipapahatid kita.." sagot niya.

Napangiti ako. Parang may kung ano bara sa lalamunan ko ang nawala. Ang malaman na pumapayag siya na umalis ako ay okay na. Hindi na ako magtatangka na tumanggi at baka maghinala pa siya.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now