ika-tatlumpu't tatlo

9.7K 288 39
                                        

"I told you.. Hindi mo obligasyon magpaliwanag sa kanya." iritable si Anton nagsasalita habang naglalakad kami pabalik sa hotel kung saan kami naka check in ni Raj.

Kanina pa niya kasi ako sinasabihan na hindi ko na dapat kausapin si Raj at kanina ko pa din siya pinipilit na gusto ko kausapin. Medyo gumaan nga lang ang nararamdaman ko ng hindi pa ako tinatawagan nila mommy.

I concluded, that maybe Anton was right. Hindi nga kami isusumbong ni Raj. Pero bakit? He's been loyal to my parents. I know that and I've seen everything sa sandaling panahon na nakasama ko sila. Kung gaano kaclose si Raj kila mommy at daddy.

Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "I know... Pero gusto ko. Please..." nag paawa pa nga ako para pumayag na siya. Umiling si Anton at umirap kaya bahagya akong napangiti.

"For what? Hindi naman niya sinabi diba?"

Tumango ako. "I want to say sorry to him too. I've been cold and harsh at him all the time. Kung ano man ang dahilan niya kung bakit hindi niya sinabi... Gusto kong malaman.. At gusto ko din magpasalamat." sagot ko. Isa pa, gusto ko talaga magpaliwanang kay Raj. I don't like him romantically.. Pero hindi ko maipapagkaila na naging mabait siya sa akin.

"Can't believe I fell for someone who's so nice and selfless. Palagi mo nalang iniisip yung iba. Bawas bawasan mo naman yung kabaitan mo, Astrid..."

"Masama bang maging mabait?" balik tanong ko sa kanya.

Umiling agad siya. "No. Masama yung sobrang bait. Minsan kasi yung pagiging mabait mo yung nagiging weakness mo. Dahil mabait ka masyado, instead of choosing what you really want without any hesitations, nagdadalawang isip kapa kasi kinoconsider mo yung mga bagay sa lahat ng anggulo. Hindi ba pwedeng magdecide ka agad? Walang nang but's or anything?" he said seriously.

Napahinto ako at napabitaw sa kamay niya ng matapat kami sa tapat ng hotel. Napalingon pa nga ako sa babae malapit sa gilid ng hotel kasi ang creepy. Akalain mong nakasuot siya ng hoody jacket at shades habang nakatingin sa gawi namin ni Anton.

Bumaling ako sa kanya ng tumikhim siya. Bumalik ang tingin ko sa babae pero nawala na siya."Ano ang tinitignan mo?" tanong niya. Umiling nalang ako kasi wala na naman doon yung babae.

"Coz' that's the right thing to do. Depende din siguro sa situation. Nasaktan ko siya, at nasasaktan. And I'm curious why he never tell about us." sagot ko sa sinabi niya. Hindi na ininda yung nakita kong babaeng creepy pero may parte sa akin ang nabagabag. Siguro... Dahil hindi ako mapakali na alam ni Raj ang totoo.

"He did not tell about us because he's madly inlove with you.." kalmado si Anton. Napaharap ako sa kanya. Seryoso kasi masyado ang pagkakasabi niya sa bawat salita na binitawan niya.

"How did you know?" tanong ko din seryoso. Minsan kasi hindi ko alam kung  mind reader ba siya o nanghuhula lang. The worse part is he's always confident in everything he says or do. Or maybe... Anton was right.. I'm really naive.

Malungkot siyang ngumiti. "The way he looks and care for you? I know.. Kasi ganoon din kitang tignan at pahalagahan.. The only difference is he's free to show you everything that I couldn't even if I want to. Kasi, hindi kayo bawal."

Ngumiti si Anton at pinisil ang kamay ko. Kumurot ang puso ko sa malulungkot na mga mata niya kahit nakangiti siya. Somehow.. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Kasi, kahit ako, gusto kong iparamdam na mahal ko siya pero hindi ko din magawa dahil bawal.

Nagulat ako ng niyakap ako ng mahigpit ni Anton. Yung tipong ayaw na niya akong pakawalan. Kailangan ko na din kasi pumasok sa loob at dumadami na ang tao sa labas at nag uumaga na.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now