"More than that, Astrid."
Tulala akong nakatanaw sa dagat. Malalim nag iisip tungkol sa sinabi ni kuya. May gusto ba siya sa akin? We're siblings. Dapat alam niya na bawal ang nararamdaman niya.
I want to slap my self for being hypocrite. Kasi, the worst part of it was.. Nalaman ko kung bakit ganito nalang ang pakiramdam ko kapag malapit siya. Napagtanto ko kung ano nababasag kapag hindi niya ako pinapansin o may kasama siyang iba.
It was my heart shattering everytime.
His words broke me at the same time repaired me. Paano ako ngaun haharap sa kanya? I don't know what is his real feelings. Indirect naman niya kasi sinabi.
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang frustration. Feeling ko mas malala pa ito kaysa sa masasakit na salita na natanggap ko.
"Astrid!" sigaw ni Brent habang nakapameywang sa labas. Napauwang ng bahagya ang labi ko sa gulat.
Hindi ko pa alam kung paano harapin si kuya Anton. I'm scared, I'm nervous and freaking out inside. Sinabi ko nga kahapon na magpapahinga nalang ako at tinalikuran siya. How will I face him now?
Huminga ako ng malalim at pumikit. Facing him is inevitable so I had no choice. But facing him makes me want to choose the wrong choice.
"Kailangan kayo dumating?" sigaw ko pabalik. Nasa likod niya din kasi si West na may kung anong ginagawa sa cellphone.
"Just now." sigaw ni Brent.
"Bakit kayo nandito?" sigaw ko ulit pabalik.
Kumunot ang noo ni Brent at hinaplos ang batok. Natawa pa nga ako kasi ganyan ganyan ang itsura ni kuya Anton kapag naiirita.
"Eh bakit kaya hindi ka bumaba dito?" umirap siya kaya napangiti ako. Ang sungit din! Kahit medyo kinakabahan ako ay pinilit kong mag ayos.
Mas obvious naman kasi kung hindi ako lalabas. Besides gutom na gutom na din ako. Mabuti na nga lang hindi ako kinakatok ni kuya. Nagpadala nga siya ng food kagabi pero hindi ko naman nakain.
Nag suot nalang ako ng maong shorts at tank top. Plano ko din kasi maligo sa dagat. Mayroon ngang mga swimwear na pinadala si kuya pero hindi ko naman kaya isuot.
Sumunod ako kung nasaan si Brent at West. Hinanap ko pa si kuya pero wala siya. Napahinga ako ng malalim, hindi ko kasi alam kung malulungkot ba ako o matutuwa.
Napatingin agad sa akin si West at Brent ng malapit na ako sa pwesto nila. Medyo nahiya pa ako kasi titig na titig sila.
"Now I know why the fuck Anton is smitten." bulong ni West kay Brent pero nadinig ko naman. Mahinang sinapak ni Brent si West.
"Shut up!" natatawang sabi niya.
"Bakit kayo nandito?" tanong ko sabay upo sa katapat na upuan ng dalawa. Kumalam agad ang sikmura ko sa dami ng pagkain na nakahain sa lamesa.
"Ayaw mo ba kami dito?" sagot ni Brent sabay inom ng juice at ngumisi ng nakakaloko. Gago din itong si Brent minsan kahit gwapo. Medyo may hawig nga sila ni kuya, maybe dahil palagi silang magkasama.
Umirap ako at dumampot ng fries sabay subo. "May sinabi ba ako? Ang arte mo." naiiling na sagot ko.
"Woah, there baby, akala ko tahimik ka lang?" natatawa ulit siya. Sino naman nagsabi na tahimik ako? Uh, maybe sometimes.
"Bakit nga?" pangungulit ko.
"Someone calls for back up." kumindat siya sa akin kaya umiling ako. Ang harot harot naman kausap ni, Brent, nakakairita!
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
