Ngumiti si mommy at daddy ng hawakan ko ang magkabilang braso nila. Marahang sumayaw ang buhok ko ng umihip ang panghapon hangin sa dalampasigan. Hindi naman mataas ang sandals na suot ko pero pakiramdam ko ay nanginginig ang tuhod ko sa bawat hakbang na ginagawa ko.
"Are you okay, anak?" Napatigil si mommy at hinarap ako. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Mom stares at me with her genuine eyes. Now, I feel so love at wala na akong hihilingin pa.
It's our wedding day today. Sa resort kami ikakasal ni Anton. After of forever pain and agony we've been through, finally, now.. We have our strings to be together forever. Yung wala nang worries, yung wala kanang hihilingin because everything is on their right places.
Hindi naman mahaba ang lalakarin ko pero parang ang layo layo. Panay ang flash ng mga camera sa nilalakaran ko. Napatingin pa ako sa harap kung nasaan si Anton. Beside him is Brent and his father.
Sadly, his mom can't go here so we decided to make our wedding live so his mom can watch us.
Hindi ko mapigilan mapatingin sa magkabilang side ko dahil sa tahimik na pag iyak ni mommy at daddy. Huminto ako saglit to hug them. I smiled at them. " Mom, dad," ngumuso ako. Pumikit si daddy ng mariin. Pagdilat ng mata niya ay ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit.
" I never had the chance to say this to you, Bree. But I'm so proud of you. I'm so proud how you still get gentle to everyone. How you faught the world for what you want. Mahal na mahal kita anak."
Ngumiti ako at bahagyang tumingala. " Dad! Dont be dramatic.." pingilan ko ang paghikbi. " Your gonna ruin my make up!" Kunwaring reklamo ko.
Tumawa ng bahagya si mommy pati na din si daddy. Nabalik nga lang kami sa realidad when some of our guest laughs too. Napatingin ako kay Kaio na ngumiti sa akin. Beside her is her girlfriend. Finally.
Nagpatuloy ako maglakad. At sa bawat hakbang ko ay humahataw ang hampas ng maliliit na alon sa dagat. Napatingin ulit ako kay Anton. This time, hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Napaisip kung bakit ako ang minahal niya at bakit siya ang minahal ko. Kung paano namin nilabanan ang mundo kahit araw araw kaming dinudurog nito.
Makisig na nakatayo si Anton sa harap habang natatawa si Brent sa gilid niya. Pulang pula ang mga mata ni Anton na hindi manlang kumukurap na nakatingin sa bawat paghakbang ko. Malaki ang ngiti ko sa kanya habang papalapit ako ng papalapit sa kanya.
He lost it when I'm almost near. Napayuko na talaga siya at humagulgol ng iyak. Mahinang mura at tawa ni West ang narinig ko sa gilid. I don't know what to feel. Hindi na ako maiyak. I'm tired crying because that' s what I'm doing all my life.
Im so happy today. Actually, I'm so happy everyday since everything became okay. May ilan na natatawa but most of our guest were crying. Pati sila nanay sa gilid ni kuya ay umiiyak. I don't know with them but I think everything is just overwhelming.
Na sa lahat ng pasakit na tiniis namin para sa isa't isa, who would have thought that we will have our forever this time.
Natatawa ako ng niyakap ako ni Anton ng makalapit ako sa kanya. Tinapik lang ni daddy at mommy ang likod niya to make him calm. Ngumiti ako sa kanila at tumango hanggang tuluyan na silang bumalik sa pwesto nila.
" Hey, what's wrong?" Inangat ko ang mukha ni Anton at marahan pinusan ang mga luha niya.
Bahagya umayos si Anton at kinalma ang sarili. He look me in the eyes. Kitang kita mo ang sinseridad at pagmamahal niya sa akin using his expressive eyes. Nasinagan ng bahagya ng araw ang mukha niya kaya bahagyang kuminang ang mga mata niya. Hindi ako makapaniwala na isang Anton ang magmamahal sakin ng sobra sobra.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
